"Class Dismissed.."
Nawala na sa paningin ko ang aming propesor ngunit deretso parin ang tingin ko sa nakasulat sa pisara. Umiikot sa apat na sulok ng kwartong ito ang ingay mula sa mga kaklase kong papaalis na, habang ako ay nandito parin, tulala..
"Huwag mo masyadong isipin yan, matagal pa naman pasahan niyan eh," nabaling kay Aretha ang atensyon ko nang bigla itong nagsalita. "Kung ako sayo, sumama ka nalang sa amin sa Tagaytay. Hatid-sundo ka ng sasakyan ni Elmer, wala ka nang iisipin sa pamasahe," ani nito habang sinusuklay ang mahaba at tuwid na buhok.
Mula kay Aretha ay tumagos ang tingin ko sa likod nito, sa bintana, kitang-kita na ang mala-kahel na langit. Agad kong tinignan ang orasan at napaiktad nang makitang malapit na tumuro sa kwatro ang kamay nito. Isa-isa kong pinasok ang gamit sa loob ng bag.
Nang masilid ko na ay agad akong tumayo ngunit bigla ako nitong hinarang.
"Ano? G ka ba?" naka-palibot na sakin ngayon ang iilan pa naming block mates na sa tingin ko ay inbitado rin at hinihintay ang sagot ko.
Dahan-dahan akong umiling at naiilang na ngumiti.. "Nag-iipon kasi ako eh, sa susunod nalang." ani ko habang ang mata ay nakatingin sa baba, napansin ko na magkaibang kulay pala ng medyas ang nasuot ko.
"Ganiyan lagi ang linyahan mo, Juno. Kailan ba 'yang "sa susunod" mo na 'yan? Tara na kasi! Libre ko naman eh.."
"Hindi talaga kaya, Aretha eh.. May gagawin pa kasi ako,"
"Puro aral naman nasa isip mo, subukan mo naman magliwaliw minsan. Alam mo 'pag tanda mo, pagsisisihan mo na hindi mo sinulit ang mga panahon na 'to," nakapalumbaba itong patango-tango habang naka-tingin sa akin.
Nilakihan ko ang aking ngiti. "Babawi ako, sa sususnod talaga sasama na ako." ngumuso lang ito at dali-daling tumayo. Sumunod naman sakaniya ang kaniyang mga alipores.
Maya-maya ay narinig ko ang tunog mula sa pagbagsak ng pinto. Inikot ko ng tingin ang buong classroom, wala nang tao. Napasinghap ako. After a draining day full of wild voices, I'm now finally at peace. Other teenagers at my age would spend their Friday night in clubs or in loud, crowded areas, but me, I would spend it in a quiet place to recharge myself for interacting with people for the whole week.
Minsan nagtataka rin ako bakit iba ang interes ko sa mga kaklase ko, kung may mali ba sakin. But afterall, people are made differently.
Paalis na sana ako nang bigla akong napatingin muli sa pisara.
Create a sculpture depicting how love may alter one's perspective on life.
How could I make others feel the love coming from my sculpture if the artist had never felt it himself? Posible kaya yun?
Para akong magluluto ng isang putaheng hindi ko alam ang sahog. Para akong kakanta nang hindi ko alam ang nota at liriko. Para akong makata na hindi alam ang sariling tugma.
Kung sabagay, tama naman si Aretha at matagal pa ang pasahan nito. Maaga ibinigay ang project na 'to para mapaghandaan daw naming maigi. It will serve as our final output. Ang mapipili raw sa gawa namin ay ilalagay sa school exhibit.
Hindi ko naman inasam na ang gawa kong mapili, makakuha lang ako ng mataas na marka sa subject na 'to ay ayos na ako. However, I find myself wondering what the artist would think of others viewing their work. Would that individual perceive the artwork as the creator is trying to convey it, or would they interpret it in a different way?
Napailing nalang ako sa mga halo-halong senaryong nabuo sa utak ko.
I left the room, just as I had left all of my thoughts. And the questions, which, hopefully, will be answered soon.
YOU ARE READING
Pinta, Lapis at Ikaw
RomanceKailangan ng Pinta at lapis para makabuo ng isang obra. Ngunit kailangan ng "Ikaw" upang mag bigay ng dahilan sa bawat hulma.