02 || The Three Professors

13 3 0
                                    

Allen's Point Of View
     I groaned in frustration nang gisinging ako ni Aling Marcy para mag breakfast. Gusto ko pang matulog eh! Tsaka na istorbo niya panaginip ko, tsk.

     "ALLEN ALAS OTSO Y MEDIA NA NANG UMAGA PAPASOK KA BA OH HINDI?" singhal ni Aling Marcy sa'kin. Huhu nakakatakot siya.

     "Eto na po! Bababa na eh" kamot kamot ko pa ulo ko tsaka naghihikab pa nang ma upo ako sa 'mesa. Hmm ang sarap ng breakfast ko. Sinangag with bacon tsaka sausages at tortang talong. Agad naman akong nakain at muntik na ngang mabilaukan.

     "Hijo hinay hinay 'di ka naman ma uubusan eh" natatawang saway sa akin ni Aling Marcy.

     "I can't help it! Na miss ko luto niyo Aling Marcy" I complimented, totoo naman eh. I always eat junk pag ako lang mag isa tamad akong mag luto eh.

     "Asus! Nambola pa. Aba't bilisan mo na diyan at baka ma late ka monday pa naman ngayon, tsaka diba may warning ka nang natanggap mula sa English teacher mo?" nagkibit balikat lang ako.

     Actually nasa third warning na kami ng mga kaibigan kong sina William at Felix. Ilang beses narin kasi kaming ma late tsaka nag cut ng classes, buti nga di pa rin bumababa grades namin. Well, members din naman kasi kami ng Varsity Team ng School. We bring pride and honor to our School.

*Ding Dong!*

     Agad na tinungo ni Aling Marcy ang pinto. Sino naman kaya yan eh aga aga pa. "What the he.ll?!" singhal ko sabay himas ng batok ko. Pa'no binatukan ba naman ako ni Felix, at ang ga.go ay tumawa lang may pahawak pa sa tiyan. Tsk, ang dramatic talaga ng lalakeng to. "Tawang tawa eh noh? Ikaw kaya batukan ko ano?!"

     "Oh bro chill! Pa'no kasi ang seryoso mo diyan sa kinakain mo." He said while stifling a laugh. "Tumayo ka na nga diyan at maligo ka na ako na tatapos niyan" sabi niya while eyeing my plate. Ang takaw talaga neto kahit kailan.

     "Fine." I sighed "Just make sure na 'di mo makain yung plato huh" tinignan niya ko nang masama tsaka nag pout. I swear bakla to sa past life niya.

     "Grabe ka ang sama mo sa' kin Babe huhu" napangiwi naman ako.

     "Kahit babae ka pa 'di kita papatulan uy" natawa naman si Aling Marcy. Nilingon niya si Aling Marcy sabay pout ulit.

     "Aling Marcy naman eh! Akala ko kakampi kita" natawa lang lalo si Aling Marcy.

     Narinig ko pang sumagot si Aling Marcy, pero agad kung tinungo ang kwarto ko para makapag ready na.

     Nasa kalagitnaan ako nang pag bubutunes nang pulo ko nang marinig na naman yung door bell namin. Sigurado akong si William na eto, and soon enough narinig ko na ngang tinatawag na niya ako. "Eto na!" I rushed downstairs only to see Felix na hindi pa tapos kumain. "Hoy hindi ka ba pinapa kain sa inyo? Grabe ka baka pati almusal no Aling Marcy kinain mo huh"

     Natawa naman si William. "You know Felix hindi 'yan nabubusog. Tignan mo mamaya kakain pa yan" binatukan naman siya ni Felix, binatukan din siya pabalik ni William.

     "Jusko! Baka ma kalog mga utak niyo maryusep! Tigilan niyo na yan" natatawang saway ni Aling Marcy.

     "I doubt may makakalog Aling Marcy HAHAHA" sabi ko. Agad naman silang natigilan at tinignan ako ng masama. I gulped, at agad na kumaripas ng takbo patungo sa sasakyan ko.

     "ALLEEEEN!" narnig kong pasigaw na tawag ni Felix. Natatawa naman akong pumasok sa kotse ko sabay lock. Nang nakalabas silang dalawa kinatok katok nila yung bintana ng sasakyan ko. "Lumabas ka diyan! 'Di pa tayo tapos!" namumulang sabi ni Felix.

Midnight Memories [ KATHNIEL ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon