Nasa isang kwarto ako at nag pa-patugtog ng musika, kasama ko sa bahay ang mga kaibigan ko.

Ng may biglang tumunog, nag pop-up ang isang chat head sa messenger ko.

Agad ko itong inopen at tinignan kung sino ang nag chat,  si Cedrick.

Walang naka lagay na apelido, naka one name lang. Sana all.

Pero kilala ko sya. We're not really close pero kilala lang.

Dun din kasi galing ako sa school nya dati.

Duon ako nag aral ng elementary kaya nakikita kita ko na sya before palang.

So ayun na nga, nag simula sa hi at napahaba ng napahaba ang kwentuhan.

Lumipas ang ilang araw ay palagi padin kaming mag ka chat, sinabi nya saakin na gusto nya ako.

Inaasar tuloy ako ng mga kaibigan ko na 'check the label mami' HAHAHAHA. Wag daw puro harot, label muna.

Pero hindi ko sya gusto, hindi naman sa ayaw ko sakanya. Ayoko lang talaga sa mga ganoong bagay sa ngayon, char.

Hindi ko lang priority. Ka-hi-hiwalay lang din kasi namin ng ex ko.

Hindi ako marunong mang reject, kasi hindi ko din  kaya. Parang hindi kaya ng konsensya ko na mang reject ng tao.

Kaya sinabi ko nalang 'ayy hahahah' ayan as in ganyan yung reply ko sakanya nung sinabi nya na may gusto sya sakin.

Pero okay lang naman daw, kahit friends lang kami.

Lumipas ang isang linggo, ganun padin walang palya ng araw ang pag uusap namin.

Na e-enjoy ko naman na kausap.

Kaso bigla nalang syang tumigil. Biglang nawala.

Siguro naka hanap na ng bago na gusto na sya.

Alam ko sinabi kong wala akong panahon sa pakikipag relasyon, pero parang nasaktan ako.

Ugh! I hate this. I hate this feeling.

Yung parang namiss ko. Masyado kasi akong sinanay sa mga ginagawa nya e, masyado nya akong sinanay kaya nung biglang nawala hinanap hanap ko.

Pero hindi ko din naman pwede ibuhos lahat ng sisi sakanya.

Ako din naman sinanay ko na yung sarili ko.

Isang araw naka upo ako sa cafeteria ng school nila Cedrick kasama ang ilang mga kaibigan ko na dito nag a-aral.

Ng bigla ko syang makita, may kasamang ibang babae, 'ah baka yun yung bago' sabi ko nalang sa sarili ko.

Sa tapat pa namin sila umupo, jusq.

Hindi ko to kinakaya. Nag lalandian sa harap namin.

I know that I don't have the right to get jealous or get angry but I can't help it.

Aalis nalang ako dito.

Bigla akong tumayo at akmang tatakbo paalis ng may biglang humatak sa braso ko kaya nahila ako palapit sa taong nakahawak ngayon sa braso ko .

Pag harap ko ay nakita ko kung sino iyon.

Halos gumunaw nanaman ang mundo ko.

Si Jay, ex ko. Ilang linggo palang simula nung naka move on ako tas tangina nag pakita kaagad sa harap ko.

Actually hindi nga ako sure kung naka move on na ba talaga ako, o pinipilit ko lang sabihin sa sarili ko na naka move on nako.

Pero kasi nung dumating si Cedrick sa buhay ko nawala sa isip ko si Jay.

Kasi alam ko naman na sya padin talaga, umaasa padin akong babalik sya.

Kaya naman nung may ibang humarot sakin nakipag harutan naman ako para lang mawala sa isip ko si Jay. Masama na ba ako nun?

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin, hindi ako makagalaw dahil sa bigla nyang pag yakap.

'I missed you.' bulong nya sakin.

At tuluyan nang nagising ako at iminulat ko ang aking mga mata.

'Shit' sabi ko ng imulat ang mga mata, sabay pag patak ng isang luha.

Napabangon ako sa aking kama at hinaplos ang pisngi na basa dahil sa patak ng luha.

Napa tulala ako at napaisip na panaginip, panaginip lang pala.

×××××
To be more updated you can follow my official twitter and instagram account : @FuerteDébiles
I haven't made a facebook account yet but I will, soon.

FuerDés will be my fandom name, no one asked kaya skl lol.

Feel free to comment anything in the comment section. If may mga suggestions or ano man yang gusto nyong sabihin, comment lang kayo. You can also message me on my Official Twitter Account if you have something IMPORTANT to say.

Don't forget to Vote and Share my story/stories. Hindi sya sapilitan kaya don't worry.

“It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”
-Confucius

Thank you and God bless.
Lovelots :)

-FuerteDébiles

TearsWhere stories live. Discover now