Chapter 30

3.6K 99 26
                                    

A/n: Yey, naka 30 chapters na ako. Much love everyone!! 

--

Chapter 30: Bomb bomb like a bomb bomb

-

Pag mahal mo, kahit masakit na, kahit sasabog ka na parang bomba sa galit, magpapatawad ka padin. Kasi mahal mo siya.

-

Zecariah Yoo's POV

I kissed her, but I didn't want that to happen. I admit it. Ginawa ko 'yon para sa pamilya ko. Hindi ko man masabi kay Sofia ang katotohanan alam ko sa sarili ko na ginagawa ko yon para sakanila, para sakanya at sa mga kambal. I'm too weak to fight for them, naduduwag ako at hindi ko alam kung bakit, dahil siguro sa alam ko na madali para sakanya na kuhanin ang pamilya ko mula sakin. Nagawa nga niya kuhanin ang kambal dati at alam kong kakayanin din niya yon ngayon.

Nasa kwarto ako namin ngayon, nagiisip ng paraan kung paano niya ako mapapatawad. My Love, my life, my wife, she's mad. Hindi ko alam kung paano. Natulog siya sa kwarto ng mga kambal at sigurado akong galit nga siya sakin.

Kung ba't kasi tatanga tanga ako, kung bakit kasi nagpadala ako sa takot na hindi naman dapat.

Nakatingin ako sa kisame habang nagiisip ng paraan,Sa kaiisip hindi ko na namalayan ang makatulog.

Alas singko ng umaga ng magising ako, hindi din naman ganon kahimbing tulog dahil sa iniisip ko. Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan ung manager ko.

"Manager, di muna ako papasok. May importante lang akong bagay na gagawin" Hindi ko na inantay sasabihin niya, inend ko na agad ung tawag.

Bumangon ako agad at nagtuloy sa kusina namin, tiningnan ko ung ref namin kung ano pwede kong lutuin ng biglang tumunog yung phone ko.

Shine Calling.. 

[How are you lover boy?] Bungad nito saakin agad naman naginit ung ulo ko.

"Pwede ba?! Tigilan mo na ako pati ang mga anak ko. Matuto ka naman tumanggap ng pagkatalo. Hindi moko makukuha Nathalie. Hinding hindi mo na ako makukuha dahil ang puso at kaluluwa ko na kay Sofia at sa mga anak ko lang kaya kung pwede lang tigilan mo na ako. Wala ka ng mapapala sakin"Sabi ko sakanya at agad kong inend yung tawag. Bastos kung bastos. Kahit babae siya, hindi ko siya uurungan.

 Nagsimula na akong magluto, pagkatapos kong magluto ay inayos ko na yung lamesa kumuha ako ng isang post-it at sinulatan 'yon.

Goodmorning wife,

I'm sorry again. I love you.

Love,

Your one and only gwapong gwapong asawa.

Agad kong cinontact ung mga kilala kong artista na pwede akong matulungan. Mabuti nalang pwede sila karamihan sakanila ngayon. Tinawagan ko din si Zyleena para tulungan ako sabi ko siya magaayaya kay Sofia pumunta ng mall mamaya at sana gumana 'tong plano ko.

Nasa mall ako, nakasarado pa naman yon dito ko kikitain ung mga tinawagan kong artista, Nagpost ako pati sa twitter ko na kung sino sa mga fans ko pwede ngayon araw pumunta sa mall na 'to. 

Lumapit ako sakanila.

"Ano ba problema bro? Buti nalang free ako ngayon" Sabi ni Anton at nag bro-fist kami. Kwinento ko naman sakanya yung nangyari. 

Kinausap ko na din yung manager pumayag naman siya, perks of being an artist. 

1:00 pm ng matapos kaming magayos, sandalian lang pero mabuti nalang at maayos padin tingnan. Tinext ko na si Zyleena na pwede na nyang yayain si Sofia.

Sofia Michelle's POV

Maghapon ng andito si Zyleena hindi ko din naman alam kung bakit sya napadalaw. Gumising ako na may pagkain na at si Zam ang gumawa non. Masama padin loob ko sakanya pero kung magsosorry siya ulit papatawarin ko naman siya. 

"Fia, tara mall tayo?" Pagaaya nito saakin. Wala din naman ako gagawin ngayong araw kaya pumayag ako. Nagbihis ako pati na ang kambal ay binihisan ko na din. Kinuha ko na din yung Twin Stroller nila dahil mahihirapan ako kapag naglalakad ung dalawa. 

Sumakay kami sa kotse niya, nasa back seat kami dahil may driver naman siya ngayon. Tinanong ko ulit siya kung bakit siya napadalaw sa bahay. 

"Wala lang, wala ako magawa ngayon kaya naisip kong pumunta sa bahay nyo." Simpleng sabi lang nito. 

Nakarating din naman kami agad sa mall. Ang daming tao mga nagkakagulo. We found love pa yung kanta. 

Habang naglalakad kami biglang may isang babaeng nagsasayaw sa gitna. Tulak tulak namin ni Zyleena yung stroller, yung dalawang bata naman tuwang tuwa sa napapanuod nila. 

Lumapit saakin yung babaeng sumasayaw sa gitna at inabutan ako ng rose, tinanggap ko naman yon. Nagthankyou ako. Naguguluhan man ako sa nangyayari lumakad padin kami ni Zy. Napahinto kami ng may sumayaw na naman na lalaki ng matapos 'tong sumayaw ay inabutan din ako ng rose. 

Sumayaw ulit siya pero padagdag ng padagdag silang sumayaw. Napansin ko yung mga artista sa unahan na nagsasayaw at maski si Anton ay nakita kong sumasayaw din. Kinawayan ako nito kaya nginitian ko siya. Maya maya isa silang lumapit sakin at inabutan ako ng rose. 

Naghiwalay sila at binigyan akong daan sa gitna. Naglakad kami ni Zyleena at nakita ko ung pinakamamahal kong lalaki sa gitna na nakaluhod at may hawak na banner na may nakasulat na "SORRY" 

"Dawddy!!!!" Sigaw ni Zafie ng makita niya ang tatay niya. Naluluha na ako kahit wala pa man siyang sinasabi. 

Inabutan siya ng mic ng kung sino man, napansin ko din madami ng camera ang nakatutok sa amin.

"Hi wife, Alam ko masama padin loob mo saakin. Naexplain ko na sa'yo lahat pero Babe, sana patawarin mo na ako. You're my life, my love, my one and only. I love you so much wife kaya sana patawarin mo na ako. Please?" Nakangiti lang ako sakanya habang sinasabi niya at napahagikgik ako ung sinabi niya na yung please. Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"I love you, kahit ano pang gawin mo na makakasakit saakin papatawarin at papatawarin padin kita kasi mahal kita. I love you husband." Pagkatapos ko sabihin yon ay hinalikan niya ako sandali lang pero sapat na para mapatunayan kong ako padin. Ako padin ang mahal niya. Ako padin ang mamahalin niya. 

They clapped their hands and I hugged him again. 

--

A/N: Long comments please. hahahahha. Happy new year!! <3 

This love will be Forever (NCP Book2- Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon