Part Three

8 1 0
                                    

Makalipas ang ilang araw naging abala na si Ysabelle sa La bella Potion. Ang kanyang beauty store na may isang taon na ring nakatayo. Culinary ang tinapos niya, bagaman nasa pagkain ang nasabing kurso ay hindi yun naging hadlang upang maitayo ang La bella Potion. Lumaki syang nasusunod ang lahat ng hilingin niya sa magulang. Lalo na sa daddy niya noong nabubuhay pa to. Konting lambing niya dito ay bigay agad ito kahit na minsan alam niyang wala naman ito sa hulog talaga. Pero ng mamatay ang daddy niya ay para bang nag iba ang ihip ng hangin naging mas responsable sya. At dahil sobrang avid fan siya ng mga natural products naisipan niyang mag formulate ng sarili ng lipstick at liptint. Naging hit ito sa masa dahil maski siya ay yun na ang ginagamit at dahil kilala din naman ang pamilya sa lipunan mabilis na nagboom ang business niya. Hanggang makalipas ang anim na buwan ay naisipan naman niyang mag formulate ng sabon na gawa sa natural na kalamansi at kamatis. Naiisip niya kasing sobrang hibang ang ilan sa mga kaibigan niyang magpaputi pero nasusunog daw ang balat kapag kojic soap ang gamit. Hindi daw kasi sapat ang puro paturok lang ng gluta dapat may maintenance daw daily. Halos 2 months bago niya nailabas sa market ang product niya kasi tinest muna niya ito sa sarili at sa dalawang house helper niya. At patuloy na nadagdagan pa ng ibang uri ng sabon, toner, lip scrub atpb.

"Ay mam Ysay good morning po andito na pala kayo." nakangiting bati ni nadja sa kanya, ang store assistant niya.

Ysay ang tawag sa kanya ng marami tanging ang pamilya Alcantara lang ang tumatawag sa kanya ng Belle panaka naka dahil si Patrick talaga ang tumatawag sa kanya non.

"Good morning Nadj, nag check na ako ng orders online. And may order si Mrs. Sy na 50,000 pcs ng Tomato kalamsi coap natin. Ano bang balita sa production?" aniya

"Mam sabi po ni Mang nick yung driver na galing sa warehouse nasa 200,000 soap product ng tomato calamansi daw ang idedeliver tonight. Pwede na po natin agad iprocess and delivery kay Mrs. Sy after mai-pack yon." paliwanag nito.

"okay thank you nadja." nakangiting sagot niya dito saka sya dumiretso sa opisina.

Nakaupo siya ngayon at iniisip si Patrick. Umalis ito sa party ng di niya namamalayan. Ayon sa mama nito ay mukhang nagtatalo ito at ang kasintahan kaya hindi na nakapagpaalam. Naiinggit siya sa babae dahil pinili sya ni Patrick kaya nga nakalimutan nitong kaarawan niya ng araw na yun at di na nagpaalam.

"kring kring" biglang tunog ng cellphone niya na nagpahinto sa kanyang muni muni.

"Yes hello!"

"My belle! Sorry I wasn't able to tell that we're leaving when it is your birthday. You know samantha's mood right?" si patrick na nasa kabilang linya.

"I understand Patrick. You don't have to say sorry" walang gana kong sagot.

"Come outside please". Sabi naman ni pat.

"Why?" Tanong ko bagaman may oag aalinlangan ay nawalang parang bula ng muli itong magsalita.

"Please belle c'mon come outside, love don't hate me okay? Mama will also get mad."

Palabas na ako ng Shop ng sumalubong sakin ang isang dosenang flower baskets.
At tatlong dipa mula sa shop ay namataan niya si patrick na may hawak na isang galon na Ice cream. Strawberry ice cream to be exact, her favorite. Kinikilig man ay pilit kong tinago sa pag ngiti.

"Ano to pampalubag loob? Kaya nagagalit sakin si Samantha kasi ganito ka sakin eh. Na dapat sa kanya mo lang ginagawa"

"Nope! correction sayo ko lang to ginawa at ginagawa at gagawin. Because you'll always be my belle, my pet, my sweetheart and my love." sabi nito sa mapanuksong tingin.

"Patrick" nahihiyang tawag niya dito. At bigla naman nitong binuka ang mga braso hudyat na para lumapit sya dito at bigyan ito ng power hug. At di naman niya ito binigo.

"Kaya walang nanliligaw sakin eh. Kasi iniisip nila may boyfriend ako at ikaw yun. Bigla ka na lang kasing sumusulpt dito. Akin na nga tong ice cream baka matunaw na eh. Tara sa loob papasukin kita kasi hindi na ako galit. Haha" yaya niya.

"Next time sweetheart, I have a meeting at 2 in the afternoon talagang sinadya lang kita dito.And dapat lang na matakot sila kung di ka nila tatratuhin ng katulad ng ginagawa ko e wala silang karapatan sayo" paliwanag naman nito.

Nalulungkot man ay masaya pa rin siya sa kaisipan na nagagawa nito sa kanya ang mga ganong bagay kahit na alam niyang may commitment na ito sa iba. Umaasa tuloy ang puso niya sa ganitong mga pagkakataon.

"Bye Patrick, and thank you for all of these. Magpapatayo na din akong flower shop"

"You bet" sabi nito habang kumakaway papunta sa sasakyan nito.

Hanggang Kailan?Where stories live. Discover now