Memory:4

10 2 0
                                    

Maaga pa lang kaya naman naisipan ko munang dumaan dito sa sementeryo...kung saan nakalibing si keily..

"Hi babe"

Di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya,  kung sasabihin ko ba na nakita ko ang mukha nya sa ibang tao, kung tatanungin ko ba sya, kung sya talaga ang babaeng mahal ko... 

Well kahit ako sa sarili ko inaamin ko na simula ng makita ko ang mukha ni keily kay xena ay hindi na rin ako sigurado kung si keily ba talaga ang taong lagi kong pinupuntahan dito sa sementeryo..hindi ko alam kung si keily ba talaga ang itong taong iniyakan ko ng halos tatlong taon.....pero wala akong matibay na ibedensya para sabihin na hindi sya to...

Lumuhod ako sa harap ng kanyang puntod at inilagay ang isang rosas na kulay pula. Ito ang kanyang paboritong bulaklak dahil yun daw yung mga binibigay nung lalaki sa mga pelikula ...

Naaalala ko pa nung binigyan ko sya ng rose ay bigla na lang syang umiyak ng umiyak habang nakayakap sakin haha akala ko ay hindi nya nagustuhan dahil umiiyak sya, pero sabi nya lang.."thank you babe, ganito pla ang feeling ng mga leadinglady sa mga napapanood kong k-drama"..

Hahaa epic reasons no...haha..hindi ko akalain na mamahalin ko sya ng sobra nun dahil ayaw na ayaw kong manood ng mga k-drama at hindi ko rin gusto ang mga k-pop idol na talagang hinahangaan nya na minsan pang nagiging dahilan ng pagtatalo namin pero lahat din na yun ay nagawa kong mahalin dahil sakanya ...dahil mahal na mahal ko sya..and even her imperfections, failures, all things about her , I'll love her for the rest of my life.

"Alam mo ba ?gustong gusto ko nang malaman ang totoo , pakiramdam ko kasi si keily yun ihh, sinasabi ng puso ko na sya yun pero sa twing nakikita ko ang puntod mo biglang naiisip ko na hindidahil matagal ka nang wala at hindi tamang hanapin kita sakanya..gulong gulo na ko ...nagtatalo na rin pati ang isip at puso ko...kaya sana maintindihan mo ko at kung ano man ang gagawin ko..kung ikaw man si keily mahal na mahal kita kahit anong mangyari"

Matapos sabihin iyon ay tumayo na rin ako para umalis dahil baka malate pa ako sa trabaho..habang naglalakad ay napalingon ako sa tabi kung saan nakita ko si xena kahapon ....

"Sino kayang dinalaw nya dito"

Tanong ko sa sarili at unti unti nang lumapit sa puntod....

MEMORYWhere stories live. Discover now