Chapter 2

3 0 0
                                    


Aurora Celeste


Friends


Matapos yung mahabang quiz at surprise recitation namin ay nagpahinga muna ako sa upuan ko bago lumabas sa room.

Tinahak ko ang daan papuntang cafeteria mabuti nalang at may table na available nilagay ko muna ang bag ko at bumili ng bell juice na 4 season. May baon naman ako kaya wala na akong problema. Fried chicken ang ulam ko, binili ito ni mama sa kapitbahay naming nagtitinda ng mga ulam.

Sabi ko wag na medyo mahal kasi pero mapilit naman 'to.

Inayos ko muna ang bag ko at nilagay sa tabing upuan. Para sa anim itong table kaya nakakapanliit lang kasi wala akong kasama.

Inilabas ko baon ko at binuksan ito. Nagpasalamat muna ako bago kumain hindi palang ako nakakahati ay may lumapag na dalawang tray sa harapan ko.

Pag angat ko ay nakita ko si Vesarius at ang kaibigan nito. Nakangiti yung kaibigan niya sakin. Awkward akong ngumiti sakanya. 

Sana ayos lang ngiti ko

"Hi! My name is Hunter, you are?" He asked. Englishero rin e'. Mapapasabak ako nito.

Napaayos ako ng upo.

"I'm A-aurora Celeste" I smiled at him. Act normal, Aurora!

He smiled at me at umupo ito. Umupo naman si Vesarius sa harapan ko sa gilid niya si Hunter.

"Sorry, pwede ba kaming maki-join?" Hunter habang kumakamot sa likod ng ulo niya.

Tumango ako. Hindi naman sa'kin to eh.


"P-pwede naman tsaka masyadong malaki sakin t-tung table at hindi ko rin naman pag-aari itong table. Kaya okay lang maki-join kayo" sagot ko.

"Sabi mahiyain. . . daw" bulong ni Hunter. Sinamaan naman siya ng tingin ni Vesarius. Tumawa lamang ito Kay Vesarius. Mahiyain? Sino?

Habang kumain kami ay tahimik lamang kami. I can feel that I'm the only one who's stiff. Hindi lang talaga ako sanay atsaka nakaka-pressure rin ang presence nila. Tapos marami pang matang tumitingin samin especially the girls.

Their eyes are sharp. Papatayin ata ako ng tingin.

"A-ah V-vesarius gusto mo ba ng takoyaki?"nahihiyang tanong ko. Kasi naalala ko lang may utang pala ako sakanya.

Napaubo naman si Hunter sa sinabi ko. Inabutan ko pa siya ng bell juice ko pero tinanggihan niya lamang ako at kinuha ang tubig ni Vesarius.

Hinarap ko si Vesarius.
He put his spoon and fork away. He faced me. His faced flushed but in a sec.

"Y-yes please" he said. Tumango lamang ako.

"Gusto mo rin Hunter?" I asked Hunter lumipat yung tingin ni Hunter kay Vesarius, habang nakatitig lamang sakin si Vesarius.

I smiled at Hunter. Nahihiya lang siguro siya.

"Sige, bibili ako ng dalawa" I said tapos umalis na sa table.

Lumapit ako takoyaki stall at bumili ng dalawa, Hindi na ako kakain kasi busog pa ako.

Nang matapos kung makuha at magbayad at umalis na ako at tinahak ang table namin pero napahinto ako ng makita kung nandun sila Margaret sa table namin.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi. Bibili nalang siguro ako ng bell juice. 

Bago pa ako makahakbang palayo ay may sumigaw sa pangalan ko.

"Aurora!" Tawag sakin ni Hunter.
Para akong robot ng lumingon sa gawi nila. Nakita kung masama ang timpla ng mukha nila Margaret ng makita ako.

"A-ah wait!" Sigaw ko rin at dali daling tinahak ang table. Muntik pa akong matisud mabuti nalang nasalo ako ni. . . Vesarius. Lagot ako! si Margaret!

"T-thank you" almost whisper.
"Be careful" mariin na sabi nito.

Mas lalong umitim ang timpla ng mukha ni Margaret at ng kasama niya. Lumayo ako ng kunti kay Vesarius at nilapag ang dalawang takoyaki.

"Ito oh...M-mainit pa yan" paalala ko kasi nag-unahan silang dalawa. 

"Aurora" naagaw ni Margaret ang atensiyon ko. Takot akong lumingon sakanya.

She raised her eyebrows habang nakangiti ito. Kita namang pakitang tao lang siya.

"Nakisabay ka pala kumain sakanila?"tanong niya namay pait sa boses.

Sasagot pa sana ako ng.
"Actually, it's us who joined her. We saw her eating alone and we invited ourselves, do you have a problem with that?" Hunter asked na parang naiirita ito sakanila.  Margaret was stunned but she smiled to hide it.

They stood and walked away.

I'll be the headline later. That's for sure.

"Kilala mo sila?" Hunter asked. Umupo muna ako bago ko siya sinagot.

"A-ah classmate ko sila" I answered. He nodded.

"Not close?" He asked again. Umiling ako.

"Hindi e' magka-iba kasi ugali namin at hindi ko rin sila ka...l-level?" Bakit patanong yun Aurora.

Lagi naman kasi sinasabi sakin yan porket scholar ako.

"Pero okay lang sakin kahit walang kaibigan, I like being alone" bawi ko. Lies. Liar, Aurora!

He nodded. Malalim ang iniisip nito pati narin si Vesarius na nakatitig lang sa mesa.

"So, they bullied you?" Nabigla naman ako sa tanong ni Vesarius.

Nangapa pa ako ng sagot.
"A-ah hindi naman ganun, mabait naman sila. . . Minsan" natampal ko ang noo ko. Magiging masama tingin nila sa grupo ni Margaret at mukhang ako magiging dahilan dun.

"So, parang ganun narin" si Hunter. Tumango tango pa ito. Habang ang dalawang siko ay nakatukod sa table.


Umiiling ako sakanila.

Ayoko ng sumagot. Baka ano pang lumabas sa bibig ko. 

"It's okay nandito naman kami" napatitig lamang ako sakanila.

I smile at sadly.

"We're not comforting you, just stating the fact" Vesarius.

Nabasa kaagad niya ako.

Tumango lamang ako sakanila.

"Yeah we're. . .friends" Hunter habang nakatingin kay Vesarius.

Friends?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi, WonderwallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon