Chapter 12

11 1 0
                                    

Chapter 12

Kumakain ako ngayon ng ice cream habang nakatitig sa mga napakagandang bulaklak.Kahapon kasi inaya ako ni Austin na lumabas kaming dalawa at pinagpatuloy ang paghahanap sa kapatid niya.

"Adeline," inabot sa akin ni Austin ang tatlong kwek-kwek.

"Thanks." sabi ko.

Umupo siya sa aking tabi at napabuntong hininga.Mukhang may iniisip siya.

"Kailan ko kaya mahahanap ang kapatid ko?" tanong niya.

"Aba malay ko.Bakit mo ako tinatanong?"

Tumawa siya.

Nang maubos ko na ang kinain ko ay agad namang nagyaya si Austin.May pupuntahan lang daw kami saglit.Dinala niya ako sa napakagandang lugar kung saan namangha ako,mas maraming mga bulaklak sa paligid at makikita mo ang kabuoan ng lugar.

"Adeline may kukunin lang ako,hintayin mo ako dito ah?"

Tumango ako.

Patakbo siyang umalis,pinagmasdan ko muna ang napakagandang bulaklak sa paligid.Iba't iba ang mga kulay nito,wala ako masyadong alam sa mga bulaklak pero nagagandahan talaga ako dito.

Bakit kaya ako dinala dito ni Austin?Akala ko ba na hahanapin namin ang kaniyang kapatid?

Napatingin ako sa isang babae na tinititigan ang isang kulay pink na bulaklak.Parang maiiyak siya habang tinititigan ito.Nang mapansin niya ang titig ko ay tumingin siya sa gawi ko at agad natigilan.Ngumiti ako sa kaniya,pero hindi siya ngumiti pabalik dahil natigilan parin ito.

Lalapitan ko na sana siya ng bigla niya akong pigilan.

"Wag...N-Nakikita mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako.

Alam ko namang multo siya,ang pinagtataka ko lang ay anong meron sa bulaklak na tinititigan niya.Napayuko siya kasabay non ay nawala siya ng parang bula.Napalinga-linga ako sa paligid upang hanapin siya ngunit hindi ko na siya makita pa.

'Sino yun?'

"Adeline.."

Napalingon ako sa aking likod ng marinig ko ang boses ni Austin.Nagulat ako ng maydala siyang bulaklak.Ibinigay niya sa akin ito, tinitigan ko ang mga bulaklak na ibinigay niya sa akin.Parang may humaplos sa aking puso ng makita ito kung gaano sila kaganda.

"Austin," nag angat ako ng tingin "S-Salamat."

Ngumiti siya.

Hindi ko masabi sa kaniya na gusto ko siya o baka hindi na ito gusto kundi mas higit pa.

Lumipas ang mga araw at buwan ay ganon parin,palagi naming pinupuntahan ang mga lugar na pinuntahan niya noon nagbabakasaling makahanap kami ng clue kung nasaan ang kapatid niya.Ayaw din niyang humingi ng tulong sa mga pulis,dahil gusto niya siya mismo ang makahanap sa kapatid niya.Ito kasi ang pangako niya sa kaniyang mga magulang.

Nag iba rin ang pakikitungo sa akin ni Austin.Naging sweet siya at palaging masayahin.Isang araw nahalata iyon ni Celine na palaging sweet sa akin si Austin.Nagtaka nga siya non.

"Hoy,kayo na ba?" tanong ni Celine.

Ngumisi lang si Austin sa kaniya.

Umiling lang ako.

"Wag niyo akong pinagloloko.Ang sweet niyo kaya."

"Parang ganon." sabi ni Austin.

Nagtaka si Celine sa sinabi ni Austin pero hindi na siya nagtanong pa.Ngumiti sa akin si Celine ng may halong panunukso.

Palaging ganon si Austin,tuwing uwian ay siya na palaging nagdadala ng gamit ko,kapag may multo agad niya tinatakpan ang mga mata ko.Araw-araw siyang ngumingiti sa akin,nong magkasama kami ay may sinabi siya sa akin.

He Is A Ghost [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon