Noon akala ko kapag nagmahal ka palagi ka lang masaya, walang sakit. Kayang lagpasan ang problema basta walang bibitaw. Hindi mo susukuan yung tao kasi mahal mo.
Sa paglipas ng panahon mas lumalawak ang kaalaman ko sa mga bagay. No'ng nagkanobyo ako nalaman ko na sa relasyon hindi lang pala sapat yung salitang mahal, dapat andon yung respeto, tiwala at affection.
Kasi kapag pinili mo yung salitang mahal kaysa sa respeto ibig sabihin okay lang sa'yo na kahit tratuhin ka na n'yang basura. Kasi nga mahal mo.
Kapag mas pinili mo yung love kaysa sa tiwala, kapag nagloko s'ya okay lang kasi nga mahal mo. Kaya papatawarin mo na lang.
Kapag pinili mo yung love kaysa sa affection, kahit hindi na s'ya nag-eeffort, tumatawag o text okay lang kasi nga mahal mo.
Kaya bago ka pumasok sa relasyon dapat pala mahalin mo muna ang sarili mo para alam mo kung paano pahalagahan ang sarili mo para hindi ka abusuhin. Alam mo kung dapat ka na bang bumitaw. It's either you Go or grow together with your partner.