"Joshua, ibigay mo sakin ang baril." Utos ng presidente sa secretary niya.
"so ayun? Ayon lang?" Tanong ko sa presidente.
"Anong ayon lang?! You will never understand the pain to lose someone precious to you" galit na galit na sabi ng presidente.
"Pero mali pa rin ang ginagawa mo. Nakasalalay sa mga kamay mo ang mga buhay namin nang dahil lang sa pagkamatay ng asawa mo?"
"YES! THEY SHOULD PAY!" Tumawa ang presidente. "A LIFE FOR A LIFE, REMEMBER?"
"Hindi mo maibabalik ang iyong asawa sa pamamagitan ng paghihiganti!" Sigaw ko.
"At sa tingin mo maibabalik ko siya pag hindi ko ito magagawa?!" Kumuha siya ng baril at tinutok sa akin. "Ano ba ang alam mo?! Ha?! Ang gusto ko ay hustisya! DAHIL SA NAPAKAGALING MONG TATAY.. NAMATAY ANG AKING MAHAL"
"tatay ko?"
"Oo nga pala. Hindi mo alam siyempre. Kasi bata ka pa nung patay na si Prince At dahil magaling magtago si Anne, napatagal ang pagkikidnap sayo." Pumunta siya kay anne na nakatali. She held her chin. "Sabihin mo salamat anne"
"Gago ka!" Sumugod ako pero napahinto ako nang hinawakan ni Mosi ang aking braso.
"Oh Mosi. Alam mo ba na ang pinakamamahal mo ang leader ng nagmomonitor sayo?" Sabi ng presidente.
Natigilan si Mosi. Tumingin siya sa presidente na parang nalilito.
"Nakalimutan mo na ba ang iyong minamahal?" Ngumisi ang presidente. "Oh that's sad. Because Jhake here never forgotten you. Isn't that right Jhake?" At diyan lumabas sa dilim ang lalaking nakatali rin.
Natigilan si Mosi na nakatali. "NO"
"HAHAHAHA" itinutok niya ng baril ang lalaki.
Nakita ko na ang galit sa mga mata ni Mosi. Tumingin ako sa Presidente pero kahit anong gagawin ko ay hindi ko siya mababasa. Teka, bakit? Bakit di ko mababasa ang nasa isip niya? Tumingin ako kay Mosi pero nakita ko siyang nakatingin sa mga kamay niya na nalilito. Ha? Anong nangyayari? Teka---
"HAHAHAHAHA ngayon, alam niyo na. Alam niyo na na may traydor sa grupo niyo." Nagulat ako sa sinabi niya. "Levina, my dear?" Pumunta sa harapan namin si levina.
"Levina, bakit?" Tanong ni Jessica.
"Dahil sinakop nila ang pamilya niya" sabi ko at natigilan silang lahat. "Nakita ko, ang tatay mo ang gumawa ng serum"
Pumalakpak ang Presidente. "Napakatalino, oo, si Mr. Richie ang gumawa ng serum. Yan kasi ang plano ng dating presidente at ang unang human subject ay ang asawa ko. Napakagaling... Pero inabuso din"
"Levina.." tawag ni Jessica
" I have no choice. My brother's life was on the line, MY FATHER'S LIFE WAS ON THE LINE" sabi ni Levina.
"Mr. Richie? Mr. Jhae?" Tawag ng presidente.
At doon lumabas ang tatay at kapatid ni Levina. Tumabi sila sa presidente.
"Brian, Cristian, tie them"
Nagulat kaming lahat nang sumunod ang guards sa kaniya.
"Ready the guns" mas nagulat kami doon lalong lalo na si Levina nang inilabas ng mga guards ang kanilang baril at itinutok sa ulo ng mag-ama.
"NO" Sigaw ni Levina. "GINAWA KO NA LAHAT! WAG MO SILANG SAKTAN"
Doon sinubukan kong gamitin ang aking kakayahan, umaasa ako na hindi na gagamitin ni Levina ang kaniyang abilidad.
Sa wakas, dahil nanghihina si levina dahil sa nakikita niya, kinuha ko na ang pagkakataon.
Levina...
You have a choice now.
Your loved ones' lives are on the line.
So what would you choose?
"Ano, Levina?" Tanong ng presidente.
"Hindi sagot ang paghihiganti at alam mo iyon Mrs. Zore." Sabi ko. "We make our own life choices. No one should control and choose the path for us."
"So?" Tanong ng presidente. "What are you implying?"
"Our freedom." Sabi ko. "Set us free. You want justice, right? I will let everyone know what my father has done."
"Hmm, tempting..."
Tumingin si levina sa akin tsaka tumingin sa iba. Tas pasimpleng tumango. Diyan, alam ko na kung anong pinili niya.
"How about.... No"
Tinutok ng presidente ang kaniyang baril sa amin. Puputok na sana ang baril pero huli na ang lahat dahil nandoon na si Jm sa likod niya kasama si ate MM. Ginamit ni ate MM ang kaniyang kakayahan kaya nasa kaniya na ang mga baril. Mabilis rin nakapasok si Jessica at lumaban sa mga guard na nandoon. Sumunod si Levina na tumatakbo patungo sa presidente. Kinuha niya ang baril at tinutok sa presidente. Pero nagulat lang kami nang may iba siyang baril at tinutok niya ng baril ang kapatid ni Levina.
"Go on, shoot me" sabi ng presidente. "And i'll shoot him"
"Levi, it's okay" Sabi ng kaniyang kapatid.
Lumuluha ang mga mata ni levina.
"Dont worry about me, take good care of our father, okay?" Ngumiti siya. "Be a good girl"
"JHAE!" sigaw ng ama.
"Oh cut the drama" sabi ng presidente.
"Bitiwan mo ang kapatid ko" sabi ni Levina. "Bitiwan mo siya at bibitawan ko ang baril na ito"
Seryosong tumingin ang presidente sa kaniya. "Okay" tinulak niya palayo ang kapatid niya. Unti-unting binitawan ni Levina ang kaniyang baril.
"Sike" nagulat kami nang tinutok ng presidente ang baril sa kapatid niya at pinutok.
Pero hindi...
Hindi ang kapatid niya ang nabaril. Gumuho ang mundo ni Levina sa nakita niya.
"TAY!!!" diyan pumatak ang luha ni Levina.
Nandidilim na ang paningin niya. Punong puno ng galit ang mga mata niya. Tinutok niya ang baril sa presidente na ngumisi lang sa kaniya na parang tanggap na niya ang kaparusahan at kamatayan. Tsaka pinutok ni Levina ang baril at tumama ang bala sa puso ng Presidente.
Diyan nagtatapos ang laban.
Diyan nagtatapos ang lahat.
YOU ARE READING
The LABrynth: ESCAPE
Science FictionIf you are interested in sci fi, then be my guest. Witness the journey of 10 folks who were normal at first. Well, im not gonna tell you more details. Malalaman nyo rin yan pag nabasa nyo to