Girlfriend
Pinatay ko ang alarm clock at nag-inat-inat. Tumatama sa aking mukha ang sikat ng araw na sumisilip mula sa venetian blinds ng aking kwarto, hudyat na maganda ang panahon ngayon. Napangiti ako at mukhang maganda nga ang gising ko ngayon kahit medyo puyat. I stood up then itinaas ko ang blinds.
"Good Morning Sunshine!"
Napahikab ako habang papunta sa loob ng CR para gawin ang aking morning routine. Kailangang everyday fresh and clean bago rumampa ang kagandahan ko sa pagtatrabaho!
Yes! Trabaho! At the age of 19, I am proud to tell everyone that I am a working student. If in case you've forgotten, my Auntie Carmen and I have a café and I work to help her.
I sprayed my favorite scent and looked one last time at the mirror. Ay, bongga talaga ang beauty ko! I chuckled at myself. Self-praise eh noh?
Lumabas na ako ng kwarto at sinara ko na rin ang pinto ng apartment namin bago ako bumaba sa shop. Yep. Nasa 1st floor ang shop at nasa taas naman ang bahay namin. Cool ba? Hindi na hassle sa pagpasok.
Amoy na amoy ko na kaagad ang ginagawang pinakamasarap na brewed coffee ng pinakamagandang auntie sa buong universe!
"Auntie! Nandito na po ako." I said. Sumilip ako sa kaniya at nakita ko siyang tinitikman ngayon ang kapeng ginagawa niya.
"Hmm! Ang sarap naman niyan, Auntie!" She smiled at me.
"Aba! Syempre ano? Ako pa. Oh heto, bagong experiment ko. Tikman mo na." She offered me a spoonful of coffee and I took a sip. As expected, napakasarap!
"Hmm! Infairness! The best talaga, Auntie!" I approved. She smiled at me.
"Nako, ikaw talagang bata ka, napakabolera mo!" She said while pinching my cheek.
"Kanino pa ba magmamana? Hehe." I replied with matching taas-baba kilay, I gave her a quick peck on her cheek then I ran immediately out of the kitchen.
"Ikaw talagang bata ka!" She exclaimed habang natatawa. Natawa nalang din ako at nagsimula nang magpunas ng mga mesa.
Mabuti nalang at semestral break ngayon kaya makakatulong ako kanila Auntie dito sa shop. Kaming dalawa nalang ni Auntie ang close relatives. Kapatid siya ng Papa ko. Well, naulila ako nung 11 years old ako at si Auntie naman ay dalaga pa rin. Siya na ang kumupkop at bumuhay sa akin mula nun. Nung una akala ko, dahil inaalagaan ako ng lubusan ni Auntie kaya hindi na siya nakapag-asawa. Yun pala, iniwan siya ng first love niya at hindi na nakamove-on. Ireto ko nga sometimes! Haha!
Kahit madaldal at maingay ako, masunurin naman ako sa kaniya. Siya nalang ang pamilya ko, bukod sa mga kaibigan ko. Siya na ang bumuhay at nagpa-aral sa akin kaya kahit manlang sa simpleng paraan maibalik ko sa kaniya ang lahat ng sakripisyo niya sa akin. Nag-eenjoy naman ako dahil nalalambing ko din ang Auntie ko.
Tumunog ang chimes kaya napatingin ako sa pinto.
"Good Morning!" Ayan na. Andito na ang bakla!
Pinagmasdan ko siya habang nilalagay niya ang mga gamit niya sa counter at dumiretso agad sa harap ng salamin para mag-ayos. Lumingon siya sa akin.
"Oh? Narealize mo bang ang gwapo gwapo ko kaya ka nakatitig sa akin ng ganyan, Xyrille?" Napa-hays ako. Seriously?
"Asa ka pa, Lance. Asa ka pa." Sabay irap.
Si Lance nga pala, puma-part time siya dito sa shop bilang waiter din tulad ko. Mag pagka-eng-eng ng matindi ang isang 'to, beware.

BINABASA MO ANG
Scripted
Dla nastolatkówHow will you know if their words are honest when they are expected to be said? How certain are you that their actions are sincere if they are obliged to be done? And how will you believe if their feelings are true when everything was planned to be b...