Aurora CelesteStranger
"Hija! Pakiabot ako ng sandok" utos ni inay sakin. Nagluluto kasi Ito habang ako nasa lamesa at nagbabasa ng libro.
Inabot ko ang sandok sakanya.
"Salamat"she said. Tumango lang ako habang pasimpleng kumukuha ng niluto nitong beef loaf.
Patyempo akong kumuha baka mahuli at mapalo pa ako ng sandok sa kamay. Dahil busy naman Ito sa kanyang nilutong gulay. Makakalusot ako.
Habang nagbabasa ay ngumunguya ako. Itong librong binabasa ko ay lesson namin sa M.I.L masyado kasing istrikta si ma'am Genevieve samin araw-araw may quiz mabuti nalang at nakakapag-aral ako baka yun pa ang ikabagsak ko.
Nabigla ako ng may pumalo sa kamay ko. Kukuha pa sana ako kaso nahuli na ni inay ang kriminal. Caught on the act.
"Aray, inay naman!" I pouted. Napakunot lamang ang noo nito.
"Ikaw'ng bata ka! Pasimpleng kang kumukuha kala mo diko nakikita!"sigaw nito sakin.
Pinalo uli ang kamay ko.
"Sorry ma" mahinang sabi ko. She sighed."O' siya kumuha ka na ng pinggan dun at tayo'y kakain na"ngumiti ako ng malapad sakanya tinawanan lamang ako nito.
"Takaw ng batang to' " narinig Kung bulong niya. I pouted again.
Hindi kaya ako matakaw , kung gutom lang. I said at the back of my head.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta akong maghuhugas ng Plato. Alam kung puyat si inay sa trabaho kaya kahit ito nalang maitutulong ko kahit papano makapagrelax ito.
Kami nalang kasi ni inay ang magkaramay, namatay si itay dahil sa sakit at tsaka overworked masyado ang katawan niya kaya natatakot ako para kay nanay.
Umakyat ako at chineck ang kwarto ni inay. Hindi malaki ang pamamahay namin pero maayos ito't malinis syempre hindi rin kami may kaya, mahirap lamang kami pero nagsisikap naman kahit papaano.
Ang bahay at lupa na ito ay regalo ng mama ni itay sa magulang ko. Kaya lagi naming inaalagaan.
Sinilip ko sa may pinto si inay nang magkita kung tulog na ito ay sinarado ko na ang pinto ng kwarto nito at tinahak ang daan papunta sa kwarto.
Nang makapasok ako sa kwarto ay dumiretso ako sa study table ko. Gawa lamang ito sa kahoy pero maganda naman tiningnan kasi pininturahan ko naman. Hiningi ko pa kay tiyo ko yung pintura mabuti nalang at maganda Yung kinalabasan ng study table ko.
Umupo ako sa upuan at chineck ang cellphone ko. Siguro makikinig nalang ako ng music habang nag-aaral.
I plugged my earphones and chose a lo-fi on my playlist. Tagal kung di-nownload to. Masyado kasi mahina ang signal ng TNT dito kaya nag-globe nalang ako. Mabuti nalang hindi ako nahirapan dahil malakas rito ang globe.
Ilang oras pako pabalik balik ng basa sa lesson. Kaso nadadala ako sa lo-fi e'. Napapakamot na lamang ako sa ulo ko. Pero hindi rin katagalan ay nasaulo ko na rin lahat.
Hindi ko alam pano ako nakatulog kagabi kasi sure ako na nagbabasa pa ako kagabi.
Pagkatapos kung maligo at magbihis ay bumaba na ako bibit ko ang bag, libro at cellphone ko.
"Morning inay!" I greeted her with a smile.
"Magandang umaga rin hija" sagot nito sakin. Inaayos nito ang plato at kutsara sa lamesa. Kinuhanan pa ako nito ng kanin at ulam.
Ang sweet naman ni inay.
"Salamat nay" I said when I received the plate with food.
"Kumain kana at baka malate ka pa" tumango lamang ako sakanya at nagsimula ng kumain.
BINABASA MO ANG
Hi, Wonderwall
RomanceAurora Celeste Sandoval, a quiet scholar, has always preferred the solitude of books to the chaos of social interaction. Her academic brilliance often isolates her from her peers, who view her with a mix of envy and disdain. As a result, she's erect...