Chapter 13
Nang makapagbihis na ako ay agad na akong bumaba at humalik sa pisnge ni Mommy.Nagpaalam narin ako sa kaniya na may pupuntahan kami ni Austin.
"Baka date yan." pang asar ni Mommy.
"Hindi nga eh," kinuha ko ang cellphone sa lamesa "Alis na ako Ma,bye."
"Ingat!"
Nang nasa labas na ako ay agad kung nakita si Austin na nakasandal sa kotse.Tumayo siya ng maayos at pinagbuksan ako ng pinto.Ngumiti ako sa kaniya tsaka ako pumasok sa loob.Pumasok narin siya.
"Anong date ngayon Adeline?" tanong niya.
"January 12." sagot ko.
Tumango siya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta,malalaman mo din."
Tahimik lang kami habang nasa byahe,ang tanging maingay lang ay ang music.Sumusulyap ako kay Austin habang nagmamaneho siya.
Napansin ko rin ang kwintas niya.Suot niya yung kagaya sa kapatid niya.Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.Ilang minuto ang lumipas hanggang sa hindi ko namalayan na naka tulog pala ako,ginising nalang ako ni Austin ng makarating na kami.
Pagkababa ko ng kotse ay agad akong nagtaka ng nasa sementeryo kami.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko.
Ngunit ngumiti lang siya at hindi sumagot.Napansin ko rin na may bitbit siyang bulaklak.
Sumunod ako sa kaniya habang naglalakad siya,sino ba kasi ang pupuntahan namin dito?Tumigil siya sa paglalakad kaya nabungo ako sa kaniyang likod.
"Sorry.." sabi ko.
Tinignan ko kung ano ang tinitigan niya at agad akong natigilan ng mabasa ko iyon.
Ian Austin C. Rivera
May 2, 1994-January 15,2016We will miss you
From: Tito,Tita and Cousins
Napatingin ako sa kaniya,tumingin din siya sa akin.
"M-Matagal kana palang patay?" nauutal kung tanong.
Tumango siya.
"K-Kung ganon,bakit ngayon ka lang humingi ng tulong?"
"Kasi ikaw naman talaga ang tutulong sa akin."
"Paano naging ako?"
"May nagsabi sa akin."
"Sino?"
Nag iwas siya ng tingin.
"Hinintay kasi kita na mag 18 tsaka ako pinayagan Adeline."
Inilagay niya ang bulaklak sa gilid,nagsindi din siya ng kandila.
"Mag fo-four years kana ngayong 15." sabi ko.
BINABASA MO ANG
He Is A Ghost [COMPLETED]
ФэнтезиAdeline Blair Ramirez is a gothic girl who has a third eye.Ghosts are everywhere.Everyone who knows her is scared of her.Everyone avoids her like she has the deadliest virus.She's always being left out, no one wants to be friends with her. She's alw...