Chapter 3: She Can't Stay Still

175 10 2
                                    

(A/N: Eto na po agad ang next chapter. I'm planning to post na lang ng sabay lahat ng chapters, kaya abangan nyo po! Please vote and comment!)

Malakas ang ulan. Eto ako, nakatingin naman outside the window. May paminsan-minsan ding pagkidlat at pagkulog. Pero para sa akin, it was soothing to my ears.

Ang kulay-asul na kalangitan ay natatakpan ng makapal na mga ulap. Kung iyong titingnan, parang gabi pa rin ang kapaligiran, parang hindi man lang lumabas o dumaan ang araw. Tumingin ako sa orasan na nakakabit sa wall ng classroom. Twenty-minutes pa lang ang lumipas mula ng magsimula ang aming klase.

I groaned internally at ibinalik ko ang aking atensyon sa labas ng bintana. I hated history class. Napakabait ng prof naming si Mr. Requejo, but he had the most boring teaching technique ever. Unti-unti kong naramdaman ang antok, malapit nang pumikit ang aking mga mata. At tuluyan na nga akong nakatulog at nalalaglag pa ang aking ulo. Na siya namang nakakapagpagising muli sa akin at pilit na minumulat ko ang aking mga mata. Sa sobrang taranta ko, di ko sinadyang matabig ang mga papel na nasa ibabaw ng aking upuan.

“Mr. Duñgo, do we have a problem?” Mr. Requejo looked at me over his glasses. One thing I liked about him that he would sound mean, using your last name and looking at you over the edges of this glasses, pero hindi mo mararamdamang siya ay nagagalit, it’s more like parang nag-aalala siya sa iyo.

“No sir,” I said. “My elbow just slipped off the table.”

He nodded and turned back around to the whiteboard, at ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat, parang meron din siyang dinodrawing na hindi naman maintindihan kung ano.

“Liar,” Narinig kong mahinang tinig mula sa aking likuran.

Napasimangot ako bago bumaling sa nagsalita mula sa aking likuran. Nasa likuran ko si Martin. Parang lalaki ang pangalan but yeah, she’s a girl. Martin is a pretty girl, may mahabang buhok na parang araw-araw nirebond, at may maputi at mala-porselanang kutis. Hindi siya kailanman nag-ulit ng damit sa isang buwan. At madalas, parang nagcocolor-coding lang. Ngayong araw, puro pink ang suot niya. Pink headband, pink shirt, pink jeans, pink shoes, at pink din ang accessories. Ang hindi lamang pink na gamit niya ay ang kulay gray niyang bag.

Popular din siya sa school. Magkasundo naman kami dati, kaya lang nagkaroon ng konting aksidente nung kami ay nasa grade six pa. Mayroon kaming activity sa loob ng classroom, naka-blindfolds kami nun at may kanya-kanyang scissors. Partners kami. Ang problema, I mistakenly cut her hair instead of the actual thing that I had to cut. Simula noon, parang isinumpa na niya ako.

“If I’m such a liar, bakit di mo ako isumbong?”

Napakunot-noo siya.  “That would be useless. Mas magandang makita ang isang tao to get into trouble kung sila mismo ang gagawa nito.”

“Whatever,” I said, turning back around. Kahit di na ako nakatingin sa kanya, parang ramdam ko pa rin ang matalim niyang tingin. Hanggang sa tumunog na ang bell ng school.

“Haaay salamat...” Bulong ko. It was time to go to Biology.

As I sat down in Biology class. This time, di na ako late. I looked over to see Jai again. She was combing her fingers through her hair, parang may tinitingnan sa wall na malapit sa kung saan ako nakaupo. Nang mag-umpisa na ang klase, tumingin na ako sa harapan, sa prof naming si Mrs. Sarrosa.

Sa totoo lang, hirap na hirap talaga ako magconcentrate. Gusto kong lumipat sa upuan malapit sa bintana para makita ang nasa labas, at nang ako ay makapag-isip. Hindi ko maiwasang tumingin sa labas at tingnan ang ulan. Yun kasi ang paraan ko para makapag-isip nang mabuti.

Panakaw akong sumisilip sa ulan minsan. Sa apangatlong pagtingin ko, nahuli ako ni Mrs. Sarrosa and again, she snapped her fingers in front of my face. Naiinis ako sa ginagawa niyang yun. Maliban sa nakakairita, masakit din yun para sa aking tenga.

The 10 Things I Love About Her (A JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon