Chapter 37

1.9K 76 5
                                    

"Masaya ako at nailigtas uli kita Binibining Marilag" lumataw sa paningin ni Hyacinth si Cody na nakangiti sa harap nya

'Oh my gosh may anghel sa harap ko... Pero wait nga lang'

"Ibaba mo na ako" tinapik ni Hyacinth ang braso ni Cody para ibaba sya

Maayos namang ibinaba ni Cody si Hyacinth na para bang isang mamahalin at madaling mabasag na paso

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ni Hyacinth sa taong kaharap

"Napadaan ako at dahil nakita ay pumasok ako ng ako'y mamasyal" nakangiti namang sagot ni Cody

"Namamasyal??"

"Oo kasama ko ang ama at si Elophiliandyn, naligaw ako habang namamasyal hindi ko kabisado ang palasyo" kaswal na sagot ni Cody

Tiningnan naman sya ni Hyacinth ng mapanghinala

"Hindi ako naniniwala na naligaw ka" inilagay ni Hyacinth ang mga kamay nya sa kanyang mga braso at tinaasan nya ng kilay si Cody

"Paano mo naman nasabi binibining marilag" natutuwang tanong naman ni Cody

"Dahil una sa lahat bata ka palang ay malaya ka ng namamasyal dito sa palasyo kaya imposibleng maligaw ka" itinaas ni Hyacinth ang hintuturo

"Pangalawa, may mga kawal kang madadaaan na pwedeng pagtanungan pabalik sa bulwagan para makabalik ka kung sakaling naliligaw ka nga" itinaas naman ni Hyacinth ang hintuturo at hinlalato nya para sa pangalawang bilang

"Pangatlo, napakalayo ng silid-aklatan ko sa palasyo ng aking ama o oahit sa bulwaga kaya paano ka napunta rito?" Mataray na tanong ni Hyacinth habang itinataas ang hintuturo, hinlalato at hinsisingsing sa harap ni Cody

"At panghuli paano ka nakapunta rito ehhh.. may mga kawal na nagbabantay sa pintuan aber.." nakapamewang na tanong ni Hyacinth

"Fufufu... Paumanhin mahal na prinsesa sa pagsisinungaling ko sa pagpunta sa loob ng iyong librarya at totoo rin na pumasok ako ng walang pahintulot ng sinuman ngunit kung hindi ako nakarating agad ay malamang na nasaktan ka na, hindi ko naman hahayaan na masaktan ang prinsesa ng emperyo" mahabang salaysay ni Cody

"Subagay tama ka" napahawak sa baba nya si Hyacinth habang nakakunot ang noo

"Kung ganon anong gusto mong maging gantimpala sa ginawa mo??" Normal na ang ekspresyon ng mukha ni Hyacinth

"Gusto ko sana na makasama ka pa ng matagal" diretsong sagot ni Cody na nagpapula sa mukha ni Hyacinth

'well anong aasahan ko sa bida'

"Nagbago na ang isip ko pagbibigyan ko ang kapangahasan mo sa araw na ito dahil iniligtas mo ako NGUNIT.. hindi na dapat ito maulit, isa akong prinsesa at hindi ko hahayaang madungisan ang pangalan ng aking ama ng dahil lang sayo kaya makakaalis kana" mahabang sabi ni Hyacinth

"Masusunod mahal na prinsesa at lagi kang mag-iingathindi sa lahat ng oras ay nadito ako para iligtad ka" yumukod si Cody bilang pagbibigay galang kay Hyacinth at hinalikan ang kamay neto bago umalis

'dyosko nakakainis naman ohh' napabuntong hininga si Hyacinth at pinapaypayan ang mukha gamit ang kanyang kamay ng makita ang libro na naging dahilan ng kanyang pagkakahulog

"Alam mo dahil sayo muntik na akong madisgrasya" dinala ni Hyacinth ang libro sa pag-alis nya sa kanyang silid-aklatan

Sa kabilang banda naman ay mag-isa si Elophiliandyn sa fountain habang hinihintay si Cody

Si Elophiliandyn ay may matagal ng paghanga kay Cody simula ng maliit pa ito ngunit hindi ganon ang turing ni Cody sa kanya

Naging maayos ang mga taon nya kasama ito ng bigla itong magbago tatlong taon ang nakakaraan. Hindi na sila gaya noon na sabay kumakain, kapag naiyak sya ay lagi sya netong inaalo, hindi na sya neto binibigyan ng bulaklak, kapag naman aalis sya ay hindi na sya neto sinasamahan, higit sa lahat ay hindi na sya neto masyadong kinakausap na syang nagpalungkot sa kanya

Nakita nya si Cody sa pasilyo tatawagin na nya sana ito ng makita nyang masaya at nakangiti ito na syang di nya nakita ng ilang taonkahit na nagdadalawang isip ay Nilapitan nya parin si Cody at tinawag

"Cody sandali hintayin mo ako"

Huminto naman si Cody para makita si Elophiliandyn na tumatakbo sa dereksyon nya nawala rin ang kanyang mga ngiti

"Bakit?"

"Ano... Kasi mukha kang masaya bakit?"

"May nakita kasi akong isang angel" ngumingiting sabi ni Cody

Naestatwa si Elophiliandyn dahil ngayon labg nya nakitang ngumiti ng ganon si Cody dahil kahit ng mga bata sila ay hindi totoo ang ngiti neto alam nya iyon pero nanatili parin ito sa kanyang tabi nya kaya nakontento nalang sya

"Ahhh.. talaga saan ka galing bakit di mo ako sinama?" Tanong pa ni Elophiliandyn napansin nya ang puting balahibo na kumikintab na hawak-hawak ni Cody

"Basta sekreto ko na yun, tara na baka hinihintay na tayo ni ama" niyaya ni Cody si Elophiliandyn papunta sa bulwagan

Habang paalis ay nakita naman ni Elophiliandyn si Hyacinth na nakasuot ng light blue na damit na katulad ng kanyang mga mata na may mga disenyong puting balahibong kumikintab

Napakapit sya sa braso ni Cody kaya naman ay tinanong sya neto kung ayos lang sya at sinabi naman nyang ayos lang sya

Sa buong byahe ay tahimik lang si Elophiliandyn habang naguusap naman sina Rolu at Cody ng pinagmeetingan kanina. Nang makarating sya sa mansyon ay agad-agad syang dumeretso sa kwarto at umiyak, niyakap nya ang isang teddy bear na kulay kayumanggi tulad ng buhok nya

"Bakit ganito ang nararamdaman ko, si Hyacinth ba ang kasama ni Cody kanina? Ang kapatid ko ba??? Huhuhu" iyak lang ng iyak si Elophiliandyn

"Wag kang magalala mahal kong alaga darating ang panahon na malalaman ng lahat na isa ka ring prinsesa"

"Pero kelan?? Ilang taon na akong naghihintay sabik na akong malaman ng amang hari na isa ako sa anak nya" umiiyak na tanong ni Elophiliandyn

"Malalaman din nila sa ngayon ay maghintay ka"

At natapos ang gabing iyon na natapos sa pag-iyak si Elophiliandyn habang yakap-yakap ang kanyang teddy bear

How to survive as a "PRINCESS" (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon