LOVE

43 1 0
                                    

First year highschool ng makita ko siya..

Nasa iisang eskwelahan lang kami noon.

Intramurals ng makita ko siyang naglalaro ng basketball,may kamuka pa nga siya non e kaya naging crush ko kayong dalawa.

Talagang natamaan ni kupido yung puso ko kaya inalam ko kung anong pangalan mo kasi apelyido mo lang yung alam ko.

Naalala ko pa nga tinanong ko yung pangalan mo sa kaklase ko kasi kilala ka niya,tulad mo varsity din siya ng eskwelahan.

Nakuha ko yung buo mong pangalan,napag alaman ko din na iisa lang din tayo ng baranggay na tinitirahan kaya sobrang tuwa ko nun.

Inadd kita sa facebook,talagang hinanap ko yung facebook account mo para ma add na kita at para makita ko kung may picture ka doon para mapaprint ko sa computer shop na nirerentahan ko at ilagay sa kwarto ko.

Second year highschool na ako at nahuhumaling pa rin ako sayo.

Isang beses umaga iyon inutusan ako ng teacher namin na papirmahan yung sulay ng kaklase ko sa guidance officee kaya bumaba ako papunta sa lobby para magpapirma,nandon kasi yung guidance officer para sa mga late commers.

Habang nagpapapirma ako sa guidance officer nakita kita.

Late ka.

Halos ayoko na umalis doon at gusto nalang kitang pagmasdan.

Nakita kitang nakatayo sa labas hinihintay kung ano ang parusa mo.

Madami kayong late pero parang ikaw lang yung nakikita ko.

Pakshet ganito na yata talaga yung may CRUSH.

Ilang buwan pa yung lumipas at palagi akong sumasama sa sekretarya ng klase namin para makita ka.

May mga pagkakataong hindi kita nakikita pero madalas lagi kang late.

Hindi mo pa din alam na may gusto ako sayo.

Isang araw inusisa ko yung kaklase kong ka team mo kung may girlfriend ka ang sabi niya wala.

Kaya natuwa ako,hindi ako nag aasume na magugustuhan mo ko pero ayos na kong wala kang girlfriend.

Sini nga namang magkakagusto sa isang maliit at hindi kagandahang katulad ko.

Imposible namang isang katulad mo na napakagwapo, matangkad,maputi at matangos ang ilong.

Inalam ko lahat ng tungkol sayo,nalaman na ng buong klase na may gusto ako sayo,ang nakakahiya pa kaklase ko ang iba mong tropa kaya paniguradong malalaman mo.

Napag alaman ko din na parehas tayo ng spelling ng isang word na pangalan natin.

Alam mo ba na palagi akong dumadaan sa bahay niyo para lang masilayan ka?

Inalam ko yung lahat lahat nalaman ko din na kaibigan mo yung kapitbahay namin tapos kaibigan mo din yung katiwala ng tita ko.

Kaya naman todo todo na yung pang iistlak ko sayo nalaman din ng mga magulang ko na may gusto ako sayo,sobrang saya ko kasi parang suportadong suportado ako ng mga nasa paligid ko.

Isang araw nakita kitang online sa facebook,biglang kumalabog yung puso ko sa tuwa.

Kaya nanginginig nginig pa yung kamay ko sa pag tytype kung ano yung sasabihin ko sayo hindi na ako nahihiya.

Naalala ko pa nun sobrang jejemon ko kasi nakikiuso ako sa uso kaya jejemon pa yung pagtetext ko at pag chachat.

Nakita kong nagreply ka!

Loving you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon