Chapter 1- Mitsuki and Minata

54 11 4
                                    

Mitsuki’s POV

PINAGmamasdan ko ang mga maiingay na eskinita, mga taong nagkakasiyahan na akala mo ay walang mga problema. Kahit gabi na masigla pa rin sila, pati ang mga tren na paroo’t parito at mga taong tumatawid sa kalsadang may espalto.

Ang usok na nanggagaling sa mga iniihaw na pagkain o di naman kaya sa mga sigarilyo na hinihithit. Iba’t-iba ang mga nararamdaman kong ekspresyon ng mga tao, may malungkot, may masaya, may mga nababaliw, may walang pakialam at mga taong nakamasid mula sa madilim na lugar kataulad ko.

Maganda ang sinag ng buwan ngayon, dahil kahit na madilim na lugar ay mapagmamasdan mo dahil sa liwanag nitong taglay. Makikita mo rin ang mga puno sa may di kalayuan, payapa tanging nakikisabay sa himig ng hangin. Rinig ko din ang lagaslas ng tubig. Ang mga huni ng kuliglig kung gabi.

Payapa ang bayan na akala mo ay walang kalaban na sasalakay. Ngunit sa tingin ko ay mabibigo lamang ang sino mang sasalakay sa lugar na ito. Hindi naman sa tago ito, pero kung susumain mo kahit na nagkakasiyahan at nagtatawanan ang mga tao dito ay alam kong handa ang mga ito sa ganoong klase ng labanan.

Maganda at maayos ang pamumuno sa bayang ito kaya makikita mong may disiplina ang mga tao. Ang mga taong gising pa rin hanggang ngayon iyan ang mga taong naglilingkod sa bayang ito. Ang alam ko ay minsan sa isang buwan kung magkaroon ng ganitong pag-kakataon, ang makapag-liwaliw, magpahinga.

Masasabi kong matatapang ang mga tao dito at pare-parehas ng ipinaglalaban, walang mataas lahat ay pantay pantay. Hindi madaling hanapin ang bayang ito dahil nga napapaligiran ang buong bayan ng chakra o malalakas na enerhiya ay nagiging invisible lamang ito pag nasa labas ka at kailangan mo pa ng permiso para ka makapasok dito. Mas kilala lang ang bayang ito sa pangalan, hindi man nila matanto kung ano ba ang itsura nito sa loob. Kung maganda ba o magulo? Ngunit ngayong nandito ako masasabi kong ito ang pinakamaayos at pinakamaganda ang pamumuno na bayan na nakita ko.

Noong kapanahunan ni ama ay naging estudyante din siya dito. Tinaguriang genius at mahusay ang kaniyang grupo. Subalit nagbago iyon nang tangkain niyang wasakin ang bayang ito at ipasailalim sa kaniyang pamumuno. Kasakiman lang ang hangad noon ni ama, at mas ninais niyang maging immortal kaysa magkaroon ng sariling pamilya.

Wala siyang awa kung pumatay dahil ginagamit niya ang katawan na iyon para maging bata ang kaniyang itsura. Na master din ni ama lahat ng mga jutsu o techniques, kahit na ang ipinagbabawal ay alam din niya. Puwera na lang sa isa na hindi niya napagtutunan, ang technique na ginamit sa kaniya noon ni Ikatlo (Ikatlo, siya ang tinutukoy ko na namuno sa bayang ito).

Masyadong delikado ang teknik na iyon, dahil nakadamay doon ang diyos ng kamatayan na kung sino ‘mang gagamit sa teknik na ito ay magkakaroon siya ng kapangyarihan na kuhanin ang kaluluwa sa kung sino mang nais niya. Kapalit nito ay ang sarili niyang kaluluwa. Sa kasamaang-palad hindi nagtagumpay si Ikatlo dahil naging palaban ang aking ama.

Masama man ang naging nakaraan ng aking ama ngunit hindi iyon naging hadlang para makapag-simula siya ng bagong buhay. Dahil iyon sa isang taong naging liwanag sa madilim niyang buhay. Kaya malaki ang pasasalamat at utang na loob sa kaniya ni ama. Mula noon ay hindi na niya tinangkang wasakin pa ang bayang ito at gawin ang mga pansarili niyang hangad para sa kaniya lamang. Nabuksan ang kaniyang pang-unawa na hindi lamang sa kasamaan naka-angkla ang kaniyang buhay, dahil habang may buhay ay may pag-asa.

Kaya pag natagpuan ko na ang taong iyon, hindi na ako magaatubili pang lapitan siya at maging kaibigan niya. Kanina nung maghahapon ay nakatayo ako sa bubong ng ‘Ninja Academy’ na papasukan ko. Inayos na ni ama lahat ng kailangan ko para makapasok sa eskwelahang iyon. Nakatunghay ako sa mga magiging kaklase ko, mukhang masasaya naman sila at malalapit sa isa’t isa. Ang isa sa mga iyon ang Araw ko.

When Moon and Sun Collide [Book 1]Where stories live. Discover now