" Bakit ba ang hirap kumita ng pera?" tanong ko sa sarili.Nakakapagod na talaga mag trabaho. Saan ba ako makakakita ng magandang trabaho at may magandang sahod din?
" Hay!" buntong hininga ko.
Umalis na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kaibigan ko na si Cielo para makakain ng tanghalian.
Masyadong maliit ang kinita ko sa pag titinda ng mani kanina. Pero ang totoo hindi talaga saakin ang panindang iyon dahil ibinilin lang din naman ni Manang Ferna saakin dahil may importanteng lakad raw siya ngayon kaya ako ang naatasan na mag tinda. Wala din naman akong gagawin at kailangan kung kumita ng pera para sa pag papagaling ni papa.
Ayoko din umuwi na nakakatunganga lang sa bahay at walang dalang pera. Masyado na akong naaawa kay mama sa pag lalabandera sa kapitbahay. Ayokong mag kasakit din siya dahil sa pag tatrabaho.
" Oh, ba't ngayon kalang? Kakatapos ko lang kumain." bungad ni Cielo saakin sa lamesa. Masyado na akong feel at home dito sakanila. Kulang nalang tagala na dito ako tumira.
" Nag tinda ako ng mani. Pinabilin saakin ni Manang Fe." sagot ko sakanya at kumuha ng plato.
" Malaki naman ang kinita mo?" baling ulit niya saakin at may hawak na siyang tinapay na may peanut butter.
Kumuha naman ako ng adobo at naglagay ako ng pineapple juice sa baso ko. Hindi talaga ako nagkamali na dito pumunta kapag nagutom danil panigurado na busog talaga ako pag uwi.
" Isang daan lang ang binigay saakin sa pag babantay ng paninda niya. Akala ko nga malaki ang ibibigay niya saakin. Kaya nga dito ako kumain kasi pag uwi ko panigurado ubos na itong pera ko." reklamo ko na may kunting inis.
" Ano kaya kung bumalik ka ulit sa pag aaral sayang naman kasi nakapag tapos kana ng highschool." pag sasuggest niya.
" Ewan ko lang, Cielo. Ang kumain nga lang ng tatlong beses sa isang araw hindi ko maaford. Ano pa kaya ang pang college?" natatawang sabi ko.
Totoo naman talaga, hindi na ako aasa na makakapag aral ulit ng kolehiyo.
Ang gusto ko lang ngayon ay mapagaling si papa at matulungan si mama kahit yun lang okay na saakin.
" Suggest ko lang yun. Alam ko naman na tinutulungan mo pa ang magulang mo. Pero paano naman ang mga pangarap mo, Cid?" napabuntong hininga nalang ako dahil sa tanong niya.
" Ewan, Cielo. Hindi ko alam " sabi ko sabay inom ng juice.
Nilagay ko na sa sink ang plato ng pinag kainan ko dahil tapos narin akong kumain. Masarap kasi ang ulam, syempre magaling talaga mag luto si Tita Ciana yung nanay ni Cielo.
" Sige, bukas nalang ulit." paalam ko kay Cielo at tumango naman ito.
Nasanay narin si Cielo saakin, mabuti nga at nakakapag aral pa siya. Edi sana sabay kaming pupunta sa school para mag aral. Dalawang taon nalang sana ay tapos na ako sa pag aaral kung hindi ako tumigil.
" Ihja, bilhin mo na ito." napalingon ako sa nagsalita. Isang matandang nag titinda ng kamote.
" Po?" naguguluhang sabi ko.
" Bihin mo na ang paninda ko para makauwi na ako. May sakit ang anak ko." malumanay na sagot niya.
" Eh, wala po kasi akong pera para bilhin iyan lahat." napakamot ako sa ulo at malungkot na yumuko ang matanda.
" Gusto ko man po kayong tulungan kaso walang wala din po ako. Tulad ng anak niyo may sakit din ang tatay ko." pagkwe-kwento ko.
" Pasensiya na po," sabi ko bago umalis sa harapan ng matanda.
Bigla tuloy akong nakonsensya sa matanda. Kung may pera lang sana ako edi sana binili ko na lahat ng paninda niya.
Tanghaling tapat na ng maisipan kung pumunta nasa palengke. Oo sa palengke, pero hindi ako mamalengke dun. May trabaho akong pinasukan roon sa may karenderia.
" Ate Joyce?"
" Nandyan po ba si Ate Joyce?" tanong ko sa batang lalaki. Naka uniform pa ito at hula ko ay galing pa ito sa eskwela.
" Bakit anong kailangan mo kay ate?" tanong nito saakin.
" Ah, ako yung bagong kinuha ng ate mo na dishwasher dito." medyo mahinang sabi ko sa bata.
Nakakahiya naman kasi na may makarinig saakin marami pa naman tao. Nakakahiya man sabihin pero minsan nahihiya ako sa sarili ko. Kung sana ay nakapag tapos ako ng kolehiyo. Edi hindi ito ang magiging trabaho ko. Sino ba naman ang ipag sisigawan sa lahat na ako ang bagong dishwasher ng isa sa mga patok na karenderia dito syempre hindi ako noh.
" Ahh, sige tatawagin ko lang si ate." sabi niya bago umalis para tawagin ang ate niya.
Sa rami ng tao ang pumapasok sa public market madalas ang mga tricycle driver dito. Dito sila kumakain, minsan din mga trabahador.
Napag isipan ko muna na tumabi baka may mabangga pa akong tao dito. Tatabi na sana ako ng may nabangga akong matangkad na babae.
Oh diba? Hindi pa nga ako nakakatabi may nabangga na ako.
" Huy! Tumabi ka nga. Tumingin ka sa dinadaanan mo!" singhal nito at tinignan ako ng masama. Wow ha, natakot na ako dun.
Gaya ng sinabi niya ay tumabi na nga ako at patagong napaikot ang aking mga mata dahil sa babaeng yun.
Minsan may mga tao talaga na hindi sinasadya ang mga bagay pero napaka big issue talaga para sakanila.
" Hi miss," napalingon ako sa lalaki sa kaliwa ko. Kasalukuyan siyang kumakain at maraming putahe ang nasa plato niya. At mukhang hindi naman ito driver or kargador.
Ngumiti lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. At saka hindi ko siya kilala.
Naniniwala talaga ako sa kasabihan na "don't talk to strangers"
Napalibang ang tingin ko ng makita si Ate Joyce. May dala siyang papel at ballpen at mukhang may kinakalqula.
" Oh, Elcid. Nandyan kana pala, pwede kanang mag simula ngayon. Masyadong maraming tao na at as usual maraming huhugasin. Kaya kailangan mo na talagang mag simula."
" Okay lang naman sayo diba?" dagdag niya.
Tumango ako, " Oo naman ate, okay lang saakin." sagot ko at binigyan siya ng ngiti.
" Mabuti naman. Doon ang hugasan sa pinakadulong parte." pagtuturo niya at naintindihan ko naman ang tinutukoy niya.
" Sige, maiwan na muna kita ha." umalis na siya at ako naman ay dumiretso na sa lugar kung saan ako mag huhugas.
Bagong trabaho na naman ang pinasukan ko. Hindi ko mabilang kung pang ilan nato pero pare-parehong pinag sikapan kung gawin araw araw.
Hindi naman nasasayang ang mga lakas at pawis ko dahil para narin ito sa pamilya ko. Parang pinag sisilbihan ko narin sila kapag iisipin ko.
Hindi ako pwedeng mag sayang ng oras araw araw, dahil nga time is goal hindi mo na maiibalik ang mga oras at panahon na nasasayang mo.
Kaya kahit maaga pa pahalagan mo ang mga bagay na nasa iyo ngayon. That's life. Ganun talaga ang buhay, ito talaga ang kapalaran ko.
Napabuntong hininga muna ako bago mag simula nasa aking trabaho.
YOU ARE READING
Late Nights In City
Short StorySi Elcid ay isang highschool graduate pero siya ay madiskarte upang mag trabaho para sa pamilya niya. Dahil narin sa nagkasakit ang ama niya kaya gusto niyang kumita ng malaking pera upang mapagamot ito at para narin hindi na mag hirap na magtrabaho...