The Mayor

4 0 0
                                    

   Natapos na naman ang mahabang araw,gabi na naman.Tumulong ako sa paggawa ng mga bandiritas na isasabit dahil malapit na ang pistang bayan.
   Habang gumagawa kami sa kubo malapit sa munisipyo kanina ay dumating si Mayor.Siya mismo ang nagdala ng meryenda namin na gumagawa ng mga palamuti para sa piyesta.
   Sinabi nya sa akin na aabisuhan nya raw ako oras na kailangan na naming pag-usapan ang tungkol sa scholarship ko.Natuwa rin sya nang makitang suot-suot ko ang kwintas na iniregalo nya sa akin noong graduation ko....




   Habang nasa hanay ng mga bargain stalls ay nakita ni Saab na pumarada di kalayuan ang isang sasakyang itim na may nakalagay na Mayor sa unahan nito.Hindi nga siya nagkamali,ang nakita nyang mukha sa posters na nakadikit sa iba't-ibang  bahagi ng kalye ang syang bumaba sa sasakyan,nakita niyang ngumingiti ito sa bawat taong nadaraanan nito.


   Kung tignan ay talaga ngang napakabait ng naturang Mayor kaya siguro hanggang ngayon ay nakaupo pa ito,patuloy itong ibinoboto ng taumbayan dahil sa mapagkawanggawa ito,hindi rin maitatangging gwapo ito at makisig pa kahit medyo may edad na.

   Lahat ng nakatingin sa gwapong Mayor ay kakikitaan ng paghanga,sinundan niya ito ng tingin,may ilang lalaking nakasunod dito,marahil ay mga body guards nito,makita niyang lumapit ito sa kumpol ng mga kabataang lalaki at babae na nagmemeryenda sa isang stall,nakita niyang tila binulungan nito ang isang kabataang lalaki at may inabot ito dito bago umalis.Pagkaalis ng Mayor ay agad na nagtungo sa counter ang binulungan ng Mayor,maya-maya lamang ay muling nagserve ng pagkarami-raming pagkain ang mga serbidorang naroroon.


  Alam na niya,marahil ay pera ang nakita niyang inabot ng Mayor sa lalaki kanina,kung gayon ay talagang galante ang Mayor,napakagalante,hindi lang dahil sa tumatakbo itong muli sa pagka Mayor,talaga umanong mapagbigay ito at bukas ang palad sa lahat ng nangangailangan.

  Itinuloy niya ang pamimili,napakaswerte ng bayan kung ganong klase ng Mayor ang mamumuno,matapos mamili sa naturang bargain stall ay naglakad sya at muling nagtungo sa pinanggalingang souvenir shop kaninang umaga,nakalimutan niyang bilihin ang isang magandang pang regalo.


  Pagkagaling sa souvenir shop ay dumaan sya sa botika upang bumili ng pain reliever para sa kanyang dysmenorrhea,dumaan din sya sa bilihan ng mga lutong ulam at bumili ng maaari nilang iulam para sa hapunan,bumili rin sya ng isang buong letsong Manok at panghimagas.Maya-maya lamang ay uuwi na sya upang hindi na magluto pa ng ibang ulam si aling  Manda.

  Kailangan nya ring ituloy ang sinusulat na kwento upang maipasa na iyon,at upang masulit nya pa ang pagbabakasyon sa maganda at payapang bayan ng San Quintin.....





Done,done☺️
Keep on reading po☺️
Thank you and God bless😘😘😘



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HER NIGHTMAREWhere stories live. Discover now