Town of San Quintin

4 0 0
                                    

   "Tuloy ka hija,pagpasensyahan mo na itong bahay namin kung medyo maliit lang,ayaw pa kasing iparenovate ng asawa ko."Wika ng babae nang makapasok silang dalawa sa bahay.

  "Naku,okey lang naman po itong laki nya tita,at isa pa ang mahalaga naman po eh masaya ang mga nakatira di ba po?"Nakangiti niyang sagot dito.Napansin niya ang pagdaan ng kalungkutan sa mga mata ng babae.

  "Bakit po tita?May problema po ba?"Tanong niya rito.

  "Ah,W-wala,naalala ko lang ang anak ko,noon nga pala ay binanggit ka na nya sa akin,totoo nga palang maganda ka Sabrina."Sabi nitong nakangiti na.

  Ngumiti rin ang dalaga."Salamat po tita,"

  "Iyon nga lang ay matagal-tagal na rin na wala kaming balita sa anak ko."Kapagkuwan ay sabi ni aling Manda.

 
  Kumunot ang noo ng dalaga."Bakit naman po tita?"Tanong niya.

  "Ah,saka na lang natin pag-usapan 'yan hija,Ang mabuti eh kumain na lamang tayo,tamang tama katatapos kong nagluto ng agahan kanina bago ka dumating.Mabuti na lamang at dumating ka para may nakasama naman ako kahit papaano."Anito at tumayo,"sandali lang,ha,ihahanda ko lang ang agahan nang makahigop ka na rin ng mainit na sabaw."Paalam nito.

  "Ilang taon din kayong magkaklase ni Romina hija?"Tanong ng babae habang nagpapahinga sila,katatapos nilang kumain.

  "Hmm,mahigit isang taon lang po tita,pero sa loob ng isang taon mahigit palagi naman po kaming magkasama.Nag shift po kasi sya ng course dahil sa sobrang hilig nyang magluto,ako naman po nagpatuloy sa kurso kong mass communication."Sagot niya sa butihing ginang.

  "Tama ka hija,bata pa lamang si Romina ay nakahiligan na nyang magluto."sang-ayon ng babae.

  "Ang ganda po pala ng work ni Romina sa abroad,kaso nga lang po bigla na lang din po syang hindi nagmessege sa akin tita."Muling lumambong ang mga mata ng ginang.

  "Ay naku tita,kumain na po tayo.Mamaya po kung pwede po sana ay magpapasama akong pumunta sa palengke,kung pwede lang po sana tita."

  Tipid na ngumiti ang ginang,ang lungkot na nasa mata kanina ay muling naglaho."Oo naman hija,tamang-tama naroon din ang plaza at maraming bargain ngayon,naroon din ang simbahan hija.Sige,magpahinga ka muna sa kwarto mo at mamaya ay ipapasyal kita."

  Pasado alas onse ay nasa Cenro na sila.Una nilang pinuntahan ang simbahan,sa paligid ng simbahan ay marami nang nakatayong tent na kinalalagyan ng mga nagtitinda.Malapit na daw kasi ang pistang bayan ng San Quintin.

  "Ilang araw ka ba rito Saab?"Tanong ng babae habang nasa milk tea shop sila.

  "Depande po tita,one week lang po sana pero naaakit po ako sa lugar,kung pwede lang po sana magtagal ako dito."Aniya at nilangkapan iyon mg mahinang pagtawa.

   "Kung wala ka namang mahalagang gagawin o trabaho,bakit hindi hija?Malapit na ang pistang bayan,maraming pakulo si Mayor tuwing pista."

  "Thank you po tita,gusto ko po talagang makapagbakasyon ng matagal-tagal eh,lalo na po sa ganitong kagandang lugar,ang dami pong tao tita."Natutuwa niyang sagot habang inililibot ang mga maya sa paligid.

  "Oo Saab,nakakatuwa ano?Mas maganda pa kapag sumapit ang mismong pista."

  Sa bayan na rin sila nananghalian,nagsimba rin sila,namili sa mga bargain stalls,at muling mamasyal,tuwang-tuwa siya,siguradong marerefresh ang utak nya at magagawa nya ng maganda ang story na ginagawa niya.Hanggang sa mag alas singko na ng hapon at naisipan na nilang umuwi.

   "Hay naku Saab,sana lagi kang nandito,pakiramdam ko bumata ako ulit ng ilang taon,kahit ngayon lang kita nakita pakiramdam ko matagal na kitang nakasama,sana nandito rin si Romina,ganito rin kami noon kasama ang best friend nya at ibang kaibigan."Bulalas ng ginang nang makasakay sila sa tricycle pauwi sa sitio Talahiban.

  "Aayusin mo na ang mga pinamili mo Saab at magpahinga ka muna,alam kong napagod ka sa biyahe tapos ipinasyal pa agad Kita.Kakatukin kita kapag kakain na tayo ng hapunan."

  "Salamat po tita,unang araw ko pa lang po dito nag enjoy na po ako,ang bait bait nyo po tita Manda."Sagot niya rito bago lumabas ng kwarto ang may edad na babae.Ngumiti siya rito at gayundin ito sa kanya.

  Sana po ay nag-eenjoy kayo sa story,marami pa pong mangyayari.☺️

Salamat po sa pagbabasa.
God bless po 😘

HER NIGHTMAREWhere stories live. Discover now