Hatinggabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, hindi ko pa rin maalis sa isip ko lahat ng nangyari sa araw na ito...totoo bang nangyayari lahat ng ito?? tanong sa sarili at tsaka parang tangang sinampal sampal ko ang aking mukha ...at doon pa lang alam kunang hindi ako nananaginip ...nanatili lang akong nakahiga patagilid habang nakatingin sa side table kung saan nakapatong ang larawan namin ni keily..yung araw na masaya kami at magkasama, kinuha ko iyon at niyakap ng sobrang higpit na para bang sya iyon"mahal na mahal kita babe" mahina kong sambit at saka pumikit......
Nagising ako ng marinig na may tumatawag sa akin mula sa gilid ng kama ko, nilingon ko ito at dali daling napa upo ng makita doon si keily, hindi ako makapaniwalang makita sya ngayon , nakangiti sya sa akin at hindi ko maiwasang hindi kiligin nakakabakla pakinggan pero yun ang totoo ..nilahad nya sa akin ang kanyang kamay at agad ko naman ito inabot sa kanya "tara dun sa labas" aniya at sabay na kaming lumabas ng magkahawak ang kamay ..dahan dahan kami sa paglalakad upang hindi makabuo ng kahit anong ingay.
Maya maya pa ay napansin kong nandito na kami sa likod ng bahay na kung saan may garden at malawak na carpet ...umupo sya at tsaka ako pinaupo sa tabi nya ...madilim man ay makikita pa rin ang mga nagliliwanag na bituin sa kalangitan at ang bilog na bilog na buwan ..."woww, ang daming starss, ang ganda" namamangha nyang sabi habang nakatingin sa taas.."oo nga sobrang ganda"sambit ko habang nakatitig sa napakaganda nyang mukha....agad naman na nabaling sa akin ang kaniyang paningin at tsaka ako pinalo sa braso na ikinatawa naming dalawa...hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng puso ko ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong saya ...nakaupo lang kami sa ilalim ng kalawakan habang nagtatawanan at nagkikwentuhan ng kung ano ano ...wala kaming sinayang na oras, halos hindi na rin kami natulog at walang tigil sa pag kukulitan..maya maya'y kinuha ko ang mga kamay nya at hinawakan ito ng mahigpit , sobrang higpit ...tumingin ako sa kanyang mga mata at ganun din ang ginawa nya ..parang biglang tumigil ang mundo at tanging kami lamang ang gumagalaw..."thank you dahil nandito ka ulit babe"naiiyak kong sabi at makikita ko sa kanyang mukha ang lungkot at saya na nararamdaman"please wag mo na ulit akong iwan, wag ka nang mawawala ulit"at dun nga tuluyang tumulo ang aking mga luha pero hindi na tulad ng dati na puro sakit dahil ngayon alam kong nandito na sya.."hindi ako nawala babe at kahit kailan hindi ako mawawala sayo" aniya at nakitang basa na rin ang kanyang mga mata ...agad ko syang hinalikan sa noo at niyakap ng napakahigpit.....
YOU ARE READING
MEMORY
RomanceWhat if makita mo ulit ang taong mahal mo na alam mong matagal ng patay ...ngunit sa inyong muling pagkikita ay hindi ka nya kilala na para bang iyon ang unang araw na dumating sya sa buhay mo ...hindi ka nya maalala bilang mahal nya at iba rin ang...