Invisible

292 56 17
                                    

Hindi ko maalala kung paano ako napunta sa sitwasyong ito.

"This is crazy."

The last thing I remember is falling asleep while doing my research paper.

Nagising na lang ako sa malalakas na pagkatok sa pinto ng apartment ko. Pagkabukas ko nito, bumungad sa'kin ang isang matandang lalaking nakikiusap na samahan ko raw siya sa bahay ng mga magulang ko. May kailangan daw siyang siningilin na utang, kaya't ako ang inabala niya.

"Samahan mo na lang ako, hijo. Madali kasi akong maligaw."

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Pagkatapos kong itabi ang mga lubid na nagkalat sa sahig, namalayan ko na lang na sinasamahan ko na pala si manong papalabas ng apartment. Naabutan ko na namang nag-aaway ang mga kapitbahay namin. Araw-araw na lang. Mabuti na lang at hindi nila kami pinansin. Nagpatuloy lang kami sa madidilim na pasilyo at isinawalang-bahala ang mga sigawan at murahan nila.

"Mukhang araw-araw na lang silang ganyan. Kahit sino ay mabibingi sa sigawan nila.."

"Sanay na po ako."

Sunod naming nadaanan ang landlady na abala pagbibilang ng pera. I waved my hand at her, "Manang Gomez, aalis lang po ako sandali. Sasamahan ko lang si manong sa bahay nina mama." Pero ni hindi nag-angat ng tingin ang landlady at napagtuloy lang sa paglilista ng kung sinong nakabayad na sa upa.

"Manang?"

"...."

Napansin kong napailing si manong sa tabi ko.

"Mukhang mas mahalaga pa sa kanya ang pera kaysa sa kaligtasan ng mga nangungupahan sa kanya."

"Sanay na po ako."

I smiled awkwardy and led him out of the building.

Malapit lang naman ang bahay ng mga magulang ko. Malalakad lang. And since the old man insisted that he needed some exercise, who am I to decline?

Papalubog na ang araw. Nang madaanan namin ang eskwelahang pinapasukan ko, napansin ko ang mga kaklase kong nakatambay sa tapat at nagkukwentuhan. Masaya silang nagtatawanan at nag-aasaran. Huminto ako sa tapat ng kaibigan ko at nagsalita, "Uy, bukas ko na lang ibabalik ang notes na hiniram ko sa'yo ha?"

"...."

Pero ni hindi niya ako binalingan. His eyes remained glued to the others as he laughed at some lame joke one of them said.

"Jason?"

"....."

"Rica?"

Walang sumagot. Napabuntong-hininga na lang ako. Napansin kong nakatitig lang sa'kin si manong.

"Mukhang nakalimutan ka nilang yayain sa kwentuhan at bonding time nila."

"Sanay na po ako."

Lumiko kami sa sumunod na kanto at tahimik na naglakad. Hindi kami pinapasin ng mga taong abala sa kani-kanilang mga buhay, kahit pa kakilala ko sila. Tahimik ko lang na sinamahan si manong hanggang sa marating na namin ang bahay ng mga magulang ko.

The moment I saw my mother walking out of the door, agad akong ngumiti.

"Ma!"

"...."

"Ma, may naghahanap sa---!"

Pero tila ba hindi niya ako narinig. Tuluy-tuloy lang siya hanggang sa tumagos siya sa katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Kasunod nito, kumunot ang noo ko dahil sa  dalawang bagay: ang pagtagos ni mama sa katawan ko at ang katotohanang may lamay pala sa bahay namin.

At naroon ang picture ko.

'C-Could it be...?'

Nang makalapit na ako sa nakabukas na kabaong, nanlamig ang buong katawan ko. I stared at myself---sleeping soundly inside the coffin. Agad kong nakita ang bakas ng lubid sa leeg ko. Nakakapangilabot pala talagang titigan ang sarili mong bangkay.

Beside me, the old man sighed.

"Patay ka na, hijo. Isa ka nang kaluluwang kinailangan ko pang sunduin sa dati mong apartment. Dinala kita rito para matanggap mong patay ka na.." Bakas ang awa sa mukha ng matanda. Now, I realized his eyes were inhuman, almost like he's Death himself. "Kailangan mong tanggapin ang katotohanan. Patay ka na, kaya walang pumapansin sa'yo kanina pa... Kaya walang nakakakita sa'yo."

So, all this time, I was walking with Death? All this time, I was a fucking ghost?

I laughed bitterly.

"Pasensya na po, hindi ko kasi alam ang ipinagkaiba. Nasanay na po ako, kaya siguro nahirapan po akong alamin ang totoo sa hindi.."

"Anong ibig mong sabihin, hijo?"

Malungkot akong napangiti.

"Buhay man ako o patay, wala itong ipinagkaiba para sa'kin. Normal na ang hindi nila pagpansin sa akin, araw-araw.. as you can see, they don't seem to care about me. Whether I'm a ghost or not, I will always be invisible to everyone."

The End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

✔InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon