057

57 1 0
                                    

Junkyu's

Binaba ko ang phone ko at bumuntong-hininga. Hindi nanaman siya tumupad sa usapan.

Sigurado ako. Kasama nanaman niya si Felix ngayon.

Gusto kong maiyak kasi tangina, puro nalang si Felix. Paano naman ako?

Pinigilan ko 'yong sarili ko dahil nakakabakla 'yon, tinitigan ko nalang 'yong order kong pagkain. Paborito niya 'to lahat. Ako na ang bumili dahil gusto ko siyang bawian ngayon.

Pero hindi siya dumating.

Bumuntong-hininga ako ulit at nagsimula nang kumain nang may umupo sa harapan ko.

"Wow, dami mo namang pagkain. Sa'yo lahat 'to?"

Inangat ko ang tingin ko at nakita si Eunha na nakangiti. Ngumiti rin ako.

"Gusto mo ba? Sa'yo na." Sabi ko.

"Baliw joke lang, sinong kasama mo?"

"Seryoso, kung gusto mo, sa'yo na."

Nagtaka siya. "Seryoso ka? Sino bang hinihintay mo? Si Ayumi ba?"

Tumango ako. Ayoko nang magsinungaling.

"Darating ba 'yon?" Tanong niya at agad akong umiling habang ngumunguya.

"Gusto mo siya 'di ba?"

Natigilan ako.

"Paano mo nalaman?"

"Kay Jihoon." Sagot niya.

Tangina, ang daldal talaga non.

Huminga ako ng malalim at tumango.

"Dapat kasi umamin ka na. Akala ko ba gagawin mo 'yon? Kasi sabi mo, hangga't hindi niya alam nakakagawa siya ng bagay na makakasakit sa'yo."

Napaupo ako kaya agad akong uminom ng tubig. Puta saan nanaman niya nalaman 'yan?

"Sinabi rin sa'kin 'yon ni Jihoon." Nakangiti niyang sabi at tumawa.

Masyado na 'yang Jihoon na 'yan. Humanda siya sa'kin makikita niya.

"Ano?" Sabi niya.

Sumandal ako sa upuan ko at tinignan siya. Kumukuha na siya ng fries pero hinayaan ko nalang siya.

"Aamin na sana ako ngayon. Pero paano? Hindi niya ako sinipot."

"Tutulungan kita. Wala naman kasing ginagawa 'yong dalawang tropa mong asungot. Ako na gagawa ng paraan."

"Anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Basta, akong bahala."

ineffable || kim junkyuWhere stories live. Discover now