Chapter 4 → New Student

7 0 0
                                    

Teryuil's POV

"Mom? I think kailangan ko ng sasakyan." Ayoko ng maulit yung nangyari kagabi. I admit I'm still inlove with him, pero kailangan kong pigilan dahil baka maulit nanaman yung nakaraan.

"Why baby?" Sabi ni Mom. Sana pagbigyan ako. Tsk. Minsan lang ako humingi ng materyal na bagay.

"Kasi mom kagabi, ang hirap sumakay. Inabot pa ako ng gabi." Pumayag ka, pumayag ka.

"Well then, sasabihin ko sa Dad mo." Yes! Kasi pag si Mom nagsasabi kay Dad, pumapayag agad.

"Thanks Mom, Gottago. Take care." Sabi ko tsaka naglakad na.

Sa school..

"Yow! Tery. Wassup?" Sabi ni Planet. Tss.

"Yow yow mo mukha mo! Umayos ka nga. Tss. Wag mo sirain araw ko." Pagsusungit ko sa kanya at pumunta na ako sa room.

"Tery naman eh. Your so bad sakin, hindi mo ba ako love?" Tumingin ako sa kanya. Pout? Sarap sapakin labi neto.

"Hoy! Fernandez, tigilan mo ko ah?! Ngudngod ko yang nguso mo sa desk mo." Sabay kuha ko ng notes, tsaka review.

"Tigas mo talaga Santos. Pakopya ha? Hahaha." Baliw. Bahala ka sa buhay mo.

"Lul. Mag review ka." Sarap talaga neto asarin.

"Uyy! Girl. May transferee ah? Pogi noh? Hihi.

"Oo girl. Waaa! Heaven."

Rinig kong sabi ng mga kaklase ko. Mangangalahati na yung buwan nung magpasukan, ngayon lang pumasok. Iba talaga.

"Narinig mo yun Tery? Waaah! Sana kaklase natin. Hihi." Tinignan ko siya ng masama at bumalik na siya sa pagrereview.

Haay! Makapag review na nga lang.

-

Drake's POV

"OMG! Bago ba siya dito?"

"Oo girl. Ano kayang section niya?"

"Sana kaklase natin. KYAAA!"

Kakapasok ko lang, nagtitilian na? Iba talaga pag gwapo. Tsk. Di ko na kailangan mag pa humble. Gwapo na kung gwapo. Nasaakin na nga daw lahat sabi ng iba eh. Ako nga pala si Joseph Drake Cojuangco. 19 years old. Gwapo, single, mahilig mambugbog, gwapo ulit. Masama nga daw ako sabi ng mga tropa ko noon, paki ko ba? Ganito ako eh. Papunta na ako sa room, itong mga babaeng toh kanina pa sunod ng sunod.

"Bat ba kayo sunod ng sunod? Gusto niyo bang kalbuhin ko buhok niyo?!" Sigaw ko sabi sa kanila.

"Waaah! Ok lang. I love you. Hihi."

"Oo nga. Hihi."

"Pag lingon kong nandyan pa kayo, sasapakin ko kayo isa isa." Pagbabanta ko. Narinig ko nlng na nagsitakbuhan sila palayo. Tsk. Mga takot pala eh.

Sa wakas nakarating narin ako sa room ko, papasok na sana ako ng biglang umiksena yung matandang prof.

"Ehem, Mr. Cojuangco. Please explain to the class, why you are late?" Damn this old hag. Tsk. Tinignan ko muna siya bago ako tumingin sa klase.

"I am Joseph Drake Cojuangco. New student here. Malay ko bang pagtapak ko palang sa parking lot eh, pagkakaguluhan na ako? Wag niyong isisi saakin kung masyado akong gwapo. That's the disadvantages of being handsome. So Mam., If you don't mind can I have a seat?" Bastos na kung bastos. Ganyan ako eh. Umupo na ako sa vacant seat sa likod ng babaeng mukhang gangster. Ang cold pa tumingin. Maganda pa naman. Tsk.

**

Just leave a Comments & Votes :*

Heartless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon