Chapter 9

2.7K 114 18
                                    

[ CHAPTER 9: IMPORTANT NEWS ]

Roxanne's POV

Andito kami ngayon sa gymnasium dahil biglaang pinatawag ang lahat ng studyante ng HU....

Para saan?

para sa importanteng balita daw.

Jerks.

Kakatapos lang ng laban kanina, ni hindi  panga kami nakakapagpahinga tapos bigla silang magpapatawag ng mga studyante para sa Balita na yan.

Peste.

Pwede naman bukas, nakakapagod kaya ang naging laban noh, Palibhasa mga nanood lang kaya 'di nila alam ang pakiramdam ng pagod at the same time masakit ang katawan.

Naalala ko nanaman tuloy ang mga sinabi samin ni Ethan kanina, too much information, stressful to handle.

Nakaka stress!

Feeling ko tuloy I deserve a long Maldives vacation after this.

Tsk.

Basta ang alam lang namin kailangan namin mag-ingat, dipa namin kilala kung sino ba talaga ang totoong kalaban.

Kung sino ba ang totoong may pakana ng lahat ng ito. Mahirap na ang magtiwala uli sa maling tao, hindi lahat ng tinuturing mo na kaibigan, kaibigan din ang turing sayo, minsan kung sino pa ang pinag kakatiwalaan mo sila pa ang tatraydor sa'yo.

hindi ko malilimutan ang taong tinuring namin na kaibigan noon dito sa HU, ang taong pinagkatiwalaan namin, ang taong tinuring na tatay ni Zein.....si Mister Ronald Alvarez, also known as Sir Alvarez!

Naging aral saamin ang sitwasyon na iyon, hindi lahat ng tutulungan mo ay pasasalamatan ka, minsan sila pa ang sasaksak sayo pagnakatalikod kana

Hayst.

Ba't ba ang drama ko? Nawawala ang beauty ko nito eh, napaka tagal naman kasi mag start, gusto ko matulog noh.

I NEED BEAUTY REST!

"Hello there again my little evil students....." Napatingin kami sa stage ng mag salita si madame Kahel habang tumatawa ng napaka lakas.

Nadako ang paningin ko sa kakaibang babae, I mean naka maskara siya na kulay itim at hood na green. Anong trip niya? Teka! Siya siguro yung tinutukoy ni Ethan na leader ng bagong gang, si Delilah.

"Okay..." She got all the attention. " May important announcement ako sainyo this would be fun. " Sambit pa nito bago ipagpatuloy ang nais sabihin " Pero bago yun..." pinutol pa nito ang sasabihin. "...gusto ko muna makilala ninyo ang new set of highest 10 " dugtong ni madame Kahel habang nakangisi, yung nakakakilabot na ngisi.

" Let's start with the top 10, shall we?" ani nito.  "The Top 10 is the leader of DDN....." she said. " Ms. Delilah Rivera"

Huh? Rivera? Kala ko ba nanay niya si Madame Kahel! What the fvck is going on here!

Nagkatinginan kaming lahat, halata sakanilang mga itsura ang pagtataka, nilingon din kami nila Zein na nasa harap nakaupo. Maya maya pa ay muling dumako ang paningin ko sa babaeng umaakyat ngayon sa stage, ang top 10, ang leader ng DDN. 

No other than...Delilah. 

"Top 9 is the king of Hell University Mr. Daniel Hernandez"

May ngiti itong nakakahawa na umakyat sa stage, natawa naman ako na kapansin pansin ang pag layo niya kay Delilah ng makapanik na ito. 

"Top 8 is the queen of Hell University Ms. Alexa Curtis"

Naglakad ito papunta sa stage habang kumikembot pa! 

Return To Hell University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon