Tragic Love [One Shot] Part two

103 8 9
                                    

 A/n: wahahaa. Sorry for the long wait. Eto na po. Hahaha. Enjoy reading

-----------------------------------------------------------

  Matagal pa bago ako nakarating dito sa Pilipinas. Hindi ako agad na nakakuha ng ticket dahil andaming tao. Nakipag-away pa nga ako para lang sa ticket na iyonn dahil may isang passenger na gustong bumili ng isa pang ticket. Nagkataon na akin na ang last ticket na iyon, kaya inagaw niya.

   Naayos naman at naka-uwi na ako. Konting tiis nalang mahal ko, konting tiis nalang.

  Naisipan kog dumiretso muna sa bahay namin. Lahat ay nagulat na makita ako. Hindi naman ako multo diba?

  "A-Anthonette...." mangiyak ngiyak na tawag ni mama. Mapait akong napangiti. Its been awhile noong huling tumuntong ako sa bahay na ito. Marami na ang nagbago, marami na ang nakalimot na may Anthonette pang nabubuhay sa pamilya nila.

"Ma...." Lumapit saakin si mama at mahigpit na niyakap ako. It feels like I'm home in my mother's arms. Parang siya lang ang naka-appreciate ng pagbabalik ko. Kumalas ako sa pagkakayakap kay mama at tumingin sa mga tao sa bahay. Oh...andito pala ang mga magulang niya. Napatingin naman silang lahat sa suot ko. Lahat sila ay nakaitim at puti. Ako? nakapula.

"Wala ka bang respeto? Bakit pula ang suot mo? Alam mo naman kung ano ang meron ngayon diba? Tsk. Malaking kahihyan talaga ang babaeng iyan" Narinig kong bulong ni ate Andi. Bubulong nalang, isisigaw pa. Bulong ba talaga iyun ha?!

"Pasensya kana ate ha? Hindi na ako nakapagpalit. Kakagaling ko lang sa airport eh." paghingi ko ng paumanhin.

"Pupuntahan mo ba siya hija?" tanong ng mama niya

"Opo. Magpapalit lang po ako. Tapos didirestso na po ako sa kanya"

"Kumain ka muna anak" sabi ni mama.

"Huwag na po. Hinihintay niya na ako.Siguradong miss na miss niya na ako" sabi ko at pinilit na ngumiti.

Tumango naman silang lahat pagkatapos kong sabihin iyon. Tulad ng sabi ko, magbibihis muna ako bago pumunta sa pakay ko.

  Nakarating ako sa lugar na dapat kong puntahan. Tiningnan ko ang synage at may nakasulat na 'Public Cemetery'

Matagal na din pala. Matagal na noong huli akong nakabisita dito. Agad naman akong naglakad patungo sakanya.

  Umupo ako sa tapat ng  lapida niya.

    Gregory Clastero
    Born:January 13, 1990
    Died:March 30, 2000
    We will always remember you

  Hinawakan ko ang mga letra sa lapida at ipinikit ko ang mga mata ko. Miss na miss na kita Greg. Miss...na..miss na kita.

  "Gege, I…I'm so s-sorry" pinilit kong huwag pumiyok habang binibigkas ko ang mga katagang iyon.

   Mahirap.

   Masakit.

   Tagos na tagos sa puso ko.

   Nakakababa sa sarili.

  We were so young back then. We were....just playing hide and seek that time. I thought...I thought he was a thief. So got dad's gun and shoot him.

*Flashback*

  "Tony, laro tayo, hide and seek naman please?" Gege asked. Napakamot ng batok si Tony pero pumayag din naman siya in the end.

  "Ikaw ang taya Tony ah!" He said then ran away. Walang nagawa si Tony kundi ang maging taya.

  "Isa, dalawa..." pagbilang ni Tony. Samantalang si Gege naman ay nagtago sa isang cabinet sa ikalawang palapag.

  "Nasan kana Gege?" Tanong ni Tony at hinanap si Gege. Hindi niya ito natagpuan sa unang palapag.

   Paakyat na siya sa ikalawang palapag ng makarinig siya ng kaluskos, nakita niya naman ang baril ng papa niya, pulis kasi amg papa niya kaya alam niya kung para saan ang isang baril.

  May kabigatan ang baril na iyon ngunit pinilit niyang kunin parin iyon. Nakakasa na ang baril na iyon at pwedeng pwede ng pang baril.

   Natatakot siya na baka may magnanakaw sa bahay nila, mabuti na ang makasigurado.

    Nakarinig nanaman siya ng kaluskos. Nanggaling iyon sa isang kwarto sa ikalawang palapag.

    Dahan dahan siyang pumasok sa kwarto. Muli niyang narinig ang kaluskos. Nanggagaling iyon sa cabinet sa kwarto.

  Pinilit niyang itaas sa ere ang kanyang hawak na baril at binuksan ang pintuan ng kabinet ng mabilisan.

   Napakabilis ng mga pangyayari. Pikit mata niyang ipinutok ang baril. Tatlo. Tatlong putok. Malakas ang impact. Sobrang lakas.

   Ngunit sa pagbukas ng kaniyang mata ay isang kahindak hindak na eksena ang nasilayan niya....Ang batang mahal niya...ay nakaratay sa sahig at duguan.

   "Gege...G-gege..."  nangangatog ang mga tuhod niya. Napaluhod siya sa sahig at napaluha.

   "Gege...I-I'm sorry" gumapang siya papunta sa lalaking mahal niya.

   "G-gege, m-mahal kita. Mahal k-kita G-gege" tuluyan siyang napahagulgol noong narating niya ang katawan ng lalaking mahal niya.

   "T-tony.," mahinang usal ni Gege. Hirap na hirap na siya at nag-aagaw buhay na.

   "Gege!" Niyakap niya si Gege at napadaing naman ang lalaki.

   "I'm sorry Gege, I-i'm so sorry." Sabi niya dito.

   "Tony, Greg anong---My gosh!" her sister Andi exclaimed. Andi was already 10 while her sister Tony was 7.

"A-ate"

  "How dare you! Ikaw ang pumatay sakanya! How dare you! Mamamatay tao ka!" Galit na sigaw ni Andi kay Tony. Hindi lingid sa kaalaman ni Tony na may pagtingin ang ate Andi niya kay Gege kaya galit na galit ito sakanya.

   "Tony, we heard gun shots---Oh my!!" Her mom exclaimed.

   "Mom..." Tinawagan ng mommy niya ang mga magulang ni Gege.

    Dinala na nila si Gege sa ospital, but it was too late.

    Gege.....is gone at the age of 10.

   Gege....is dead.

  *End of Flashback*

  "Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman alam na...na ikaw yung n-nasa loob eh" katwiran ni Tony habang kinakausap ang puntod ni Gege.

  "Hindi ko naman alam...na ganoon ang mangyayari..."

  "At hindi mo rin alam na buhay pa ang mahal mo dati..." isang pamilyar na tinig ang nagsalita mula sa kanyang likuran.

  "G-gege..?"

Tragic Love [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon