DEAR STRANGER PROLOGUE

177 27 12
                                    

DEAR STRANGER PROLOGUE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DEAR STRANGER PROLOGUE

Violet Chrysanthemums.

It symbolizes a wish to get well—it also signifies longevity, rebirth, and life.

Ito ang paboritong bulaklak ng lola ko at dahil doon ay naging paborito ko na rin iyon. Marami rin akong naging magagandang memories sa bulaklak na 'yon.

"Isang bouquet po ng Chrysanthemums, 'yong violet po," sabay turo ko sa bulaklak na naka-display sa may labas ng flower shop kung nasaan ako naroon.

"Hija, alam mo ba ang ibig sabihin ng bulaklak na 'yon?" tanong ng matandang may-ari no'n na tila bahagyang nagulat sa pinili kong bulaklak.

"Yes po, 'la. Ibibigay ko po sa lola ko ngayon, dadalawin ko ho kasi siya," sagot ko. "Happy Mother's Day ho pala," bati ko ng nakangiti.

"Salamat sa iyo, ihja. Sana ay nadadalaw rin ako ng mga apo ko, medyo busy na kasi sila," kuwento nito habang inaayos ang bulaklak na itinuro ko.

Maya-maya ay iniabot ng matanda ang mga bulaklak na iyon sa akin saka ko kinuha sa bulsa ang pambayad ko at nagpaalam na sa matanda. "Salamat ho."

"Salamat din, hija."

Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na aking hawak-hawak at napangiti ako ng may maalala dahil doon.

***

"Lola! Happy Mother's Day po!" masiglang bati ko sa matandang babaeng nakaupo sa rocking chair na malapit sa bintana ng isang maliit na silid doon.

"Oh, apo! Buti naman at napadalaw ka ngayon," nakangiting ibinaling nito ang atensiyon sa akin na may hawak-hawak na isang punpon ng bulaklak at libro.

"Syempre naman, 'la! Makakalimutan ko ho ba kayo, special day niyo kaya 'to!" Lumapit ako sa kinaroroonan ng matanda at hinalikan siya sabay yumakap ako ng mahigpit. "Na-miss ko ho kayo."

"Na-miss din kita, apo!" ani nito na hinahod-hagod ang likod ko. Na-miss ko rin ang hagod ni lola.

"Para ho sa inyo," iniabot ko ang mga bulaklak at ang librong dala-dala ko sa kanya.

"Ang paborito kong bulaklak!" masayang tinanggap nito ang mga iyon. "Ito na ba ang libro mo?" tanong nito na iniangat ang librong ibinigay ko.

"Opo, 'la. Sa wakas po ay na-i-publish na po ang una kong libro," sagot ko.

"Ang galing naman ng apo ko!" puri nito. "Sigurado akong maganda ito dahil sa puso at sa isip ito nanggaling at isinulat ito ng may pagmamahal," dagdag pa nito.

"Para po sa akin, iyan na po ang pinakamagandang libro. Hindi po dahil ako ang sumulat kundi dahil hango ito sa totoong buhay," sabi ko. Saglit namang natahimik ang matanda habang binabasa nito ang unang pahina. "Na-miss niyo ho ba bigla si lolo?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin at ngumiti, "Syempre naman, apo. Mula noon, hanggang ngayon, nami-miss ko pa rin siya. Hindi nagbabago. Parang katulad ng pagmamahal natin sa isang tao, hindi naman iyon nawawala na lang ng basta-basta. Kahit na lumipas pa ang maraming taon ay mananatili iyon, hindi man sa ating alaala kundi sa ating puso."

"Sigurado ho akong nami-miss ka rin po niya, 'la. At katulad ho ng pagka-miss niyo kay Lolo, nami-miss ko rin ho siya ng sobra."

Hinawakan ko ang mga kamay ng matanda at bahagya iyong pinisil. Nararamdaman ko rin ang kalungkutan na nararamdaman nito ng mga sandaling iyon. Nami-miss ko rin siya ng sobra.

"Apo, maaari mo bang basahin sa akin ang isinulat mong libro? Masaya akong muli itong marinig mula sa iyo," pakiusap niya sa akin.

"Oo naman po, 'La!" agad-agad akong kumuha ng upuan at umupo sa tabi nito. Iniabot naman ng matanda ang libro sa akin at ibinaling muli ang mga tingin sa may bintana habang hinihintay siyang basahin iyon. Tila inaalala niya ang nakaraan.

Umayos ako ng upo at binasa ang pamagat ng libro.

"Dear Stranger..." panimula ko sa kuwentong nagpabago ng aking buhay.

***

Author's Note:

Hello! Honestly, I'm so scared to publish this story here in Wattpad. Natatakot ako na baka wala namang magbasa o baka wala namang maka-appreciate nito but then, I remembered that I'm writing because I love to. Naalala ko kung bakit ko ito naisip isulat, that is...to give an inspiration to all the people who will read this. I really pray that this story will inspire not just me, but also, you who are reading it right now. God bless. 😊🙏💜

Dedicated to my first ever reader @miss_tica ♥

To GOD be all the Glory

D A R A N A K A H A R A

Dear Stranger, You changed meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon