1 week later.
"Time's up. Pass your papers forward" bukambibig ng propesor at isa-isa naming binigay sa kanya ang mga test papers. "Congratulations on your final exam. Let's all meet next semester. Class dismissed and enjoy semester break"
Isa-isa na kaming lumabas ng silid at sa wakas ay tapos na rin ang kalbaryo. Parang naubos lahat ng meron sa utak ko dahil sa tuloy-tuloy kami sa pag-sagot. Nagawa ko naman ata best ko and I can say that I'm satisfied on my answers.
"Migs" napalingon ako sa tumawag sa akin na si Ivan.
"Uwi kana after?"
"Hindi pa, bakit?"
"Do you have any plans for today? In case you're free, kain tayo. My treat"
Napakagat-labi ako sa kanyang sinabi. As much as I want to, may mga plano na kasi kami nung isa.
"I'm sorry, Ivan. May plan na kasi kami ni Felix. Maybe, next time?"
"Yeah, of course. No problem" he said and smiled. I smiled back at sabay kaming naglakad pababa ng building.
"Ano pala plans mo this sem break?" tanong ko sa kanya.
"I actually don't know. Maybe uuwi nalang siguro ako sa amin"
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Akala ko ba dito ka nakatira?"
"Oo nga. I live here with my cousin. Pero hindi talaga ako taga-rito" napatango-tango nalang ako. "Ikaw ba, what plans do you have?"
"Hindi ko rin alam eh. Matutulog nalang siguro ako sa bahay buong magdamag" napangiti naman siya ng bahagya.
"That's actually a good idea. Ka-stress kasi acads these days"
"Miguel" sabay kaming napalingon sa tumawag na si Felix.
Nasa harapan namin siya ngayon nakatayo. Hindi ko namalayang nakababa na pala kami.
"I need to go. See you. Ingat ka sa pag-uwi mo" pamama-alam ko sa kanya.
"Sure. Enjoy kayo. Ingat ka din" sagot niya naman.
Lumapit na ako kay Felix at naglakad na paalis si Ivan. I looked at him at parang hindi ito masaya sa kanyang nakita.
"What's with your face?"
"Ano 'yon?" his brows frowned, unhappy.
"What do you mean?"
"I need to go. See you. Ingat ka sa pag-uwi mo" he tried to mocked me.
I chuckled. "Are you jealous?"
"Of course, I am. May boyfriend ka na nga nakikipag-see you ka pa sa iba"
"Felix, we're just friends, okay? Tsaka wala kang dapat na ika-bahala. I'm all yours" sabi ko at kinurot ng mahina ang pisngi niya. He's cute when he's jealous.
"Paano ako hindi mababahala, ikaw na nga mismo nag-sabi na nag-confess siya sayo. Baka agawin ka pa nun sakin" he's sulking like a baby.
"Kulit naman eh. We already talked about it and we both agreed to stay as friends, alright?" he sighed. "You trust me, do you?"
Napatango naman siya. "Pasensya na. I'm just worried"
"I don't accept apologies"
"Why? Is my sorry not enough? What do you want me to do?"
"Bat ako tinatanong mo?" sabi ko at mas lumapit pa sa kanya. "I'm your boyfriend. You should know what I want" I whispered and walked out.
Walang tigil ako sa pag-lantak ng pagkain sa aking harapan. Kahit mainit ito ay binabalewala ko lang 'yun.
"Dahan-dahan lang, baka mapaso ka niyan" suway niya habang niluluto ang mga karne sa grill.
Nasa isang samgyupsalan kami ngayon kumakain. He really knows what I want kaya't dinala niya ako dito. Matagal na din kasi akong hindi nakakapag-samgyup.
"I can't slow down. Sarap kasi eh" sabi ko nalang.
"Sigurado ka bang mauubos mo lahat 'to?"
"Oo naman. Tsaka hindi lang naman ako yung kakain. Bakit, ayaw mo ba?"
"Busog na ako kanina pa"
"Okay. Ako nalang uubos nito"
"You sure? Dami pa nito. Kakain nalang ulit ako para may kasama kang uubos"
"Really? Kaya ko naman eh"
"Talaga lang ah. Knowing you, hindi ka nga maka-ubos ng isang one piece chicken"
Bahagya nalang akong napangiti sa sinabi niya. Nagpatuloy akong kumain habang nagluluto naman siya.
"Siya nga pala, kumusta sina Mama't Papa?" he suddenly asked.
"They're doing fine. Why'd you asked?"
"Wala lang. Matagal-tagal na din kasi simula nung hindi na ako nakaka-bisita sa inyo" sagot niya. "And also, they still don't know about us, right?"
Napatigil ako sa aking pag-nguya at tiningnan siya. "Yeah. About that, hindi pa ako nakahanap ng tiyempo para sabihin sa kanila"
"It's fine, Migs. You can take your time all you want, okay?" he said and smiled.
"I'm sorry. Alam kong matagal mo na 'tong sinabi sa akin about telling my parents. It's just that, I'm still having a hard time telling them"
Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. "Migs, I don't want you to pressure yourself. Yes, sinabi ko sayo ang tungkol dun pero ayokong sabihin mo sa kanila para sa akin" wika niya. "Do it for yourself. Do it if you're ready, alright? Alam mo, okay na okay na sa akin kahit di malaman ng parents mo yung tungkol sa atin. Having you in my life is enough for me, remember that"
Napangiti ako sa sinabi niya. My heart melted as I heard those words from him. Mas inuuna ako ni Felix kesa sa sarili niya. I don't know what I did to deserve someone like him.
Pagkatapos naming kumain ay gumala pa kami sa iba't-ibang lugar. Kahit saan-saan na kami pumupunta at nag-eenjoy. We both had fun on our first date. Hindi ko inaasahang mangyayari ang mga ganitong eksena sa buhay ko. My heart is just so full of love that even no one can take away its warmth.
To be continued.

BINABASA MO ANG
FALLING
RomantikMiguel and Felix have always been inseparable, sharing laughs, secrets, and dreams. But as their bond grows stronger, Miguel starts to feel something more. In the quiet moments between them, their friendship begins to shift, gently blurring the line...