Gray's POV
Red Gonzalez is active a week ago
Hindi ako nag-chat sa kaniya dahil sa sama ng loob. Ni hindi ko nga siya kinamusta. Ayoko ng makipag-usap sa kaniya through chat, gusto ko siyang makausap ng personal. Sobra talaga akong naiinis sa inasal niya last week. Paano niya nagawa yun sa akin? Bakit hindi man lang siya huminto para kausapin man lang ako? Pinapaisip niya ba ako kung anong iniisip niya? Bakit pati si Kaye ayaw akong sagutin ng maayos?
Halos mabaliw na ako sa kaiisip. Wala man lang siyang pakialam sa akin.
ARAW ngayon ng completion. Balak kong kumprontahin si Red sa mga ginawa niya sa akin. Sasabihin ko sa kaniya lahat ng kinaiinisan ko sa kaniya. Wala na akong pakialam kung magsimula man yun ng gulo. Wala na rin akong pake sa sasabihin ng mga kaklase namin. Ang gusto ko ay makausap siya.
Nakapwesto na kami sa mga upuan. Nandito na ang lahat ng mga completers pero napansin kong bakante ang upuan ni Red sa unahan. Naguluhan kami pero ni hindi man lang nagtaka si Madam kung bakit may kulang na isa. Kasali naman si Red sa list of completers hindi ba? Pero bakit parang sa inaasal ni madam ay expected na niya iyon?
Napakasinungaling niya. She said she'll be absent for a week or two. Tsk halos one month na siyang hindi nagpapakita sa akin! Naalala ko pang sinabi niyang ibibigay niya sa akin ang address ng residency nila pero hanggang ngayon walang nagyayari. Naghintay ako ng ilan pang mga sandali pero hanggang sa matapos ang seremonya.
"Anak, hindi ka na magpapapicture kasama ang mga kaklase mo? Remember, this would be the last time-"
"Nawalan na po ako ng gana. Sorry mom" walang gana kong sabi. Malapit na ako sa gate ng mapansin kong umiiyak si Kaye. Nakunot ang noo ko kaya nagmadali ako para malapitan siya. "Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kaniya. Humarap siya sa akin at umiling-iling lang habang yakap ang mga award niya. Hindi ko na alam ang nangyayari kaya pati ako ay naiiyak na rin.
"Sagutin mo na kasi ako Kaye! Ano bang nagyayari?! Wala na akong kaalam-alam!" Galit na sabi ko sa kaniya.
"Gusto kong sagutin ang mga tanong mo. Hindi mo lang alam kung gano kahirap kimkimin ang lahat ng to pero nagako ako!" Tugon niya. Himawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at kinompronta siya. "Tungkol ba to kay Red?! Sumagot ka!"
Sa ikalawang pagkakaktaon ay iniyakan niya lang ako at umiling-iling. Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Pinahid niya ang mga iyon at kumalas para makadistansiya. Dumating na ang family service nila. Sinubukan ko pa siyang pigilan pero hindi na siya nagpaawat. Kinatok-katok ko ang pinto ng SUV nila pero naiwan lang akong mag-isa na parang tanga.
Two weeks ago.
Red Gonzalez
11:34 pm
Hello
Red Gonzalez
online ka na
Red Gonzalez
Seen mo na to
Red Gonzalez
I have no other time
Red Gonzalez
Balakajan! Tampo na ako!!!!
Red Gonzalez
Alam mo ba kung anong araw to?!!! It's 4th monthsary and at the same time our completion day.
Red Gonzalez
Kainis ka
Red Gonzalez
Di mo ko binabati beb ko
Red Gonzalez
Okay lang. Crush mo naman ako.
Red Gonzalez
Sa lunes punta ka sa bahay
Red Gonzalez
Ito ang address ko. Ops bawal manligaw, bubugbugin ka ni papa hahahaha
Red Gonzalez
9th avenue*******
BINABASA MO ANG
When We Start Chatting Each Other
أدب المراهقينWhen we start chatting each other I realized that you are the one that I've been waiting for so long.. .. I realized that I found my missing piece. And I learn how to be contented. Its me who started this and its you who ended this meaningfully.
