5 (Past)

643 49 9
                                    

Monday, Apr 1 • 6:03 AM

Mars:
Ayen may aaminin ako
Matagal ko ng gustong sabihin to
Pero kinakabahan ako
Natotorpe
Pero ngayon, tatapangan ko na
Gusto kita, matagal na
Mahal na nga ata kita eh

7:10 AM

Ayen:
Oo na. Happy April Fools. Aga mo bumati ah.

Mars:
Nagcoconfess ako dito oh

Ayen:
Ulol. Every year mong ginagawa yan. Tigilan mo ako.

Mars:
Hahahahaha
Malay mo this year makalusot na

Ayen:
Mars kahit hindi April 1 di ka makakalusot. Pano pag sayo, everyday April Fools.

Mars:
Kiligers to the max ka lang sa sinabi ko eh
*Flips hair*

Ayen:
Bakla. Sa iba ka muna maghasik ng kalokohan mo pagod ako.

Mars:
Galing kang duty?

Ayen:
Yep. 12 hrs sa ER.

Mars:
Kawawa naman baby girl ko
Pahinga ka na

Ayen:
Kadiri to. Gago. Sige na good mornight.

Mars:
Tulog ka na
Mwaa

Ayen:
Tangna kadiri to.

Mars:
Para mawala pagod mo

Ayen:
Nadagdagan lang inis ko. Sige na. Shoo! Hanap ka ng ibang ma-i-april fools.

Mars:
Ayen
Last na

Ayen:
Ano? Masasapak  na talaga kita diyan.

Mars:
Totoo yung confession ko

Ayen:
Oh tapos?

Mars:
Happy April Fools 🎉

Ayen:
Tukmol. Sabing maghanap ka na ng bagong girlfriend eh. Tigil tigilan mo panggugulo sakin.

Mars:
Hahahaha
Miss you too
Sige na tulog ka na

Hey Past Present & FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon