MAFY.010

17 2 0
                                    

"Nica Llanes send you a message"

Kinapa ko naman ang aking phone sa side table. "Kay aga-aga naman sino kaya ito." sabay hikab kong sinuot ang aking glasses.

"Nako Nica isang dakilang istorbo.Hahaha"

Hanie. Omo ang ganda ng The Gifted. Omo Eotteoke... Ang astig at ang gagaling nilang um-acting grabe! Ang pogi ni Pang pamatay yung dimple.
Ship ko sila ni Namtarn. Kailan ba season 2. Sana kasama si Namtarn.Gosh dapat pa pala dati ko pa ito pinanonood.

" As always ganito siya... Fangirl na fangirl si Ate Gurl e.Hahaha. Makapag reply na nga."

Matatapos na ang bakasyon ngunit hanggang ngayon ay misteryoso pa rin sa akin kung sino yung leinotlie.
Minsan ay nagpost siya ng picture ng gitara then sumunod don ay yung
picture niya na whole body kaya lang nakatalikod siya at naka peace sign.
Naisipan ko na nga na ipagtanong sa mga kaibigan ko ngunit mas minabuti ko na lang na huwag na.

Nica Llanes replied to your message

Nica: Pano huminga gurl! Sabihin mo sa akin kung paano huminga!😍
Hanie: Bakit anong nangyari! MAY
ASTHMA ATTACK KANA!
Nica: LoL. Di yon no. Gawa nito.

Agad siyang may sinend na photos.

At ito'y IG stories niya na naseen ni Nanon Korapat Kirdpan ,Lily Apichaya at Ssing Harit.

Nica: I did'nt expect that!Omo.Eotteoke!

Hanie: Sana all grabe naman ang swerte mo naman. Ano ba yang ginawa mo bat ka napansin?

Nica: Gumawa ko ng video ng moment nilang tatlo kasi ang solid ng friendship nila. Gosh sulit yung five hours na pag-edit ko sa 4 minutes video.

Hanie: send mo nga sakin. Try mo din gawan yung the gifted cast. Join force tayo.

Nica: Go ako diyan. Mamaya simulan na natin. Send ka nalang ng clips from TG.

Hanie: Samahan kaya natin ng message from other fans.

Nica: Ah sige mas maganda iyon. Ikaw nalang pala bahala don sa message ng co-fans.

Hanie: Ilan bang  messages ang kailangan?

Nica: Pili ka nalang sa message nila. Dapat in english and the longest the better.

Hanie: E pano kapag maraming nagsend ng message nila.

Nica: Part 1 palang naman ito.

Hanie: May video message pa ba or written lang?

Nica: Sa kanila written. Bago sa atin syempre video message.

Hanie: Written nalang din sa atin.

Nica: Okay sige para same na sa lahat.

Hanie: Fighting hahaha!

Nica: Sa ngalan ng pag-ibig... Char!

"Ating na't simulan ito! Kayo mo ito self. Makapagpost muna sa group na aking sinalihan. Sana naman ay may makipag-cooperate" determinado akong hayag habang hinihintay ang confirmation ng aking post.

_______

"Ano ba iyan Hanie iyang principal nyo kay arte-arte." inis na reklamo sa akin ni Nanay.  Kabaligtaran naman ito ng aking saloobin kasi pabor at gusto ko iyong naidagdag na uniform.

Miles Away From You [COMPLETED]Where stories live. Discover now