Chapter 61

1.5K 72 9
                                    

[ CHAPTER 61: BATTLE]

Vanessa's POV

Kakalabas lang namin ng secret passage sa hidden laboratory, pero hindi ko magawang magsaya, hindi ko kayang hindi mag isip ng kung ano-ano.

" Saan ba kasi pumunta si Matt, bakit kailangan niya tayong iwan dito?" Nag aalalang tanong ni Mia saamin.

" Guys, hindi niya man sabihin, hindi niyo man aminin, pero alam nating lahat kung saan siya pwedeng pumunta, kung sino, hindi ano ang babalikan niya. " Sagot ni Jerome saamin.

" Tara na, binilinan tayo ni Matt na asikasuhin ang mga studyante, wag natin siyang biguin, wag natin hayaan mawala ang tiwala na pinagkaloob niya saatin" dugtong pa uli ni Jerome.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad, ngunit nakakalimang hakbang palang kami ng biglang magsalita sa earpiece.

*Ate, kuya Raze, Ace, please help me..... Si matt nabaril siya* paghingi ng tulong ni Zein sa kabilang na tumatangis sa kabilang linya.

Halos mawalan naman ako ng balanse sa aking narinig, samantalang napahagulgol naman ng iyak si Mia.

" Tulungan natin si Matt" saad ko sabay punas ng luha at akmang aalis na pero pinigilan ako ni Jerome.

" Vanessa hindi, mas kailangan tayo dito" pag pigil ni Jerome saakin dahilan para magpinting ang dalawang tenga ko.

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo Jerome? Mas gusto mo unahin ang mga walang kwenta na studyante na toh? Mas dapat sila mamatay kesa sa kaibigan natin! Mas kailangan ng tulong ni Matt kaysa sa mga studyante na yan" nangingilid ang mga luha sa'king mga mata na sigaw ko kay Jerome.

" Naririnig mo ba yung sinasabi mo Vanessa? Hindi tayo Diyos para magdigta kung sino ang dapat mamatay at hindi, kung sino ang dapat iligtas at hindi! Sa tingin mo gugustuhin ni Matt na tulungan mo siya kapalit ang daang studyante?" Namumuo ang mga luha sa kanyang mapupungay na mga mata na sigaw sa'kin ni Jerome

"he sacrificed his own life just to protect Zein, to protect us, and most of all to protect those students. Hahayaan mo bang masayang ang sakripisyo ni Matt? Because of your anger?" Dugtong pa Niya.

Sa pagkakataon na yun hindi na ako nakapagsalita. Tama nga naman siya, isinakripisyo ni Matt ang sarili niya para protektahan si Zein.....

Napaluhod na lang ako sa sahig at hinayaan na bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan, niyakap ako ni Jerome ng mahigpit habang si Mia ay pinapakalma ni Dave dahil sa hindi nito makayanan ang nabalitaan nangyari kay Matt.

Sounds OA but Matthew Hart is our bestfriend..... We're treating each other like a siblings....

So it hurts for us to heard that news!

Allison's POV

Ilang araw na namin pinaghandaan toh, actually si Ace ang isa sa mga nag plano nito, ganito niya kamahal si Zein, his ready to do everything that he can just to save his queen.

* Allison, nakalabas na ng secret lab sila Zein, pero hinirangan sila ni Alexa, puro pagtatalo lang ang kanilang mga ginagawa katulad ng naririnig niyo sa kabilang linya. * Paliwanag ni Nicky saamin.

* Thanks for the info Nicks, kami na ang bahala, bumaba narin kayo diyan ang help our friends to kill those bithches* utos ko na agad sinang ayunan nila Nicky.

Return To Hell University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon