Pangalawa. Jeepney

46 3 0
                                    




One year and three months na.





Oo, one year and three months na kami pero...

Away bati pa din. Minsan nakakapagod din. Nakakasawa. Minsan naiisip ko—baka hindi talaga kami para sa isa't isa?

Pero kapag nagdadala siya ng coke float, fries at Chicken Burger sa office... mahal ko na ulit yung gago. Oo, ganon ako karupok. Nadadaan niya lang ako sa pagkain. At hindi, hindi talaga siya gago. Masunurin naman. May mga di kami pinagkakasunduan minsan – most of the time pala.

"Oh, bat ka nagmamadali?" Tanong ni Mayen sakin.

Napanguso ako. "Syempre, para di ako mag-OT." Bulong ko.

Ngumisi siya sakin. "May date ka na naman?"

"Wow ha. Maka-na naman ka naman. Three days na nga kaming di nagkita e."

"Wow. Kami nga mahigit isang taon na e." Natatawang sabi nito. LDR ito at ang boyfriend nito. Nasa Saudi nagtatrabaho.

"Kaya nga hindi ko kaya ang LDR."

"Demanding ka kasi." Tumatawang sabi ni Mayen.

"Grabe siya." Ngisi ko. Pero di na ako nagsalita. Totoo din naman. Blame pocketbooks and movies for that. Nasobrahan yung expectation ko ng nag-lovelife ako. Feeling ko yung mga boyfriend sa movies, pocketbooks at wattpad dinaig yung mga superheroes ng Marvel.

Hindi nasasaktan – yung wala silang karapatang makipagaway, at kung nakikipagaway man sila dahil yun sa nagaalala sila at sila din yung huling susuyo sa babae, walang mga damdamin at pride na isinasaalang alang

Sobrang ma-effort – full of surprises para mapasaya lang ang mahal nila, tipong mapapa-Wow ka na sa galing at mapapaiyak ka na may nakakagawa pala ng mga ganong eksena

Lahat gagawin para sa babaeng mahal nila – hindi sila napapagod basta mahal nila

Yung klase ng pagmamahal at pagiging possessive na may aangkin sa asawa o girlfriend – yung kung makapagparamdam akala mo kinabog si Pia Wurtzback sa cup D na biyaya

"Ano? Wala pa siya?" Naabutan ako ni Mayen na naghihintay sa gate. Kanina lang nasa lobby pa ako. Sa bwisit ko, nasa gate nako at kanina pa tawag ng tawag.

"Traffic daw." Gigil kong bulong. "Late na kami sa movie na papanuorin namin."

"Naunahan pa kita." Natatawang sabi nito habang nagaabang ng masasakyan.

"Kaya nga e! Edi sana nag-OT na din ako. Halos isang oras nakong naghihintay dito." Bwisit na sabi ko.

"Baka nga naman traffic?"

"Edi sana inagahan niya. Sayang naman yung ticket, kalahati na lang mapapanuod namin."

"E bakit kasi nag-advance booking kayo online? Pwede naman na dun na mismo bumili?"

Sumimangot ako. "Gusto ko kasi pagdating dun bibili na lang ng food tapos manunuod na lang."

Tumawa lang ito. Mas matanda si Mayen sakin. Halos malapit na mag-40 si Mayen. Muka lang bagets. At di ko alam bat di pa sila nagpapakasal. Ang alam ko matagal na silang live-in partner ng boyfriend niya sa Saudi.

Nag-ring yung phone ko. "Anong oras na? Isang oras nakong naghihintay dito a? Ang usapan natin kanina ka pa dapat nakaalis dyan?"

Mico: Hon, kanina pa naman talaga ako nakaalis dito. Pramis, pero traffic talaga. Hindi ko pa dala yung kotse kasi coding.

"O, nasan ka na niyan?"

Mico: Malapit na.

"Nasan yung malapit na?" Gigil kong sabi.

Moving on. Getting there. Pero hindi nakarating. (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon