Tragic Love [One Shot] part one

171 7 4
                                    

  1/11/15

(Third Person's POV
"Tony laro tayo. Tagu-taguan" sabi ng batang lalaki habang naglalakad sila ng batang babae sa damuhan.

   "Hmp. Ayoko nun Gege. Gusto ko bahay-bahayan. Sige na please? Diba sabi mo, mahal mo 'ko?" Sambit naman ng batang babae na nagngangalang 'Tony.'
    
    Napabuntong hininga naman ang batang  lalaking  nagngangalang 'Gege.'  Sa totoo  lang ay 'Gregie' ang tawag ni Tony kay Gege, ngunit hanggang ngayon ay bulol parin siya.

     "O sige na nga. Pasalamat ka mahal kita.!" Pabirong sabi ng lalaki. Natawa naman ang batang babae. Umupo sila sa damuhan at  tumingin sa langit. Umupo sa tabi niya ang batang babae  at inisandal ang ulo niya sa balikat ng batang lalaki.

   "Ang lalim ata ng iniisip mo Gege." Pahayag ng batang babae na si Tony.

   " May problema kasi tayo eh" mahinang usal ng batang lalaking si Gege.

    "Problema? Eh ano naman?" Tanong ni Tony.

   " Wala tayong paglalaruan ng bahay bahayan. Nasa damuhan tayo oh. Wala tayong bahay."  Sagot ni Gege.

    "Problema ba yun? Edi magkunwari tayo! Mag-imagine tayo na may bahay tayo"  masayang wika ni Tony.

    "Sige! Basta ako yung tatay, tapos ikaw yung nanay ah!" Masiglang  usal ni Gege.

    "Sige, tapos maraming pagkain!" Pag-iiba ni Tony sa usapan para itago  ang kanyang  namumulang muhka at kilig na nararamdaman.

    "At siyempre malaking bahay"  sabi ni Gege.

    "Siyempre! Saan tayo matutulog kung sakaling wala tayong bahay!"  A matter-of-factly na sabi ni Tony.

   "At magkakaroon tayo ng  madaming babies." nangangarap na pahayag ni Gege. (A/n: ganyan na po sila mag-isip.kahit 7 at 10  yrs. Old palang sila.-,-)

   "Papano naman tayo magkakaroon ng maraming babies?" Takang tanong ni Tony.

    " Edi gagawa tayo"

    " Eh papano naman gunawa ng babies?" Tanong ulit ni Tony.

     "Gagawa."

     "Eh pano nga? Turuan mo 'ko. Gawa tayo!" nakalabing pangungulit ni Tony kay Gege.

    "Hindi pa pwede, bata pa tayo eh, at saka maliit pa si pareng birdie eh" sagot naman ng batang lalaki kay Tony.

    "Hmp. Sige na nga, pasalamat ka din, mahal kita" wika ni Tony. Nagulat naman si Gege sa sinabi ni Tony. Ito ang unang pakakataon na sinabi sakanya ni Tony na mahal siya nito. Madalas kasi ay tatawa lang ito o kaya ay mamumula lang, pero ngayon, talagang sinabi na ni Tony na mahal din siya nito.

   "Talaga?! mahal mo ako?!" Masayang tanong ni Gege kay Tony.

   "Uh..oo..he...he" nahihiyang sabi ni Tony.

   "Hindi mo alam kung gaano ako kashaya!" Masayang sigaw ni Gege.

    "Gege, nakakahiya. Baka mayinig tayo ng mga maguyang natin..." bulol na sabi ni Tony.
---------------------------------------------------------------------

    "Anthonette, gising!" I heard a familiar voice, slightly shaking me. Pang babae iyon dahil medyo matinis ang timbre ng boses.

   "Tony...gising  na" Nakarinig ako ng boses panlalaki. Ibang iba iyon sa boses na narinig ko kanina.

      "Anthonette! Nananaginip ka!" Boses ulit ng narinig ko kaninang babae. Napamulat na ako dahil lumakas ang pagyugyog niya sa katawan ko.

    "Aish. Buti at nagising kana. Nagsasalita ka habang tulog eh! Oy sino yung Gege?" Takang tanong niya while wiggling her eye brows. Si Haley lang pala, bestfriend ko. Kasama ko na siya dito sa dorm. Model kasi kami at kasalukuyang nasa London.

   "Uy girl, natulala ka jan. Salita ka naman! Sino yung gege?" Ulit na tanong niya. Gege

   "Anong petsa na?" Tanong ko.

   "Ha? Petsa? Sa Philippines o dito?"

    "Philippines"

     "March 28 bakit?" Napabangon naman ako. Kailangan niya ako. Kailangan ko siyang puntahan.

     "Uy girl san ka pupunta? Sama ko. Saka di mo pa sinasagot yung tanong ko." Tanong ni Haley nung nagsimula na akong mag-impake.

     "Uuwi ng Pilipinas"

     "Ha? E pano yung deal?" Tukoy niya sa deal na project dapat namin ngayon, dahilan din ang deal na ito kung bakit kami nandito.

     "Sabihin mo kay Manager Lee, may emergency ako at kailangan kong umuwi ng Pilipinas.

     "Eh kapag nagtanung yun kung anong emergency yan, anong isasagot ko? Hay nako, malaking project ang sasayangin mo girl!" Wala akong pakealam sa deal, basta kailangan kong umuwi ng Pilipinas.

      "Maiintindihan niya naman kahit wag mo ng sabihin kung anong emergency ito.  Basta kailangan kong umuwi, kailangan niya ako" Maunawain at mabait si Manager gee, higit sa lahat, gwapo pa kaya marami ang nagkakandarapa sakanya hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo, pero kahit kailan hindi pa siya nagkagirl-friend.

     "Huh? Sinong 'niya' naman iyan?" Tanong niya. Masyado talagang mausisa itong babaeng ito.

    "Basta"

    Pagkatapos kong mag-impake  ay tumungo ako sa banyo para magbihis. Kailangan ko talagang umuwi. Kailangan na kalangan niya ako.

    Umalis na ako sa dorm at dumiretso sa Airport, kailangan ko pang bumili ng ticket.

    Konting tiis nalang...konting konti nalang

-------------------------

Wah!! Sinong 'siya' kaya ang tinutokoy? Hahah post ko yung next part maybe tomorrow or next week. :)

Tragic Love [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon