Junkyu's
"Uy!"
Lumapit ako agad sakanya at inakbayan siya. Nagtaka naman ako nang tanggalin niya ang kamay ko sa balikat niya.
"Ayumi teka lang."
Hinila ko siya sa braso at hinarap siya sa'kin.
"Akala ko ba wala tayong problema?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti siya sa'kin tapos sinapak ako sa braso.
"Baliw ka talaga, wala nga! Tara na sabi mo mukhang uulan!" Hinila-hila niya ako pero nagpupumigil ako.
"Ayumi naman eh, ano ba kasing problema?"
Umirap siya sa'kin. "Bahala ka nga dyan Junkyu."
Tinalikuran niya ako tsaka naunang naglakad. Anak ng tokwa naman oh.
"Teka lang!" Paghabol ko sakanya.
Sinabayan ko siyang maglakad pero dinidistansya ko ang sarili ko. Baka inaapog nanaman 'to.
"Nilalagnat ka ba ha?" Idadampi ko sana 'yong likod ng palad ko sa noo niya pero hinampas niya bigla 'yong kamay ko.
"Wala nga kasi. Wala lang akong gana ngayon." Sabi niya pa.
Natigilan ako bago bumuntong-hininga.
"Hindi ka naman ganyan dati. Noon nga kapag wala kang gana tinatawag mo pa 'ko para patawanin kita." Sabi ko sakanya.
Irita niya akong tinignan.
"Nagalit sa'kin si Felix dahil wala 'yong sapatos. Ang sabi niya pa baka daw mag-back out nalang siya. Paano ako magiging okay?" Sagot niya.
Dahil lang don? Kung ganon pala, ang babaw namang tao ng Felix na 'yon.
"Sorry." Tanging nasabi ko bago kami ulit naglakad.
Pagdating namin sa kanto, huminto siya kaya muntikan na akong bumunggo sa likod niya.
"Dito nalang. Umuwi ka na." Utos niya.
"Ang layo pa sainyo, dali na lakad na, ihahatid kita." Pamimilit ko.
"Noon mo pa ako hinahatid, 'wag na."
"'Yon nga eh, noon ko pa 'to ginagawa pero ngayon ka pa nahiya."
"Hindi ko 'to kailangan okay? Umuwi ka na, ang kulit mo."
Parang umirap pa siya sa kawalan bago ako tinalikuran at naglakad. Wala na akong nagawa kundi umalis nalang.
-
sorry felix ginawa kitang masungit dito hehehe labyu
YOU ARE READING
ineffable || kim junkyu
Fanfiction❝Ang daldal kong tao pero bakit 'di ko masabi 'yong totoong nararamdaman ko para sa'yo?❞ ⌐treasure's kim junkyu ⌐junkyu x reader ⌐votes and comments are highly appreciated :D WARNING: LANGUAGE. i already warned you.