Chapter One

201 11 19
                                    

CALLYX, come here. Ready na ang food mo,” pagtawag ni Calley sa kanyang apat na taong gulang na anak na si Callyx. Nasa kusina siya noon at katatapos lang ihanda ang lunch nilang mag-ina.

Nang hindi sumagot ang anak, binitiwan niya ang kutsarang hawak saka dali-daling nagtungo sa sala. At doon, naabutan niyang tutok na tutok ang paslit sa panonood ng favorite cartoon nitong Mr. Bean, habang nakasalampak sa sahig na may kulay kremang tiles.

Marahang nilapitan ni Calley ang anak pero hindi pa rin siya nito napapansin. Nakatalikod kasi ito sa gawi niya. Kaya naman habang nakatutok ito sa pinanonood ay tumalungko siya sa likuran nito at pasimpleng ninakawan ng halik sa pisngi.

“Huli ka!” bungisngis ni Calley sa anak sabay yakap sa baywang nito.

“Mama!” bulalas naman ni Callyx na sinabayan ng pagtawa. Napangiti naman ng malapad si Calley. Talagang napaka-cute ng kanyang anak lalo na kung tumatawa. Lumilitaw kasi ang dimples nito sa magkabilang pisngi.

Niyakap niya ang paslit saka kinarga mula sa pagkakasalampak sa sahig. May kabigatan si Callyx dahil medyo malaman ito subalit madalas pa rin niya itong kargahin. Iyon din kasi ang gawain ng musmos kapag naglalambing sa kaniya. Aside from that, malaking bata rin ito, para na itong anim na taon kung pagmamasdan.

“Kanina ka pa tinatawag ni Mama. Hindi mo ako pinapansin,” malambing na saad niya sa anak  “Kakain na tayo, baby,” aniya pa sabay sulyap sa telebisyon.

Hindi pa natatapos ang pinanonood nito kaya naman hindi mapuknat-puknat ang paningin ng anak niya roon. Pero mayamaya rin ay nilingon siya nito at matamang pinagmasdan.

Kumunot naman ang kanyang noo; nagtataka. “Why, baby? Nagagandahan ka ba kay Mama?” nakangiti niyang tanong sabay abot ng remote ng TV na nakapatong sa estanteng malapit sa kaniya.

Pasimple niyang ini-off ang flat screen TV gamit ang kanang kamay, habang sa kaliwa naman ay buong pwersa niyang karga si Callyx.

Ayaw kasi niyang sanayin ang anak na nanonood habang kumakain. Palibhasa ay tinuruan niya itong kumain nang mag-isa, kaya gusto niyang tutok ito sa pagkain para walang masasayang.

“Mama, may daddy po ba si Mr. Bean po?” inosenteng tanong ng anak kay Calley. Tuwid na itong magsalita kahit four years old pa lang ito, bagaman paminsan-minsan ay nauutal-utal pa rin.

Tila may kung anong bagay ang sumipa sa kanyang dibdib nang marinig iyon. Alam na kasi niya kung saan mapupunta ang usapan nila ng kanyang anak. Natitiyak niyang sunod na nitong tatanungin ang daddy nito.

Bumuntong-hininga muna si Calley saka pilit ngumiti sa harapan ng paslit. “Of course, baby! Lahat ng baby na kasing cute mo, may daddy!” Itonodo pa niya ang pagngiti para itago ang lungkot nararamdan ng mga oras na ‘yon.

I'm really sorry, Callyx...

Inusal ni Calley ang mga katagang ‘yon habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ng kanyang anak. Nahihirapan siyang aminin sa musmos ang katotohanan tungkol sa ama nito. Alam n‘yang masyado pa itong bata para maintindihan ang lahat.

Tumitig sa kan‘ya si Callyx na tila nag-iisip, pero mayamaya rin ang ngumiti. “I-Ibig sabihin po ba, Mama, m-may daddy din ako po?” nauutal pang tanong nito sa napakainosenteng tono.

Nakagat ni Calley ang pang-ibabang labi saka muling inilapag ang anak sa sahig. Nakaramdam na rin kasi siya ng pangangalay ng braso sa bigat nito. Matapos niyon ay lumuhod siya sa harap ng anak upang magpantay ang kanilang mga mukha.

Nakangiti si Callyx sa kan‘ya. Tila excited sa kanyang isasagot. Lalo namang bumigat ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang walang muwang na anak. Pakiramdam niya, dinudurog ang kanyang puso sa t‘wing nakikita niyang sabik itong malaman ang lahat ng tungkol sa ama.

BEHIND THE BLINDFOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon