Prologue

36 5 0
                                    

"There's only two things I'll never forget David, the day you looked at me for the first time and...the last time." she said.

If there's only one thing I could go back, it is the day that I held my arms around your waist, my lips upon your nape, and your hair touching my skin.

I'll never forget the day you said you're mine and the day you said your hardest goodbye.

Akala ko kaya ko na, akala ko kakayanin ko pero isang malaking kalokohan ang kalimutan ka.

Isa sa pinaka-mahirap ay ang kalimutan ang isang taong nagkaroon ng malaking parte sa buhay mo.

"Tara bro bar hopping!"

"Tangina pre ang daming chics, tara nga do'n!"

"Tangina mo HIV abot mo diyan."

Ramdam ko ang epekto ng alak sa sistema ko. Ilang oras na kaming nasa bar na ito at hanggang ngayon ay hindi maubos-ubos ang mga babaeng pinagpipyestahan nina Lope, Paolo, Jam at Darius. Halos lahat na yata ng babae ay nakatable nila dahil sa kasabikan nila sa mga iyon.

Ako naman ay tahimik lang na nagsasalin ng Chivas Regal sa baso ko.

"I'm really out of words man." saad ni Darius na nasa tapat ko, katabi niya ang babaeng sa tingin ko ay nakilala niya lamang sa dancefloor.

Umayos ako sa pagkakaupo at sumandal sa couch na kinauupuan namin.

"I just can't imagine myself begging for her...again." dagdag pa niya. "After what she did."

He's my bestfriend for how many years. We've been in a kind of business wherein our parents thought us on how to manage it. Magkakaibigan rin ang mga magulang namin.

"Girls are such a pain in our ass!" saad ni Lope sa tabi niya. "Come on bro, you have to move on." sabay tapik sa balikat ni Darius.

Rinig ko naman ang pagtawa ng babaeng katabi niya na tila nakikinig sa kung ano mang pinag-uusapan namin.

Alam ko namang sa iisang babae lang nababaliw itong kaibigan ko, at parehas kaming nababaliw sa magkapatid na iyon, ang mga Buenavidez.

Napakalaking lamat ang naiwan ng pangalang iyon sa amin, hindi lang sa akin ngunit pati na rin kay Darius. Alam kong si Liandra pa rin ang nasa isip niya.

At alam ko ring si Giovanna lang ang tanging makapagbibigay ng mga katanungan sa utak ko. Siya lang ang magbibigay-linaw sa magulo kong mundo.

Si Giovanna lang.

"You know what guys, let's just enjoy this night, ang daming babae pre tangina tama na nga 'yang kahibangan niyo sa mga great love niyong hindi na kayo babalikan!" hiyaw ni Paolo sa tabi ko.

Babalik siya, nangako siyang babalik siya.

Mabilis akong tumayo nang maubos na ang mga alak na nakalapag sa table namin. Agad kong tinungo ang dancefloor kung nasa'n sina Darius, Lope, Jam at Paolo.

Hindi magkamayaw ang mga kaibigan ko sa dami ng mga babaeng nakikita nila sa loob ng bar na ito. Kahit madilim at patay-sindi ang disco light ay kitang-kita ko pa rin kung sino ang mga nakakasayaw ko.

"Hey, let's dance!" sambit ng isang 'di ko kilalang babae. Nagpahila ako sa kaniya sa gitna ng mga tao at sumabay sa tugtog habang nilalapat ang kaniyang pang-upo sa gitna ko.

Naghari na ang alak sa sistema ko at halos hindi ko na kayang imulat ng maayos ang mata ko dahil sa epekto ng mga nainom ko.

"You're hot." bulong ko sa kaniya.

"Wanna fuck me?" tumawa na lamang ako sa sinabi ng babaeng iyon.

Maya-maya pa ay siniil niya na ako ng halik kaya wala akong nagawa kundi ang tugunin iyon.

Malinaw sa akin ang katotohanan kung ilang babae na ang dumaan pagkatapos ni Giovanna. Pero sa isip at puso ko, walang makakapantay sa kaniya. Wala ninuman ang makakapantay sa babaeng iyon.

She's exploring my mouth with her tounge. I held her nape and caressed her boobs making her smile devilishly.

"David Willian Collins, I never expected that I would be given a chance to kissed you."

"Yeah, woman."

Pinagpatuloy niya ang paghalik sa akin kahit nasa gitna kami ng kumpulan ng mga tao. Hindi ko na rin alam kung paano ko pa makokontrol ang sarili ko kaya't hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin.

Hindi ko pa rin tanggap.

Hindi nila mapapantayan ang sayang naibigay ni Giovanna sa akin, alam kong siya lang rin ang makapagbibigay ulit no'n sa akin.

I can't get over her.

Iyon ang katotohanan, hindi ko kayang kalimutan ang babaeng minsan ko nang minahal ng sobra, hindi ko kayang ibaon sa limot ang lahat ng nangyari sa aming dalawa.

Hindi ko kayang kalimutan si Giovanna.

Her long brown wavy hair, her fragrant and soft skin, her thick lashes and cherry lips that could make you calm the moment you tasted it.

The way she smiles, the way she talked to me the first time we met each other and how she made me feel so damn special. She's more than a good woman, she's more than anything, she speaks her mind and it awe me a lot.

Ang tagal kong hinintay na sana balang araw bumalik siya, na sana makita niya ako at balikan namin ulit ang mga masasayang araw naming dalawa.

Ngunit tila may kung anong alon ang humampas sa akin nang makita ko ang matatalim na titig niya, agad akong kumalas sa babaeng kaharap ko, ang mapupulang pisngi at ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata ang lalo nagpadurog sa akin, ang pag-iwas niya sa akin at ang mabilis na pagtakbo paalis sa gitna ng kumpulan ng mga tao.

"Jo!"

Hinabol ko siya, binilisan ko ang pagtakbo ko sa gitna ng hilo at sa dami ng taong nakakasalubong ko.

"Jo teka lang, Jo—"

Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Tuluyan na siyang umalis, sa pangalawang pagkakataon ay iniwan niya ulit ako.

Hindi ko alam kung bakit, kung anong mali sa akin.

"David, pre tara na."

"Hindi tangina nandito si Giovanna! I saw her!"

"Oo pre pero tangina umayos ka muna." rinig kong sambit ni Darius sa tabi ko. Nakatuon lang ang tingin ko sa lugar kung saan nawala sa paningin ko si Giovanna.

"Susundan ko siya—"

"Tangina David ganiyan hitsura mo na haharap kay Jo? Ayos ka lang ba?!"

"Pre tara na lasing kana—" hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't buong lakas kong naitama ang kamao ko sa pisngi ni Paolo.

Halos napahiga siya sa lakas no'n at hindi na nakatayo dahil sa pagdugo ng kaniyang ilong. Mabilis siyang dinaluhan nina Jam at Lope samantalang si Darius ay nasa tabi ko.

Lahat ng tao ay nakatingin sa amin dahil sa gulong dinala ko.

Mabilis kong kinalas ang kamay ni Darius sa balikat ko at tinahak ang daan palabas ng bar. Alam kong sinusundan ako ni Darius dahil siya lang rin ang nakakaintindi sa nararamdaman  kong ito.

"Go ahead! Fucking fetch her and let's see if she'll dump you again!" tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa sinabing iyon ni Paolo.

Nothing hurts more than a man waiting for her woman to come back and give him a second chance to make it right, but then decided to walk away.

Nothing hurts more than a heart left wondering why.


I'm Yours, Giovanna (Buenavidez Series 2)Where stories live. Discover now