Napamulat ako nang ako'y ma-alimpungatan. Nakahiga ako sa dibdib ni Felix habang pareho kaming walang saplot. Napansin kong gabi na rin pala dahil sa madilim na sa labas.
Napatingin ako sa natutulog na si Felix at napangiti nalang. Nag-balik sa aking ala-ala ang nangyari kanina. The way he passionately kissed me. The way he's so gentle and took care of me. That moment will be forever in my mind.
Pakiramdam ko'y naiintindihan namin ang isa't-isa hindi lang sa pisikal na mga bagay kundi sa panloob din. We really are destined to each other.
"Baka matunaw na ako niyan ah" nagulat ako nang mag-salita siya. Agad akong napabangon at mahina siyang hinampas sa dibdib. "Aray" reaksyon nito at bahagyang napatawa.
"Kapal mo" sabi ko at umalis ng kama.
"Where are you going?"
"Magbi-bihis na ako. Maglu-luto pa ako ng dinner natin"
"Kaka-dinner ko lang. Medyo nakulangan pa nga ako eh" he said playfully.
I gave him a disgusted look. "Bastos talaga nito. Bahala ka nga diyan. Lumabas ka nalang kung gusto mong kumain" sabi ko at napailing-iling naman siya habang may ngisi sa labi.
Pagkatapos kong mag-bihis ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naghanap lang ako ng pwedeng lulutuin at napag-isipan kong mag-ramen nalang para mabilis. Inartehan ko lang 'to ng kaunti para naman magmukha siyang presentableng tingnan.
Hinanda ko na rin ang hapag at hinihintay ko nalang si Felix na lumabas. My phone rang cause mama called.
"Hello?" bungad ko.
"Anak, where are you? You didn't text or call me. Nag-aalala na kami ng papa mo sayo"
"Pasensya na po, ma. Na-busy lang po kami ni Felix kanina"
"Why? Asan ba kayo?"
"We're here sa city, in his condo"
"That's one hour travel, Miguel. How will you guys go home?"
"Dito muna kami magpapa-lipas ng gabi"
"Okay, much better. Just text me tomorrow kung pauwi na kayo"
"Actually, ma. I have something to tell you" I sighed, hoping she'll agree on what I'm about to say.
"What? As long as hindi nakaka-sama sayo, I'll be okay"
"Felix want me to live with him while summer break" sabi ko sa kanya at uminom ng basong tubig.
"Live with him? Ano kayo, mag-jowa?"
Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni mama. Natapon naman ang iilang tubig sa mesa at agad ko 'yong nilinisan.
"Hello, Migs? Are you okay?"
"I'm fine po" I answered.
"Ang ibig ko lang pong sabihin, gusto niya muna akong mag-stay sa condo niya para daw may kasama siya"
"Ah, kala ko kung ano na. Okay, ako na bahala mag-sabi sa papa mo"
"Really?" a smile draws on my face.
"Oo. Tsaka he still don't have a choice to agree. Basta't ipangako mo sa akin na wag kang gagawa ng kalokohan, alright?"
"Opo. I promise"
"Sige na. I need to go. May mga trabaho pa akong gagawin. Good night and I love you"
"I love you po, good night" binaba ko na ang tawag at nabigla nalang ako nang may pumulupot na mga kamay sa aking bewang.
BINABASA MO ANG
FALLING
CintaMiguel and Felix have always been inseparable, sharing laughs, secrets, and dreams. But as their bond grows stronger, Miguel starts to feel something more. In the quiet moments between them, their friendship begins to shift, gently blurring the line...
