Una,
Malalakas na tugtog.
Tunog na rinig hanggang kalye.Pangalawa,
Patay sinding ilaw.
Ilaw na iba't ibang kulay.Pangatlo,
Nag halo-halong amoy.
Amoy ng alak, sigarilyo't babae.Pangapat,
Iba't ibang kulay ng kolorete.
Nag iikliang damit ng babae.Panglima,
Kasabay ng indayog ng ilaw.
Magagaslaw na galaw ng mga babae.Panganim,
Katawan at ungol kapalit ng pera.
Pera para sa isang tira.Pangpito,
Heto't isa lang ang sinisigaw
Pangalan ni Amanda...Amanda sa Brothel.
Magda sa Kalye.
Ngunit iisang tao lang ang hanap
Linda, ang inang may tatlong anak."Hoy Amanda! mabenta ka talagang bakla ka! pang ilan na yan hah?" tanong ni Tanya kay Amanda ng mag salubong sila sa isang parte ng Brothel.
"Lima pa laaa-haaang may pending kostomerr pa doon na Kano" ang sagot ni Amanda habang nag lalagay ng panibagong tapal na kolorete sa mukha.
"Bakla ikaw na! Ikaw na talaga! Oh siya siya siya mauna na muna ako dahil may Enhinero akong papabol sa kabilang Baranggay"
Si Amanda ay may morenang kulay kaya naman madami itong nakukuha at naaakit na mga may mga lahing lalaki.
May 5'3 na katangkaran at tamang tamang tangkad ng isang babaeng may katamtamang hubog ng katawan.
May kulay Blonde ang mahahabang buhok na lumalampas sa kanyang balikat.
Mapupungay ang kanyang mata na kayang kayang mang akit ng iba't ibang lahi at estando sa buhay ng tao.
Matatangos ang kanyang ilong at may maninipis na labi
Labi na kung saan madaming tao ang nababaliw at pinipilahan ng lahat ng dahil sa galing nitong mang akit at mang halik.
Matapos niyang tignan ulit ang kanyang kabuoan sa malaking salamin ay tsaka siya lumabas habang inaayos ang suot nitong kulay pula na lumuluwa na ang kaluluwa sa sobrang ikli ng tela.
Inihakbang nito ang kanyang sandal na may mataas na takong at taas noong pakembot kembot na tila nang aakit ang kanyang kabuoan na naglalakad.
"Amanda..." ang sabi ng lalaking hindi kagwapohan ngunit nakakasilaw ang suot nitong makakapal na alahas sa kanyang leeg at daliri.
"Beh-nie" Paungol na wika nito sa lalaking ang pangalan pala ay Benny.
Ganyan ang kalakaran sa gabi kahit hindi umaayon sa kagustohan ang itsura ng aakitin ay kailangan itong maakit upang maka kuha ng datung.
"Ang ganda mo pa rin Amanda, walang nag bago sa'yo mag mula sa laki ng dede mo hanggang sa sa umbok ng iyong pwetan ay memoryado ko pa rin"
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES by WPJMLibrary
LosoweAng mga kwentong ito ay nahango sa iba't ibang klase ng "Genre" at kadalasan ay gawa gawa ng makulit at magulo ko na imahinasyon. Ang mga pangalan ng tao, lugar o hayop na naisama ay maaaring nagkataon lamang.