NTL-Fight

29 1 0
                                    

-Sandra's POV-

Di nga nakakapagsalita na ako.??

Napatayo si Dale at inalog ako.

"Nakakapag salita kana Sandra?" Excited na tanong niya..

Sinubukan kong makapagsalita pero walang epekto.Bokya lamang ang lumabas.Di pa ako nakakapagsalita.Napailing na lamang ako sa tanong niya.Agad siyang naupo at halatang nang hihinayang sa nangyari eh.

"Akala ko pa naman makakapagsalita kana.Pero nang sabihin mo ang mga salitang yun ang ganda pala ng boses mo"

Nang asar pa talaga ha?Ganon?

Napayuko na lamang ako.Halatang dissapointed sya sa nangyari,ako din naman eh.Nanghihinayang na di pa ako nakakapagsalita.Sayang talaga.

"wag ka nang malungkot.Kumain ka na lamang dyan at hayaan na lamang ang nangyari." napatitig ako sa kanya..

Naaalala ko si Mark sa kanya.Ganyang ganyan sya.Laging binabalewala ang mga bagay na para sa kanya ay mahalaga basta lamang sumaya ako.Di ko talaga sya makakalimutan kahit na tatlong taon na ang nakalipas..

Kumain na lamang kami ng tahimik at di na pinag-usapan ang nangyari.Wala din mangyayari kung pag-uusapan pa yun..

Habang pabalik kami ay hawak nanaman niya ang kamay ko.O///O kenekeleg na ako.ahehe!!Nasa may corridor na kami ng dumating ang grupo nina Ambiel.kasama ang tropa niya.Akala siguro ng lalaking to makakatakas sya sa nangyari?sa pagpatay niya kay Mark??

"Aba naman ang sweet niyo ah.Maypaholding hands pang nalalaman.Oy pareng Dale wag mong patulang ang pipeng yan.Eh ang panget na nga may kapansanan pa..Hahahaha." nagtawanan silang lahat ako ako napatungo lamang.Hinigpitan lalo ni Dale ang hawak sa kamay ko.Alam kong any time magmamala The Hulk na to.Haha!!

"And so??Ano kung di sya makapagsalita??At ano kung panget sya?Di ako gaya niyo na ang gusto lamang sa babae ay maganda at sexy.Kasi ako ang gusto ko yung taong talagang gusto ko," nakatulala lamang ako sa sahig.I hate this.Ayaw ko ng ganito.Ayaw ko ng ipinagalalaban ako.I feel so useless.

"hahaha!Akalain mo ang matapang na si Dale nafall sa isang pipe??Am i dreaming?oh baka trip lang yan ha!hahaha!!" Nagtawanan pa silang makakasama..

Napatingin ako kay Dale.Nakatingin sya sakin.He just gave me a cute smile.Sana lahat ng problema nadadaan sa ngiti.Yung hindi puro problema na lang ang nakikita ko.

"Ok lang I will protect you" nang sabihin niya yan.Nawala ang anumang problema na nararamdaman ko.I feel safe when im with him.

"Hoyy mga pards kunin niyo yang dalawang yan at dalhin sa hide out.Nang mabawasan ang mga nilalanggam dito" nagulat kami ng hilahin kami nung tropa niya.Mali binuhat ako nung isa..

Di ako makatili dahil nga sa wala akong boses.Nakikita kong hinihila din nila si Dale at dinala kami sa Hide out daw nila.Halah!!Anong gagawin nila sa amin?

"Hoy Sandra.Kung nung una si Mark ngayon si Dale naman" at sinapak nya sa mukha si Dale.Pls ayaw ko nang mangyari ulit tong kalokohan. na ito.Pagod na akong may nawawala sa akin..

Iyak lamang ang nagagawa ko.I can't shout.Ayaw ko na.Nang makita kong may tubong hawak si Ambiel at ipapalo kay Dale.Walang ano ano ay kinagat at sinipa ko si kuya.Pero dun sa part na alam na.Pati yung iba sinipa ko.At bago pa man mahampas niya si Dale ay ako na ang nahampas niya...

"SANDRAA" nakita kong naluluha na siya.Pati din ako ay naiyak na.

"Ang yabang mo naman Sandra pipe ka lang pero ang tapang mo." di na ako.makagalaw.Ang sakit na sobra ng katawan ko.Tulong.Ang sakit na sobra.

"Anong ginawa niyo" nag amok na ng tuluyan si Dale at agad agad silang pinagsasapak.Halatang di na niya kaya pero nang ibigay niya ang buong lakas niya ay napatumba niya silang lahat.Sobrang sakit na ng mga katawan nila halata.

"Babalikan namin ikaw Dale" at tuluyan na silang umalis.Dapat lamang na umalis na talaga silang lahat.

"Ayos ka lang??" pagtatanong ni Dale.Napangiti lamang ako at hinawakan ang pisnge niya..

Ang bait bait niya sa akin.To the point na kahit mamatay siya ay gagawin niya maligtas lang ako.Di ko alam pero gusto ko siya ng sobra sobra.

"Pls dadalhin kita sa ospital.Magpakatatag ka naman oh.." ngumiti lamang ako sa kanya at niyakap siya.

At ang buong paligid ay nag-itim.

-Dale's POV-

Sinugod ko sa hospital si Sandra.Naiiyak na ako ng sobra.Pls ayaw kong mapahamak sya.Ayaw ko..

"nurse..nurse tulong" tawag ko sa mga nurse.Agad agad naman silang naglapitan at tinulungan ako.

"sir dito lang kayo." sabi sa aking ng lalaking nurse..

Wala akong ibang nagawa kundi ang tingnan siya at napaiyak ng sobra.This can't be happen.

"Dale.." lumapit sa akin sina Cha.May kasama silang isang matandang babae at nakita kong naiiyak ito.

"ikaw ba si Dale??" tanging tango na lamang ang naibigay ko.

**SLAPPP*

isang malutong na sampal ang nakuha ko.Nakita ko sa mata ng babaeng nasa harap ko ang sakit at pagkamuhi.Tanggap ko alam kong anak nya ang napahamak at hindi ko mababalik ang nangyari.

"Ikaw pala yung lalaking palaging kwinekwento sa akin ng aking anak.Malamang ay ginamit mo ang kahinaan niya para lamang mapahamak siya.Tama ba ako?" pinaghahampas niya ako.Tatanggapin ko kung kapalit nito ay mabuhay siya.

"Tita tama na" pilit pinipigilan ni Cha ang mama ni Sandra.Kahit wag mo na siyang pigilan tatanggapin ko naman lahat ng sakit eh.Tatanggapin ko lahat ng sakit.Handa ako..

"Ng dahil sayo ang anak ko ay napahamak.Ang anak ko ay nahihirapan nanamang maging maayos ang buhay ng dahil sa nakaraan niya.Pero bakit lagi na lang anak ko ang nagsasakripisyo sa mga bagay na hindi dapat siya ang nakararanas." tama naman ang mama niya eh.Wala naman talagang kasalanan si Sandra.Ako dapat ang nasa sitwasyom niya at hindi siya..

*

Ilang oras ang nakalipas at hanggang ngayon ay wala pa ding malay si Sandra.Sabi ng doktor kanina lang ay nalipat na siya ng kwarto pero wala pa din syang malay..

Pumunta ako ng kwarto niya at buti na lamang wala ang mama niya.Pumasok ako at nakita kong mahimbing siyang natutulog.May benda siya sa may kaliwang kamay.Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang mga kamay niya.Hanggang sa may isang butil ng tubig ang nahulog sa aking mga mata.Napapaiyak na pala ako.Napapaiyak ako habang nakikita na siya ang nagsasakripisyo imbis na ako..

"Mahal na mahal kita." bulong ko sa kanya..

Di ko alam pero mahal na siya.Sa sandaling pagsasama namin ay nainlove ako sa gaya niya.Na kahit wala siya masabi sa bawat pag-uusap namin eh kontento.na ako makita lang siyang masaya..

Naalala ko ang sabi ng mama nya kanina bago kami maghiwalay..

"Layuan mo ang anak konat pupunta kami ng ibang bansa para ipagamot sya.Yon lamang ang hihilingin ko para sa ikabubuti niya.Para sa ikabubuti nyong dalawa"

Siguro nga hanggang dito na lang tayomg dalawa.Siguro nga mas makakabuti sa ating dalawa na maghiwalay na lamang..

Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi sa huling pagkakataon.

"Paalam." at iniwan ko na siya.Siguro nga ito na ang huling pagkakataon ko para magmahal.

--
AN: Hi:) Vomment naman pls;) Thanks sa mga nagbabasa ng Im Dating the Ice King.

Note to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon