99

17 1 0
                                        

Gray's Pov

Ibinaba ko ang cellphone ko sa pagkadismaya. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala naman akong nakikitang bahay dahil halos mga convenient store at iba pang mga shop ang nasa gilid nitong highway.

Sa mga nabasa ko sa mga chat niya ay nagtaka na talaga ako. Tch, hindi ko man lang siya naintindihan. Wala na nga akong ideya kung nakikipagbiruan pa siya sa akin o purong katotohanan na ang lahat ng nababasa ko. Hinahaluan niya lang ng biro para hindi masyadong halata.

Nakauwi na kami sa bahay at naupo ako sa sofa. Napansin ata ni mama na parang hindi man lang ako natutuwa sa binili naming tuxedo.
"Gray, bakit ganiyan ang hitsura mo? Wag mong sabihing hindi ka masaya sa pinili mong tuxedo?" Tiningnan iyon ni mama habang marahang pinapagpag ang navy blue kong tuxedo.

"Parang ayoko na pong umattend ng prom" naboboring na sabi ko.

"HA? Wag mong sabihing dahil yan sa hindi pagsipot nung date mo sa practice niyo?" Aligagang tanong ni mama. Feeling ko unti na lang at aandar na naman ang pagka-machine gun ng bunganga niya.

Napahimas na lang ako ng batok. Tss, magsisinungaling pa ba ako eh halata na ni mama. Isa pa, si Red lang naman talaga ang gusto kong makapartner sa prom. Totoong dati ay biro lang ang pang-aalok kong prom date sa chat dahil alam ko namang crush niya talaga ako. Pero habang nagtatagal ay nagiging totoo na yun lahat. Ayoko lang sigurong umamin dahil sa pride ko.

Red Gonzalez is active now

Gray Mendoza
Hindi ka na ba talaga aattend?

Red Gonzalez
👍

Yang emoji na yan. Isa pa yan sa pinagtatakahan ko kasi ever since parang wala sa bokabularyo niya ang pagl-like sa mga message ko. Madalang na rin kung dumaldal siya. Kahit na nandun pa rin ang kakulitan niya, halata kong may itinatago siya. Ilang linggo na lang rin ay completion na kaya bakit niya palalagpasin ang practice?

Eh masyado siyang bobo para sa pag-mememorize sa anumang mga bagay. Nakakainis nga dahil lagi pa siyang nagpapaligoy-ligoy sa mga sinasabi niya. Lately, ang weird na rin ng mga nare-recieve kong chats sa kanya. I know that she's really cheesy, pero sa ngayon mas lumala pa siya.

Argh. Unti na lang talaga at tatanungin ko na si ma'am kung bakit talaga siya absent for two weeks.

ILANG araw ang lumipas ay hindi na talaga sumilit si Red. Ni hindi ko matanong si Kaye dahil umiiwas rin siya sa akin. Na-corner ko naman sana siya pero di niya naman sinasagot ang mga tanong ko. Para ngang nakikita ko sa mata niya na iinutos yun sa kaniya ni Red. Nakahingi ako ng info tungkol sa address nila pero nang pumunta ako roon ay wala akong maabutang tao. Isinama ko pa ang mga barkada ko para makapagtanong pero sinabi lang nila na matagal na silang hindi umuuwi sa bahay.

May mga nagsabi na baka lumipat na sila. Pero osa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Two weeks ago pa lang ang nakakalipas ay may ambulansiyang sumugod. Pagkatapos nung insidenteng iyon ay yung padre de pamilya na lang ang nakikita nilang bumibisita sa bahay nila.

Kinabahan ako sa nalaman. Dahil dun ay nagmadali akong sumugod sa pinakamalapit na hospital. Nagtanong-tanong ako kung may naka-admit ba roong Red Gonzalez pero wala akong napala. Pinilit ko pero hindi daw nila ipinapaalam ang ibang confidencial patients.

Umaasa pa rin ako na darating siya sa panahon ng prom namin.

"Gray! Ayusin mo nga yang itsura mo!" Sita ni mama saka ko lang naibalik ang atensyon sa kaniya. Kasalukuyan kaming pinipicturan ni mama habang kapit na kapit sa braso ko si Lyka na parang linta.

Ngumiti ako pero mas nainis lang si mama. Wala akong naging reaksyon kahit pinaulanan ako ng rap ni mama. Dinipensahan naman ako ni papa pero wala talaga sa kanila ang atensyon ko. "Si Red ba?" Biglang tanong ni Lyka. Napalingon lang ako sa kaniya. Naalis din yun ng biglang sumulpot si Kaye. Iniwan ko siya at hinigit ang braso niya.

"Si Red?" Tanong ko.

Gulat siya pero halatang pinipilit niya lang ngumiti. "S-si Red? Tss wag kang mag-alala! Nandito lang siya" pagkasabi niya nun ay agad akong naaligaga. Agad akong naglakad ng mabilis, narinig ko pa nga si mama na tinawag ang buo kong pangalan. Wala akong pakialam kung pagtawanan nila ako ngayon. Dahil nagsasayawan ay nagkukulayan ang mga ilaw. Masyado ring malakas ang music kaya humalo pa ito sa kabang nararamdaman ko. Kahit alam kong napaka-crowded, hindi ko iyon alintana dahil iniisip ko si Red.

Nabigo ako sa paghahanap sa kaniya. Nakarating ako sa tahimik na hallway habang walang tigil sa kakahilamos ng mukha. Unti-unti na akong nadidismaya dahil sobra akong nag-expect na talagang nandito siya. Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya dali-dali ko itong kinuha.

Lyka Antonette
10:15 pm
Gray asan ka na?

Lyka Antonette
GRACIANO!!

In-ignore ko lang yun at inisip ko si Red. Sakto at online siya. Dahil walang tigil pa rin si Lyka sa kakasend ng message, blinock ko agad siya. Wala akong pakialam.

Gray Fernandez
Hoy Red asan ka?
Seen

Gray Fernandez
Sumagot ka!
Seen

May napansin akong tumunog sa paligid. May nakita akong nakatayo di kalayuan sa akin. Naka-on ang screen niya kaya nakita ko ang itsura niya. Di man malinaw, malaki ang kutob ko na si Red iyon.

"Red! Hoy Red saglit lang!" Sigaw ko habang hinahabol siya. Malayo na ang napadpad namin. Nakarating kami sa may parking lot. "Red! Bakit mo ba ako nilalayuan?!" Sigaw ko pa. Huminto siya sa may gitna pero mga ilang metro pa ang kailangan kong takbuhin para tuluhan siyang maabutan. Malapit na ako at mahihigit na ang braso niya ng may van na huminto sa harap niya. Kusa siyang pumasok at humarurot ito bago pa man ako tuluyang makarating.

Hindi ko talaga siya maintindihan.

Gray Mendoza
Red

Gray Mendoza
Ano bang problema?
Seen

Gray Mendoza
Sagutin mo naman ako oh
Seen

Red Gonzalez
Sorry

Red Gonzales is active a minute ago

When We Start Chatting Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon