Prologue

14 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

●●●

"Ma, ako na po dito.."


Kinuha ko ang plato kay Mama at nilagay sa gilid ng mataas na mesa na palagi naming ginagamit kapag may fiesta.

"O sige.." tumalikod siya para kunin ang iba pang ulam.

Nakahanda na ang bakuran namin para sa fiesta ng bayan, maraming mga tao ang dadalo rito dahil marami rin ang inimbita ni Mama. Inimbita niya rin ang mga kasama ni Papa sa opisina niya pati na rin ang mga kaklase ko noon.

"Mama Denicey!" Napalingon kami ni Mama sa sumigaw at nakita ko ang mga kaklase at kaibigan ko noon.

Para silang tren na walang tigil sa pagmano kay Mama dahil sa dami, paano ba naman, e halos yata lahat ng kaklase at kaibigan ko ay kaibigan na rin ni Mama. Parang teenager!

"Gli!" Sigaw ni Elva---my gay friend!

"El!" Sinalubong ko siya ng yakap, how I missed him.

"Namiss kita beh, club tayo soon." Tumili siya at niyakap na naman ako.

"Andito na si Papa Mayor?"

Luminga siya sa paligid para hanapin si Papa, umiling ako.

"Wala pa e, may ginagawa pa pero sigurado andito na 'yun mamaya."

Marami pa ang tumawag sa akin galing sa mga kaibigan ko, kaya ngumiti ako at niyakap sila isa-isa.

"Girl, bonding na tayo magbabarkada! Ka miss!" Sabi ni Harlinne at pinalo ang pwet ko. Pinalo ko rin ang pwet niya at tumawa bago nagsalita.

"O sige na! Sagot ko ang foods." Tumawa ako at nilingon si Sanya.

"Sa wakas, may friend na tayong doktora! Libre na ang check up.."

Umiling nalang ako ng kinantyawan nila ako.

"What the hell? May bayad 'yon noh!" Sabi ko naman.

"Girl, alaws kami pera!" Nagsitawanan ang lahat sa sinabi ni Brea.

"Ang bigatin na nang mga kaibigan natin, beks. May engineer, doktor, architect, attorney, may sewardess, may pulis, may CEO ng kompanya at syempre may nakabingwit ng italyano!" Turo ni Elva sa kaibigan namin na si Caytlyn na may jowang amerikano.

Tumawa kami ng hinampas niya si Elva ng bag niya.

"Tingnan mo 'te, hinahampas lang ang Louis Vuitton na bag. Bigatin naman!" Komento ni Sasha.

"Sinabi mo pa!" Tumawa kami.

"Magtigil nga kayo! Bigatin na tayong lahat, umaakto kayo na parang hindi pa rin mga milyonaryo!" Sarkastikong sabi ni Caytlyn at halatang pikon kaya natawa kaming lahat sa kaniya.

"Teka, nasaan na ba ang iba sa atin?"

Luminga si Veny at tiningnan kaming lahat habang nagbibilang.

The Stars That Behold Our Fall (Fall Series #1)Where stories live. Discover now