Chapter 10

6 1 0
                                    

KINABUKASAN, sabado na at napakadami kong tinapos na assignment at mga ginawa na hindi ko naipasa sa tatlong araw na absent ako dahil naaksidente nga si Kier. Wala din akong naging masyadong time makipagusap kay Collins thru chat, pero alam kong naiintindihan nya yon. 

Sunday morning, maaga akong gumising dahil  balak kong ako ang magluto ng umagahan namin, pambawi sa kahapon na buong araw lang akong nasa kwarto at gumagawa nga ng mga assignment.

Pero pagbaba ko nagkakape na sila papa, mama at tita. Si Kier naman hinahatiran na lang namin ng pagkain sa kwarto nya dahil nga hindi pa sya magpalakad lakad at magpagod dahil basa pa ang mga sugat nya at di pa naghihilom ang mga pasa nya sa katawan.

Bobo kasi. Magdrive ng may hang over. Hilo hilo sya e.  Kawawang kotse nadamay sa katangahan, charot.

"Good Morning Ma, Pa,  Tita" sabay beso sa pisngi nila

"Good Morning Hope" bati nila

"Bat ang aga nyo gumising? Balak ko pa naman na ako magluluto ng agahan ngayon" nakanguso ko pang sabi

"Bakit naman?" tanong ni mama

"Syempre pambawi. Buong hapon ako kahapon sa kwarto e" saka umupo sa tabi ni tita

"Ay sus e pag aaral naman inaatupag mo don sa kwarto mo, kaya ayos lang yon. Natapos mo na ba?" si mama

"Opo naman yes.  Nanakit nga likod ko pagkatapos. Bat ganon kung kelan ako absent saka madaming pinagawa" reklamo ko

Pero tinawanan lang nila ako.

"Nga pala nadalhan na po ba si Kier ng pagkain?" tanong ko habang ngumunguya ng pandesal

"Ay hindi pa teka--"

"Ako na lang ma" pigil ko kay mama

Nagsandok ako ng lugaw saka nilagay sa mangkok saka nagpainit ng fresh milk at isinalin sa baso. Pagkatapos ay kumuha ako ng tray at nilagay doon ang pagkain ni Kier at kinuha ang gamot na kailangan nyang inumin saka umakyat sa kwarto nya.

Pagkaakyat ko nalito pa ko kung pano ko makakapasok dahil may hawak nga akong tray kaya binaba ko muna yon sa sahig dahil baka matapon pa at mabasag yung baso at mangkok.

Nang mabuksan ang pinto kinuha ko na ulit ang tray saka pumasok. Pagkapasok ko nakita ko si Kier na malalim pa din ang tulog.  Nilapag ko muna ang tray sa study table nya saka sya ginising.

"Kier? Gising na magalmusal kana kailangan mo uminom ng gamot" maingat ko pa syang niyugyog dahil baka magalaw ang iba nyang sugat.

"Hmm mm" antok na antok.

"Kier" yugyog ko ulit.

"Oo" sagot nya

Hinintay ko syang mahismasmasan hanggang sa idilat nya ang mga mata nya. Agad ko naman syang tinulungang makaupo.

"Oh kaya mo ba kumain magisa? Gusto mo subuan kita?"

Pasalamat ka talaga.

"Kaya ko" sagot nya

Ibinigay ko naman sa kanya ang tray saka ko kinuha ang upuan sa may study table nya saka pinanood syang kumain.

"Kumain kana miss?" tanong nya

Miss ampota. Naalog talaga yata siguro utak neto kaya hindi kami maalala. 

"Illyria Hope. Ako si Illyria Hope, kapatid mo ko. Tapos ikaw si Ian Kier. Mas matanda ka sakin ng dalawang taon at second year college kana ako naman ay graduating na ng high school." paliwanag ko

ROSES ON THE TABLEWhere stories live. Discover now