CHAPTER 23

10 0 0
                                    

ENJOY READING!!!

LUKE ANGELO

Tanghali na nang magising ako ng at nakaramdam ng sakit ng ulo.

Hangover?

I'm about to stand, but a flashback suddenly appears. 

"Babeeeee?!!!

"Oh babe!"

"I'm sorry, hmm? I-I'm sorry. D-id I hurt you so m-uch? B-babawi ak-o ha? n-o more brea-k up na. You-you're still mine, right?"

Damn it! Stupid!

Napasabunot pa ako at parang gusto kong suntukin ang sarili nang maalala ko ang ginawa ko kagabi.

Nakakahiya!

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at napagtantong wala ako sa bahay namin.

Shit! Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko kay Illyria.

Naputol ang pagkausap ko sa sarili ko nang may pumasok sa kwarto at gulat pa kong napatingin sa pumasok na iyon.

"B-bab-Illyria!

"Oh gising kana pala. Bumaba kana may pagkain na roon" nakatingin lang ako sa kanya at binigyan naman nya ako ng nagtatakang tingin.

"Wala ka bang sasabihin sakin?" tanong ko.

"Mamaya. Kumain ka muna at tanghali na" ayon lang ang sinabi nya at nauna na syang lumabas ng kwarto.

Agad naman akong nag-ayos ng sarili at saka sumunod sa kanya pababa ng kwarto.

Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong ng mama ni Illyria.

"Good Afternoon po, Mrs. Marasigan" hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa nagawa ko kay Illyria.

"Good Afternoon din hijo. Kumain na kayo ni Illyria anong oras na oh"

"Po? Hindi pa po kumakain si Illyria?" tanong ko.

"Nako, hindi pa at sasabay raw sya sayong kumain pagkagising mo" sagot nya.

"Ah ganon ho ba?" mahina kong sambit.

"Mag-usap kayo

Tears welled up in my eyes when her mother tapped my shoulder as she walk passed me. Puno ng pagsisisi at panghihinanayang ang puso ko ng mga oras na yon, because I know that even if she forgives me, she will never forget how I broke her trust in me.

Inayos ko muna ang sarili saka naglakad papasok sa kusina. Naabutan ko roon sina Illyria at Ian Kier.

"Oh pre, kain na. Maiwan ko muna kayo riyan." bago pa makalampas sa akin ay tinapik nya din ako sa balikat at saka naglakad muli.

"Kain na" inilapag nya ang plato at ngumiti pa sya sa akin na para bang wala kaming problemang kinakaharap.

Tahimik akong umupo at sinaluhan sya sa pagkain. Halos hindi ko galawin ang pagkain dahil mas gusto ko syang tignan lamang, pero napansin nya yon.

"Alam kong gustong gusto mo nang magusap tayo, pero kumain ka muna at tigilan mo ang pagtitig sakin dahil naiilang ako, hindi naman ako pagkain" saka natawa pa sya ng bahagya.

Bumalik naman ako sa pag kain at tahimik naming inubos iyon. 

Nang matapos ay binalot na naman kami ng katahimikan, tanging ingay lamang sa labas ang naririnig sa kusina.

ROSES ON THE TABLEWhere stories live. Discover now