"Luardes, Hallier Vianna I." Umakyat na ako sa stage para kunin ang award ko.
Si Ms. Sullaman ang nagsama at naglagay nang medalya sa akin. Hindi ko sinabi kina Mom and Dad 'o kahit na sa ate ko na top students ako. Hindi ko sinabi nila Mom kasi alam ko na dadalo sila sa seremonyas ni ate. Graduate na Kasi si Ate nang secondary at magco-college na kaya Hindi ko na sinabi sa kanila.
Alam ko naman kasi na 'dun sila Kay ate kasi nga ga-graduate kaya ano pang saysay ko ehh top 1 students lang naman ako. Si ate top 1 at graduate pa kaya hindi ko na sinabi sa kanila.
"Hoy!" Napukaw ako nang bigla akong niyugyug ni Louisse. Nandito Kasi kami ngayon sa Mall. Tapos na Ang awarding kaya napagpasyahan namin na magshopping. Naka-upo kasi ako dito sa couch habang naghihintay sa kanila. Nagpa-ayos kasi sila nang buhok.
" 'O tapos na kayo?" Tanong ko pa at saka tumayo.
"Hay nako... Ito talaga'ng si Havi 'o! Lutang na naman. Kanina ka pa namin tinatawag 'no!" Sabat pa ni Annah.
"A-Ah sorry... May... I-iniisip.. oo! May iniisip lang." Sagot ko pa.
"Hav.. mga nitong nakaraang week ganiyan kana palagi... Palagi kana lang lutang.." malumanay na pahayag ni Novah.
"Right Hav.. Mind to share?" Tanong pa ni Aliz.
Sasabihin ko ba talaga sa kanila Ang tungkol sa family issues namin. One week na ang nakaraan simula nang marinig ko sila Mom sa study room.
At nitong mga nakaraan araw na nakalipas 'pansin kong hindi na sila masyado'ng nagkikibuan. Pero umaasa parin ako na maayos nila Ang kung ano mang problema bago pa Ito namin malaman ni Ate.
"Wala lang.." sagot ko at inaya silang lumabas na sa salon.
Nagshopping lang kami nang ilang mga damit since summer na. Balak kasi nila'ng magsummer daw kami sa ibang bansa. Pero ang sabi ko magpapaalam pa ako kaya hindi na nagsalita pa. Balak kong hindi na sasama kasi may family problem ako. Hindi ko kayang umalis nang may galit sa isa't-isa sila Mom and Dad. Tiyak ko'ng maiintindihan Naman siguro ako nila.
Nagsummer din kami last vacation 'dun sa Maldives. Kasama dun Ang mga kapatid namin pero wala kaming kasama na magulang kahit isa.
"So saan tayo?" Tanong ni Annah nang kumain na kami sa isa sa mga kainan dito sa loob nang mall.
"Depende.." sagot naman ni Louisse.
"I suggest.." salita pa ni Aliz.
"Sige ikaw magsuggest.. saan?" Tanong pa ni Annah.
"I think.. it's better in Palawan or Boracay..right?" Sagot pa ni Aliz.
"Nakapunta na ako diyan eh.." reklamo pa ni Novah.
"Pero hindi pa kami nakapunta.. pwede'ng wag ka na lang sumama.." sagot pa ni Annah.
"Annah!" Galit na tawag ni Novah.
"Ano?!"
"Tumahimik na nga kayo!" Saway sa kanila ni Louisse.
"Right! Why would we go to other country for summer vacation if we have here... Here in the Philippines.." biglang Sabi ni Aliz.
Natahimik naman sila Annah at Novah.
"Hahahaha" tawa ko pa. Napatingin sila sakin." Wala...Ang cute niyo!"pasisinungaling ko.
Natawa lang talaga kasi ako dahil bigla silang natahimik nang englishing sila ni Aliz. Ang cute lang!
"Whatever." Sabay sabay na sabi nila.
YOU ARE READING
The Dance In The Moonlight
Teen FictionYour my first dance. And you will be my last dance. ~Havi