♪C♩H♪A♩P♪T♩E♪R♩ 3 (HIS PAST)

65 4 0
                                    

Nakauwi na rin, kakapagod.. Diretso akong lumabas ng kotse, pano tumakbo papasok ng bahay si Niks.. Ang dilim ng paligid, brown-out ba?

"Mom?? Dad??" 6pm na ah wala parin sila ba?

"SURPRISEEEE!!!!! Happy birthday!!"  Anong date ba ngayon? May 14? Sh*t!! I forgot my own birthday..

Bumukas ung ilaw, nakita ko sina mom, dad, Sab at...

Maddi??

"Thank you mom dad!!! Of course sab, niks and ma-maddi!! *fake smile*" bakit nandito si maddison? Bwiset naman oh!!  >.<

"Your welcome!!" They said it in chorus, alam kong pilit ung ngiti ni Maddi, baka ininvite lang yan ni mom at hindi makatanggi..

"Mom dad unexpected po ito ah.. thanks ulit pero i felt so exhausted, can i go upstairs?" I said with an apologetic tone

"Sure anak" kiniss ko sa cheeks si mom

Umakyat na ko, ayoko ko sya makita.. Maddi, maddi, maddi... leche naalala ko na naman ung kag*guhan ginawa ko..

*flashback*

Nakakasawa!! Araw araw na lng ganito puro mga babae bulungan ng bulungan, nagpapacute mukha namang ACUTE!!

Naglalakad ako, nang may biglang humawak sa kamay ko, may humahabol sa kanya. Inaalis ko ung kamay aba tinignan lang ako ng sumakay-ka-na-lang-look.

"Sya ung boyfriend ko!! Wala na tayo, lumayo ka na sakin Drew..."

"Maddi, wag naman ganito oh mahal na mahal kita"

"Pano ko?? Hindi na kita mahal, si Lemon na ang mahal ko.." ano??? Ako??? Pano nya ko nakilala, kunsabagay ung sa banda nga ata

Tumakbo kami pagsabi nya non.. Dumami ung bulung-bulungan ng mga bubuyog sa paligid, anlakas eh..

"Boyfriend?? Since when??" - Bubuyog 1

"Bagay sila!!!" - Bubuyog 2

"Ang swerte ni maddi.." -Bubuyog 3

Huminto kami sa cafeteria pero hawak pa rin nya kamay ko, di ko namalayan bumitaw na sya

"Le-lemon so-sorry" naiiyak na sya. Weakness ko to, ayokong umiiyak ang isang babae, kahit di ko sya kilala, inalo ko pa rin sya. Lalong humagulgol, niyakap ko na lng.

"Akala ko ba hindi mo mahal eh bat ka umiiyak?" Ngumiti ako

"Syempre I lied ayaw kong magmukhang tanga sa harap nya" ang gulo naman nito

Kumalas na ko sa yakap, basa na ung damit ko ng luha nya.

"Maddison Guevarra nga pala.. pasensya kung nagawa kitang unan ah..You're lemon right?" naglahad sya ng kamay

"Yes, Lemon Pepper Paul Cruz" inabot ko ung kamay nya at nagsmile

"Hindi ka naman pala suplado eh" huh?? Ako suplado??

"Grabe hindi noh"

mga 30 minutes din kami nag-usap, tas nagpaalam na ko.

-------------------------------------------------------------------------------

5 days na ang lumipas simula nang makilala ko si maddi, mabait sya, matalino, magaling kumanta.. Para ko syang younger sister.

Kakauwi ko lang sa bahay, pumunta ko sa salas nakita ko si mom nagfafacebook. Nung mapansin nya ko ngumiti sya ng ala-McDo.. haha

"Uy anak sino to??" Hinarap nya ung laptop at may tinuro na picture, tinignan ko.

"mom, kanino galing yan!!!!" Picture namin ni Maddi habang yakap ko sya, ito ung araw na hinila nya ko. May caption ung pic "newly couple".. nako naman!!

"Sa page yan ng school nyo, naka-tag pa nga sakin. Ayieee girlfriend mo??? " pbb teens si mom..

Ano ba sasabihin ko, napipi na ko!!

"Silence means YES, umurong na ba dila mo anak? Ganyan talaga pag 1st girlfriend na ipakilala, nahihiya ka pa, i understand"

"Pe-pero ma---" wala na ayaw na ko pagsalitain

"Dalhin mo sya dito on saturday i want to meet her, okay sweetie?"

"Ok" wala ng argumento baka isipin na naman nila bakla ako! Ay bwisit!

"Sige, pahinga ka na anak." Nagnod na lng ako at umakyat sa kwarto

Pano ba to, eh hindi ko naman girlfriend si maddi, kahit pa sabihin na maganda sya at type ko sya, the feeling is not mutual.

Tawagan ko na nga lang.

Calling Maddi....

"Hello"

'Hello Madz"

"Uy Lemon, napatawag ka?"

"Ah-eh ano" amp*ta kanina napipi ngayon nauutal na ko, may problema na ata dila ko eh

"Ano?"

"My mom saw our picture together, she wants to meet you this saturday, can you come?" Pumayag ka pls

"Sige, kasalanan ko naman eh"

"Sunduin na lng kita sa inyo, ill hung up"

"Okay bye"

"Bye. Goodnight"

Yes!!! Wala nang problema, matutulog na ko..

---------------------------------------------------------------------------------------

Lumipas ang 5 buwan na si Maddi ung kasama ko, pumayag din sya na maging fake girlfriend ko. Nakokosensya ata sa pagdamay nya sakin sa problema nya.

,di nya alam nahuhulog na ung loob ko sa kanya . Ewan, di kasi sya tulad ng iba na habol ng habol, pero sweet sya at mabait.

Papunta ako sa apartment ni maddi, mag-isa lang syang namumuhay dito sa Maynila, sa probinsya ung mga magulang nya dahil agriculture ung bussiness nila. Lagi din ako nagpupunta dito lalo na pag malapit na exam, tinuturuan ko sya ng phil. history, minor subject namin since 2nd year pa lang kami, bopols sya dun, eh ako Math ang weakness ko.. finals na bukas, papaturo daw sya.. excited na ko!!

Pumasok ako dahil medyo bukas ung pinto, may nag-uusap sa loob, si maddi umiiyak?? Di ako mahilig mag-eavesdrop pero nacucurious ako sa usapan nila, lumapit pa ko lalo.

"Maddi, mahal po ba ako?"

"Oo mahal na mahal kita Drew" what the eff mahal nya pa?, all this time!

"Talaga??"

"Ikaw lang ang lalaking minahal ko"

Di ko na kinaya binuksan ko ung pinto, and I saw on my two eyes that they are kissing passionately, lumingon sila sakin at parehong nagulat. Tumakbo ako, p*ta, ang lakas makabakla pero nagustuhan ko na sya eh. Bakit ko ba hinayaan to eh alam ko namang g*guhan lang kami. Ansarap manuntok, BWISIT kayo, tinapakan nyo ung ego ko!!!

*end of flashback*

2 months na since the last time I saw Maddi with her ex--Mali--boyfriend nya, pero dama ko parin ung sakit at di ko narin nabanggit kina mom and dad ung betrayal nya, ayaw ko syang siraan sa kanila kasi kahit pano gusto ko sya, pati ng pamilya ko except kay Niks dahil wala talagang kasundo yun. Besides, fake relationship lang naman un, umasa lang talaga ako.

Ayoko ko na syang isipin, buti na lang hindi ganon kalalim at kaya ko pa syang kalimutan. Simula kasi nung nangyari, hindi ko na sya pinansin, schoolmate ko pero ako na mismo ung lumalayo para hindi na ko masaktan ng sobra.

♪Music Sweetheart♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon