•••
"Nasaan na ba ang mga 'yon?" Inis na tanong ni Sanya habang inaayos ni Brea ang buhok niya.
Napatingin ako sa entrance. No signs of them.
"Naiinip na ang tour guide natin, oh! Ang tagal nila!" Reklamo ni Elva habang si Harlinne at Yvonne naman ay nakatingin sa cellphone para tawagan ang iba.
"Oh, Luca? Nasaan na ba kayo? Naiinip na kami dito!" Bungad ni Harlinne.
"Hoy, Caytlyn. Bilisan niyo na nga." Sabi rin ni Yvonne habang kausap si Caytlyn.
"Bumibili pa daw ng snacks." Ani ni Harlinne nang ibaba niya ang phone.
Paglipas ng tatlong minuto ay nakita na namin ang boys kasama si Caytlyn sa entrance na may dalang mga bag at paperbag.
"Hi!" Masayang bati ni Caytlyn.
"Pasensiya, natagalan kami, andaming customers don!" Paliwanag naman ni Audin.
"Eto oh.." Inilahad ni Trey sa akin ang isang paperbag kaya nagpasalamat ako at tinanggap iyon.
"Andito na po ba ang lahat?" Biglang tanong ng tour guide namin kaya tumango si Veny.
Sinimulan ng tour guide ang pagpapaliwanag kung ano ang kailangan naming gawin pag-akyat sa bundok.
Napatingin ako sa taas ng bundok, hindi naman masyadong mataas at mukhang kaya namang akyatin.
"Magsimula na po tayo," Nauna siya sa paglalakad at sumunod sina Jisu, Luca at Audin. Kasunod naman nila ang lahat ng girls habang nasa likuran ako at kasunod ko sina Trey, Caius at Asher.
May iilang mga magagandang puno at bulaklak kaming nadadaanan kaya humihinto kami pansamantala para magpahinga doon at kumuha ng mga larawan.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at dinig na dinig ko naman ang pinag-uusapan ng tatlo sa likuran ko.
"Witty nun, bud." Komento ni Trey kaya napatawa si Caius at Asher sa sinabi niya.
Hinihingal ako kaya inabot ko ang water bottle ko sa gilid ng bag ko kaso hindi ko maabot kaya tinulungan ako ni Caius at inabot sa akin iyon.
"Thanks,"
Kinuha niya naman sa akin pagkatapos kong uminom at siya na ang naglagay sa gilid ng bag ko.
Habang naglalakad ay napatingin ako sa dinadaanan namin, creepy kase medyo madilim ang parte doon at ang tahimik pa namin kase required daw na tahimik lang habang umaakyat ng bundok na 'to. Ewan kung bakit.
I sighed when I noticed something creepy again. Tumingin nalang ako sa dinadaanan namin at habang naglalakad ay muntik na akong matumba dahil sa isang bato, mabuti at nahawakan ni Caius ang braso ko.
"Salamat!"
"Quick ng reflexes, ah.." mahinang bulong ni Asher pero narinig ko pa din.
Narinig ko naman ang mahinang mga reklamo ni Elva sa harapan habang mahina ding tumatawa sina Sasha at Caytlyn.
Mahigit isang oras na kaming naglalakad at laking pasasalamat namin ng marating na namin ang itaas ng bundok.