"Hi babe ko..kumusta ka na?masaya ka ba dyan kasama ang mga parents mo?wag mo ko masyadong alalahanin ha, dito lang ako lagi at magmamahal sayo..hayy ikaw kasii eh di mo ko sinama dyan ..bakit naman iniwan mo ko kaagad ? Di mo na ba ko mahal? Haha alam ko naman na di mo ginustong iwan ako at alam ko din na mahal na mahal mo ako tulad ng pagmamahal ko sayo...grabe tatlong taon na pala ang lumipas simula ng mawala ka babe ..pero hindi ko pa rin lubos matanggap..alam mo ba babe nung nawala ka , hindi ko na alam kung pano magsisimula muli , kung paano gigising sa umaga nang hindi kita nakikita sa tabi ko, kung paano kakain nang hindi ikaw ang kasabay ko, kung paano pa magmamahal ngayong wala ka na sa tabi ko...ang hirap babe...sobrang hirap..yung pakiramdam na sobrang pinagkaitan ka ng mundo , ung binigay ka nya sakin pero hindi un nagtagal dahil binawi ka rin nya agad...pero alam mo babe sobrang thankful ako at may isang keily na kagaya mo ang dumating sa buhay ko , ikaw na hinawakan ang kamay ko mula sa simula hanggang sa dulo ,ikaw na tumanggap sa mga pagkakamali ko at sa buong pagkatao ko ...ikaw na minsan ko nang ginago pero lahat un nabago ko dahil sayo ...ikaw na kahit ayaw ng magulang ko ay hindi ako iniwan at pinaglaban mo ako ..kahit sobrang nasasaktan ka na di ka nag give up ...
Akala ko lahat ng masasayang alaala ay hindi mawawala pero bakit ?...alaala na lang ba talaga lahat ng meron satin babe??..kasiii..kung oo mas gugustuhin ko pang mabuhay na lng sa mga alaala dahil dun kasama kita, dahil doon nakikita at nahahawakan ko ang kamay mo ng sobrang higpit, , doon meron tayong sariling mundo ...masaya at nagmamahalan lang tayo...haha pero imposibleng mangyari yun ihh ...alaala na lang natin yun ...alaala na pwede nating balikan pero di na natin magagawa ...dahil wala ka na...wala ka na ..."
YOU ARE READING
MEMORY
RomanceWhat if makita mo ulit ang taong mahal mo na alam mong matagal ng patay ...ngunit sa inyong muling pagkikita ay hindi ka nya kilala na para bang iyon ang unang araw na dumating sya sa buhay mo ...hindi ka nya maalala bilang mahal nya at iba rin ang...