Drake's POV
Damn that girl. Tsk. Suntukin daw na ako? Bakit ba ganun yun? Parang di babae eh. May pasa na tuloy yung gwapo kong mukha.
"O? Pre? Anyare sayo?" Sabi ni Derf. Tropa ko.
"Wala. Nasuntok lang." Kumuha ako ng Ice bag at inilagay ko sa pisngi ko.
"Sino sumuntok sayo pare? Abangan na ba namin bukas?" Sabi naman ni Tristan.
"Gago. Pumapatol kayo sa babae? Tsk." Nandito kasi ako sa tambayan namin, malapit sa school. Etong mga kasama ko? Mga varsity sa school namin. Kilala nila ako matagal na. Magkaka-klase kami niyan nung 1st year eh.
"NASUNTOK KA NG BABAE TOL?!" Sigaw ni Ryan. Ang ingay ah. Tsk.
"Tss. Oo nga! Paulit ulit ah?!" Parang mga babae eh. Putak ng putak.
"Sinong babae ba yan Drake? Si Heartless Jerk?" Sabi ni Justine. Pinakatahimik at Captain Ball ng grupo.
"Heartless Jerk? Sino yun?" Tanong ni Loise. Co-captain naman ng grupo.
"Si Teryuil Derdem Santos. Di niyo ba kilala yun? Ang weirdo nung babaeng yun. Sayang chicks pa naman." Sabi ni Justine na abala parin sa pagkakalikot ng cellphone niya.
"S-si Tery? Gago! Tao yun!" Sabi ni Loise. Bat ba ganito maka react to?
"Tumahimik na nga kayo! Iingay nyo." Sabay lagok ko ng alak. Tss. Medyo masakit yung suntok nung babaeng yun ah.
"Ano balak mo tol?" Sabi naman ni Tony.
"Wala. Bayaan mo siya. Babae yun, alangan naman bugbugin natin. Kahit papaano may awa pa ako." Sabi ko tsaka tumayo na at nagsindi ng yosi.
"Sumali ka na sa varsity brad! Kailangan ka namin." Sabi ni Derf.
"Tsk. Oo." Sabi ko nlng. Pampalipas oras din, ang galing galing ko maglaro eh.
"Bukas may practice. Ge, una na ako mga tol." Sabi ni Justine, at umalis na.
Kami nlng nila Derf, Tristan, Loise, Ryan, Tony. 7 kaming magto-tropa. Actually, 10 kami. Nagsiuwian lang yung iba.
"Mga tol! Uwi narin ako. Masama pakiramdam ko eh. Kitakits nlng bukas." Paalam ko tsaka lumabas na ng tambayan.
"Drake!" Paglingon ko si Loise pala.
"Bakit brad?" Sabi ko habang naglalakad.
"Wag na wag mong sasaktan si Tery." Sabi ni Loise at saka bumalik na sa loob.
Ano bang meron sa kanila nung babaeng yun? Wag mong sabihing may nakaraan sila? Tss.

BINABASA MO ANG
Heartless Jerk
JugendliteraturKaya mo bang magmahal ng isang taong walang puso? Well, siguro may nagsasabi dyan na 'Oo, mahal ko eh' or iba 'No way!' Bakit nga ba sa panahon ngayon maraming walang puso? Nasaktan sa nakaaran? or Gumaganti? Lahat ba ng taong nakilala mo simula pa...