PUNO man ng takot at pangamba ang dibdib ni Calley, wala na siyang pagpipilian kung hindi tanggapin ang trabahong ibinigay sa kan'ya ni Lynette. Ang ibenta ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera.
Labag man sa kanyang kalooban, wala na siyang pagpipilian. Kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang Nanay na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit. May brain tumor ito at kailangan ng agarang operasyon.
Ulila na siya sa ama at wala rin siyang kapatid. Kaya't kung mawawala pa ang kanyang ina, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin.
Ilang sandali pa, nakarinig siya ng paglagatik ng pinto, senyales na bumukas iyon. Sumunod ay ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan niya.
Tumahip ang dibdib ni Calley habang pinakikiramdaman ang paligid. At dahil tanging karimlan lang ang nakikita n'ya sanhi ng piring sa kanyang mga mata, hinintay na lang niya ang susunod na mangyayari.
"There you are woman..." saad ng tinig na sa tantiya n'ya ay nanggagaling sa kanyang harapan.
Hindi malaman ni Calley kung bakit kakaiba ang dating sa kan'ya ng tinig nito. Namamaos iyon at walang kasigla-sigla. Naging malungkot tuloy iyon sa kanyang pandinig.
Hindi ba dapat ay masaya ang tinig nito? Dahil heto siya sa harapan ng lalaki na tanging mata lang ang nababalutan ng tela. Bukod doon ay wala na.
Mayamaya'y napakislot si Calley nang maramdamang lumundo ang kama kung saan siya nakaupo. Matapos niyon ay isang mainit at malambot na palad ang humaplos sa kanyang pisngi.
"What's your name, woman?" tanong nito sa pareho pa ring tono-malungkot.
"C-Camille."
Sinadya niyang baguhin ang kanyang pangalan. Ayaw niya kasing makilala pa siya ng estrangherong kasama niya ngayon. Mahirap na, baka makarating pa iyon sa mga nakakakilala sa kaniya.
"Camille..." pag-uulit nito sa sinabi niya, "How would you feel if the person you loved more than your life, betrayed you?"
Iyon na yata ang pinakamalungkot na tinig na narinig ni Calley sa tanang buhay niya. Hindi niya mawari kung bakit, pero ang kaba, takot, at pag-aalala na kanina lang ay bumabalot sa kan'ya ay biglang naglaho.
Pakiramdam niya, gusto niyang haplusin ang mukha ng hindi nakikitang lalaki. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nararamdaman din niya ang lungkot na pinagdaraanan nito.
Nang hindi siya tumugon, narinig niyang bumuntong-hininga ang lalaki. Kasunod niyon ay ang mahinang paghikbi at pagsinghot-singhot.
Umiiyak ba siya?
Calley doesn't know why pero tila may sariling isip ang kanyang mga kamay na basta na lang kumilos. At bagaman nakapiring ang kanyang mga mata, sinikap niyang mahawakan ang mukha nito upang alamin kung umiiyak nga ito.
At nang magtagumpay na haplusin ang pisngi nitong basa na sa mga luha, bigla itong yumapos sa kan'ya at humagulhol sa kanyang dibdib. Tila naman dinudurog ang puso ni Calley dahil doon. Nakaramdam siya ng awa at simpatya para sa lalaking hindi niya nakikita.
Hinayaan lang ni Calley na umiyak ang estrangherong lalaki sa kanyang kandungan. Para kahit man lang sa paraang 'yon ay matulungan niya ito.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit lubos siyang naapektuhan sa paghagulhol nito. Pakiramdam niya, may kung ano sa loob niya ang nagnanais na pawiin ang sakit na nararamdaman nito...
Pakiramdam niya, handa siyang gawin ang lahat para sa lalaking kasama niya ngayon...
Pakiramdam niya, may binuhay itong damdamin sa kanyang puso.
"Is it possible to love someone whom you had been with for a single night?" piping tanong ni Calley sa kanyang sarili.
Posible nga kayang makaramdam siya ng ganoon sa isang lalaking tanging boses lang ang naririnig niya?
Posibleng kayang magmahal sa isang taong nakasama lang ng isang gabi?
Posible kaya?
Hanggang mayamaya ay tumigil ito sa paghagulhol. Matapos niyon, naramdaman niyang marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi.
"Thank you, Camille..." masuyo at sinserong wika nito, "Now... Can you be mine tonight?" Nakiki-usap ang tono nito nang sabihin 'yon kasabay nang marahang pagpisil sa kanyang baba.
Namalayan na lang ni Calley na tumango siya bilang tugon. Matapos niyon, naramdaman na lang niya ang mapusok na pagkilos nito sa hubad niyang katawan.
"Anyway, I'm Z. And I'm sorry for your blindfold. That's for your own good, woman..."
BINABASA MO ANG
BEHIND THE BLINDFOLD
Romance"Anyway, I'm Z. And I'm sorry for your blindfold. That's for your own good, woman..." •••• Dahil sa kanyang inang nasa ICU, naipilitan si Calley na ipagbili ang kanyang sarili kahit labag sa kanyang kalooban. Sa loob ng isang gabi, nakasama at naang...